CHAPTER 12

3 1 0
                                        

[CHAPTER 12]

HAMARA POV

Kakauwi ko lang dito sa apartment ko. Dumeretso ako agad sa kwarto at nag palit ng damit. Kahir madilim na sa labas ay naglakas loob padin akong buksan ang bintana para tanawin si Luna.

Inhale...

Exhale...

Inhale...

Exhale ...

Paulit ulit ko lang ginawa yan hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko. Muli, kumuha ako ng papel at ballpen. Sandaling pinikit ang mga mata at pinapakiramdaman ang paligid. Ninanamnam ang katahimikan. Muling nag uumapaw ang mga emosyon kong gustong kumawala mula saaking mga mata. Pagdilat ko ay muli akong tumingin sa buwan at saaking papel at nagsimulang magsulat.

" Boteng walang laman,
Sa loob ay may malakas na ulan,
Mga along nag tataasan,
Ang langit? Kailan kaya mabubuksan?

Ako'y iyong lunurin,
Hanggang sa ilalim ng dagat ay makarating,
Malayo sa mga matang nakatingin,
Malayo sa mundong makulimlim.

Sa mata ay may talon,
May nakatusok na mas malalim pa sa balon,
Walang hagdan upang makaahon,
Sasabay nalang ako sa alon.

Tumulong tubig ay di mabilang,
Daig pa ang inosenteng nasa bilangguan,
Durog na krayolang walang makulayan,
Bayani ay masyadong pinahihirapan."

Pagkatapos kong magsulat ay itinupi ko ang papel at inilagay sa lalagyanan ko ng mga tula. Pansin ko na ilang papel nalang ang pwedeng magkasya doon. Mula pagkabata ko ay hilig ko nang gumawa ng tula. Ewan ko kung bakit. Siguro kase heto yung tanging paraan para mailabas ko ang problema ko. Siguro kase heto lang ang pwede kong sabihan ng mga bagay na hindi ko masabi sa iba. Siguro nga, alam ng papel at ballpen ang buong buhay ko.

Itinago ko na muli ang kahon kung saan nakalagay ang mga tula ko at kinuha ang cellphone at earphone. Muli akong tumambay sa may bintana para pagmasdan ang buwan kasama ang mga bituin. Isinaksak ko ang earphone sa phone ko at isinalpak ito sa dalawang tainga ko. Pinindot ko ang play button at nagsimulang makinig sa musika.

Sa kagitnaan ng pakikinig ko ay biglang may nag notif. Sa cellphone ko na syang dahilan ng paghinto ng kanta na pinapakinggan ko.

'Kian Luiz Veraña sent you a Friend request.'

Pinindot ko yung notification at nag open yung Facebook app ko at dumeretso sa account ni Kian.

"Mhm? Sino 'to?" Tanong ko sa sarili. Maya maya ay nag notif din yung messenger ko.

'Kian Luiz Veraña wants to send you a message.'

Pinindot ko yung message request para makita yung message nya.

Kian: Hi!❤️

Binasa ko lang yung message nya at hindi na nireplyan. Oo nga pala, naalala ko yung promise ko kay Tim.

Pinindot ko muna yung play button ng music ko para ipagpapatuloy yung kanta na pinapakinggan ko.

Binuksan ko yung Facebook app ko at sinearch ang name ni Tim sa Facebook at inaccept yung request nya sa Facebook.

I turned off my mobile data at payapang nakinig sa kantang pinapakinggan ko at muling tumingin sa ganda ng buwan.

Makalipas ng ilang minuto ay napagdesisyonan ko nang isara ang bintana. Pinatay ko na ang ilaw at muli ko nanamang nasilayan ang mga glow in the dark na stars at moon na nakadikit sa ceiling ko.

Humiga nalang ako habang pinagmamasdan angmga nakadikit sa ceiling hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

------------

The Last CrepusculeWhere stories live. Discover now