CHAPTER 19

3 1 0
                                    

[ CHAPTER 19 ]

HAMARA POV

"Saan ba tayo?" Medyo naiirita kong tanong. Ikaw ba namang biglang higitin diba?

Tinignan nya lang ako at hindi nag abalang sagutin ang tanong ko.

Nakarating kami sa lugar kung saan nya hiningi ang permiso ko na manligaw sya saakin. Sa playground. Tumingin sya sa kalangitan na puno ng mga bituin at pagkatapos ay tumingin saakin. Hawak nya pa rin ang kamay ko at mukhang wala nang balak bitawan ito.

"Bakit mo ako dinala dito? Anong gagawin natin dito?" Napabuntong hininga sya dahil sa tanong ko.

"Walang masyadong tao dito mahal ko. Walang ibang makakarinig sa mga rants mo ngayon kundi ako lang. Pwede mo nang ilabas ang mga bigat na nararamdaman mo ngayon. Wag kang mag alala, hindi kita huhusgahan." Agad na tumulo ulit ang mga luha ko dahil sa sinabi nya. Bumuntong hininga ako bago simulan ang pag kwento sa kanya kung bakit nga ba ako nag kakaganito ngayon.

"Remember the time na sinabi ko sayo na galing ako sa orphanage?" Tanong ko at tumango lang si Tim.
"Noong una, akala ko mahahanap ko na yung pagmamahal at atensyon na hinahanap ko. Akala ko mararanasan ko na yung pakiramdam ng mahalin ka ibang tao. Akala ko yung ganon, pang habang-buhay na. Akala lang pala at sa una lang pala ganon." Muli akong napabuntong hininga habang si Tim ay tahimik lang na nakikinig.

"May mga naging kaibigan ako doon na halos ituring ko na tunay ko nang kapatid. Sila yung lagi kong kasama sa lahat ng bagay. Hindi ko akalain na kung sino pa ang tinuring mong pamilya, ay sila pa pala ang mangtatraydor saiyo." Napansin kong napatingin si Tim saakin.

FLASHBACK

"Hamara, sabi daw ni sister Rossie linisin daw natin yung storage room." Sabi saakin ni Hazar.

Si Hazar yung kaunaunahan kong naging best friend dito sa Orphanage. Noong una naming pag uusap, ang gaan agad ng loob ko sa kanya. Mabait sya at talagang mapagkakatiwalaan. Hindi sya kagaya ng ibang lalaki na walang respeto sa babae. Masasabi ko na kakaiba sya sa mga lalaking nakasalamuha ko. Masasabi ko nalang talaga na all in one sya. Bakit? Kase una kaya nya maging tatay para saakin dahil sa sobrang concern at care nya saakin, minsan para ko na din syang kuya, at higit sa lahat mapagkakatiwalaan pa na kaibigan. Kaya ang swerte ng magiging girlfriend nya.

Tumango nalang ako bilang pag sang-ayon sa sinabi nya saakin na iniuutos saamin ni sister Rossie. Nag lakad kami papunta sa storage room. Madilim dito at yung mga bintana ay halos malapit na sa bubong dahil sa sobrang taas. Mukhang mahihirapan kaming linisin yang mga yan a. Napatingin ako sa gawi ni Hazar nang i-lock nya ang pinto.




TRIGGER WARNING!!




"Hazar? Bakit mo ni-lock ang pinto? Ang dilim oh! Tska ant init. Buksan mo nga yan" sigaw ko ngunit hindi sya umimik. "Hazar? Buksan mo yan." Akmang lalapit na sana ako sa may pinto ng bigla nyang hilahin ang pulsuhan ko at malakas akong isinandal sa pader. Napa ngiwi ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. "H-hazar! Masakit! Bitawan mo'ko!" Sinubukan kong kumawala sa kanya pero mas malakas sya kesa saakin kaya hindi ako nagtagumpay sa plano kong tumakas mula sa kanya . Ramdam ko yung hininga nya sa pisnge ko. "Hamara, I'm sorry." Mangiyak ngiyak ako nung sinimulan nyang halikan ang leeg ko pababa sa dibdib ko. Dahan dahan nyang hinuhubad ang mga damit ko at wala naman akong ibang magawa kundi ang umiyak lang. "H-hazar, ayoko na please? Pakawalan mo na ako! Ano ba ang nagawa kong mali saiyo at binababoy mo'ko ng ganito ngayon?! Tinuring kitang--" hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin nang agresibo nya akong hinalikan sa aking labi. Pilit kong itinutulak ang katawan nya palayo saakin pero  wala itong epekto ito sa kanya dahil mas malakas sya kesa saakin. Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko sa kadahilan ng pambababoy saakin ng taong itinuring ko na kapatid, kapamilya,kaibigan,at higit sa lahat itinuting ko na buhay ko.

Nang nagtagumpay syang hubarin lahat ng damit ko, itinulak nya ako ng malakas pahinga sa sahig. Pagapang akong tumatakas sa kanya pero agad nya akong nahuhuli sa pamamagitan ng paghila sa paa ko palapit muli sa kanya. Hinubad nya ang damit nya at pilit na ibinubuka ang mga hita ko. Hinalikan nya muna ako sa noo at tinignan ako sa aking mga mata. Agad ko syang sinampal dahil sa sobrang pandidiri na nararamdaman ko sa kanya. Kulang pa ang sampal na ibinigay ko sa kanya kapalit ng mga kagaguhang ginawa nya saakin. Kulang pa. Dahil sa sampal na ginawa ko sa kanya, bigla nyang ipinasok ang kabuuhan nya sa loob ko. Halos mapasigaw ako sa sobrang sakit na naramdaman ko. Pero wala pa ding tatalo sa sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko ngayon. Mabilis syang gumalaw at tila ba walang pakealam sa kung sino ang binababoy nya ngayon.

Ilang beses akong nakakatanggap ng sampal at sabunot mula sa kanya. Nang matapos nyang paligayahin ang sarili nya, agad syang nagbihis at iniwan ako mag isa sa loob ng storage room. Hindi ako lumabas ng storage room ng ilang oras dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindinh hindi ko sya mapapatawad!! Hinding hindi kita mapakatawad Hazar!!

Mula nang araw naiyon, hindi na namin alam kung asan na si Hazar, bigla nalang daw syang nawala sa orphanage. Paulit ulit kong tinatanong sina sister kung asan ba ang mga magulang ko? Kung sino ba sila? At bakit ako iniwan dito. Ang laging sinasabi nila saakin na umalis lang daw pero babalikan pa din naman daw ako. Gusto ko nang umalis dito dahil pakiramdam ko nasa impyerno ako. Pakiramdam ko mas nag aapoy ang galit na nararamdaman ko dito. Sa bawat sulok ng orphanage ay naaalala ko si Hazar.

At mula din ng araw naiyon, hindi ko na naramdaman ang pagmamahal sa paligid ko. Basta ang alam ko lang, ang lahat ay pagtataksilan din ako kagaya ni Hazar. Tumakas ako sa Orphanage at nangako sa sarili na kahit anong mangyari, hinding hindi na ako babalik sa impyerno nayan.


END OF FLASHBACK

Napansin ko na sobra nang nakayukom ang mga kamay ni Tim at nakatingin sa malayo. Hinawakan ko ang mga kamay nya at hinalikan ang mga ito. Napatingin sya saakin at tumulo ang mga luha mula sa mata nya. Pinunasan ko ito gamit ang thumb ko.

"Hamara.." tawag nya sa pangalan ko. "Kung sakali bang ako ang kasama mo noon at hindi si Hazar, ganyan pa din kaya ang maramdaman mo hanggang ngayon? Ganyan pa din kaya kalaki ang galit na nararamdaman mo sa mga tao hanggang ngayon?" Ramdam ko na hinalikan nya ako sa noo. "Please allow me to protect you. Please Hamara?"  Umiling ako. "No Tim. Kaya ko ang sarili ko."

"Kahit na sabihin mong kaya mo ang sarili mo, kahit na ayaw mong protektahan kita mahal, poprotektahan pa din kita naiintindihan mo? Sa ayaw at sa gusto mo ako ang poprotekta saiyo."
Niyakap ko sya at muling umiyak sa dibdib nya.

"Kaya ko naman kase. Mamaya baka mapaano kapa ih. Ayokong madamay ka. Ayokong may nadadamay akong mga tao na nasa paligid ko dahil lang sa magulo kong buhay."

"Hamara, hindi sa lahat kaya mo. Kung kaya ng tao na laging mag isa, bakit pa nilikha ng Dyos si Eba? Poprotektahan kita naiintindihan mo?" Hinawakan nya ang kamay ko. "Handa akong ibuwis ang buhay ko maprotektahan ka lang mahal ko."

_________________

[END OF CHAPTER 19]

The Last CrepusculeWhere stories live. Discover now