CHAPTER 23

1 1 0
                                    

[ CHAPTER 23 ]

Nanatili syang nakayakap sa likod ko at walang sawa sa kakasuyo saakin pero hindi lang ako umiimik. Sa 'di kalayuan, narinig na namin ang boses nina Kian at Sheina na nag tatawanan pabalik sa pwesto namin.

"Look mahal oh, mag ka-holding hands sila" nakangusong sabi ni Tim.

"Oh ano naman?" Pag tataray ko sa kanya

"Inggit atho" pababy talk nya.

"Ay jusko Tim Alvarez! Kilabutan kanga!"

"Anong- woy! Baka nakakalimutan mo boyfriend mo'ko" parang bata na sabi nya

"Maiinggit ka pa ba na magkaholding hands sila eh samantala kakayakap mo lang saakin kanina? Myghad Tim Alvarez!" Nakanguso pa rin sya

"Hindi mo na ako mahal" mas lalo syang napanguso pagkatapos banggitin ang mga 'yon.

"Baby ka pa rin ba? Ha Mr. Alvarez?"

"Opo.." pababy na sagot nya. "Baby mo po soon to be mrs. Alvarez" nakangising sagot nya.

"Hoy ano 'yang naririnig namin na misis misis ha?" Biglang sali ni Sheina habang nakaakbay sa kanya si Kian at nakangisi.

"May plano na yatang bumuo ng pamilya 'tong dalawa hon" sabi ni Kian kay Sheina.

Nag katinginan kami ni Kian, parehong nanlalaki ang mata namin at-

"Wait what?! Ano tawag mo kay Sheina tol?" Gulat na tanong sakanya ni Tim.

"Hon." Simpleng sagot ni Kian at namumula pa ang tenga samantala si Sheina naman ay hindi na makatingin saamin.

"Kayo na?!" Gulat na tanong ni Tim sa kanya kaya sinabunutan ko.

"Araaaayyyyyyy!!!" Sigaw ni Tim at sinamaan ako ng tingin kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Obvious naman ata ang sagot diba?" Naging blangko ang expression ng mukha ko tas nag pout sya.

"Pato" tawag ko sa kanya.

"Wala hindi mo na agad ako mahal" nakanguso nyang sabi.

"Kian mahal ko tayo nalang mag lablabidabs." Sabi ni Tim kay Kian at akmang yayakap pa sa braso nito pero iniwas agad ni Kian ang braso nya.

"Pre.." sabi ni Kian.

"Pre.. mahal na ata kita" sabi ni Tim kaya hinila ko nanaman ang buhok nya.

"Aray!! Mahal naman! Masakit yon" mangiyak ngiyak na sabi ni Tim habang hinihilot ang ulo nya. Kaya hinawakan ko ang kamay nya.

"Halika nga"  hinila ko sya papalayo kina Kian at Sheina kase halatang nahihiya na yung dalawa.

"Jusko! Mahal kung nagbabalak ka na pong gumawa ng bata, 'wag!! Hindi pa ako handa mahal! Bata pa tayo!" Sigaw ni Tim.

"Pinagsasabi mo?" Sigaw ko pabalik.

"Ha?"

"Pinagsasabi mo-"

"Hangganda ko" pagpuputol ni Tim sa sasabihin ko sana. "Nyenyenye look mahal oh I'm so pretty!" Naging pang boses bakla ang boses nya at nag aktong babae. Nag flip-hair pa sya kesyo raw ang haba ng buhok nya.

"Look mahal i have the most gorjass eyebrows and eyes!! Sexiest nose and super duper mega ultra kissable lips!" Pagbabakla-baklaan nya. Hindi ko mapigilan ang tumawa dahil sa ginagawa nya.

Rumampa pa sya na akala mo ay nasa miss universe. Kesyo may pa lava walk pang nalalaman! HAHAHA

"Ayieee tumawa syaa!!" Nakangiti nyang sabi saakin at lumapit para yakapin ako. Niyakap ko rin sya pabalik

"Thank you mahal" sabi ko.

"Para saan?"

"For making me happy. For being the reason of my smiles and laugh. " Naramdaman ko yung kamay nya na hinahaplos ang buhok ko.

"Alam mo mahal ko? Mula nung makilala kita sabi ko sa sarili ko  'unang goal ko sa babaeng ito ay mapangiti at mapatawa sya." Napatingin ako kay Tim dahil sa sinabi nya.

"Hindi lang yan ang nagawa mo para saakin mahal. Dahil saiyo natutunan kong mahalin ang sarili ko." Hinalikan nya ako sa noo ko.

"Learning to love yourself is the greatest love of all. Hindi mo magagawang mahalin ang nasa paligid mo kung hindi mo kayang mahalin ang sarili mo." Pabulong nyang sabi saakin.


______________________

[ END OF CHAPTER 23 ]

The Last CrepusculeWhere stories live. Discover now