[CHAPTER 2]
Pagkatapos ng hindi nakakatuwang pangyayari naiyon ay dumeretso nalang ako sa cr para mag palit ng uniform. Pagkapasok ko ng cr ay may naririnig akong hagulhol ng babae. Sinundan ko ang iyak na naririnig ko upang malaman ko kung saang cubicle nanggagaling ang ingay.kung hindi ako nag kakamali ay nag mumula ito sa pinaka dulo ng cubicle.
"Tangina nya!!! Manloloko sya!!! Gago!!" Sigaw nya at bahagya akong napa atras.
"Pagkatapos nyang kunin saakin ang gusto nya?! Iiwanan nya nalang ako ng basta basta?! Gago sya!" Dagdag pa nya at napabuntong hininga ako.
Plano ko na sanang umalis ngunit bakit parang may pumipigil saakin. Hindi ko ugaling mangialam ng buhay ng iba ngunit bakit pakiramdam ko ay kailangan kong mag stay?
Sa hindi inaasahang pang yayari, i found myself knocking at the door of cubicle. Damn it.
"Tangina?! Kita mong may nag dadrama dito tapos mang iistorbo ka?! Sino kabang lalake ka?! Pare pareho kayong manloloko! Gago!" My eyes wide open dahil sa sinabi nya. Seryoso? Lakas mag tanong ng sino kabang lalake ka without knowing na nasa girls comfort room sya?
"Ang ingay mo." Sabi ko.
"Kita mong nag dadrama ako diba?!" Sabi nya.
"Alam ko. Pero mas uunahin mo pabang mag drama kesa pumasok sa first subject? You stupid girl, don't waste your tears for someone who doesn't know your worth." Paalala ko at pumasok na sa katabing cubicle nya para mag palit nh uniform. Tsk tsk tsk. Matinding kusutan nanaman ito mamaya.
Napansin ko na tumigil ang malakas na hagulhol nya. Nang matapos ako mag palit ay lumabas na ako ng cubicle and nakita kong nakasandal sya sa sink and nakatingin saakin. Binigyan ko lang sya ng "what-look?" .
"Iyayyy!! You save me!!" Tumalon talon pa sya at biglang yumakap saakin. Damn. Hindi talaga ako komportable sa mga yakap.
"Huh?" Tanging nasabi ko.
"Duh girl! I think you should linis linis yunh ears na! Kakasabi ko lang earlier e!" Sabi nya sabay ngumuso.
"Okay." Sabi ko sabay magsisimula na sanang mag lakad palayo.
"Hey! Wait!" Pag tawag nya saakin at hinawakan nya ang wrist ko.
"What?"
"Thank you."
"Oum." Pag tugon ko. At nag simula nang mag lakad ulit papalayo.
"Thats it?" Hindi nya makapaniwalang tanong.
"Malapit nang magsimula ang first subject mo. I think kailangan mo nang pumasok sa classroom mo." Sabi ko at nag simula nang lumakad palayo sa kanya.
"Ahm! Okay! See yah later!!" Pahabol nya at di na ako tumugon pa.
____Pagkapasok ko sa classroom ay napansin kong nag kakagulo agad ang mga kaklase ko. Batuhan ng papel dito, batuhan ng papel doon. Chikahan dito at chikahan dito. I'm just wondering, block mates ba sila? Kase bakit parang ang komportable na agad nila sa isa't isa? Or sadyang friendly lang ang mga tao dito?
Nag hanap nalang ako ng bakanteng upuan. Pinili kong pwesto ay sa tabi ng bintana. Ang ganda ng view, nakaka relax.
Tumigil ang kaguluhan sa classroom namin nang biglang dumating ang teacher namin.
"Bakit ang gulo ng classroom nyo?!" Sigaw nya saamin. Unang araw, unang sermon agad. Hanep.
Dahil sa pamugad nyang sermon,halos walang nakaimik sa amin."Ano?! Walang sasagot?!" Dagdag pa nya.
"At dahil walang sasa-" naputol ang pag sasalita ni sir nang may biglang kumatok sa pintuan namin.
"Sir goodmorning! I'm sorry I'm late! May I come in?" Sabi ng lalaki sa may pinto namin. Wait, he looks familiar.
"Bukod sa mukhang basura nanga ang classroom nyo?! May iresponsable pa?! Alam mo ba kung anong oras na?!" Sigaw nya ulit saamin. Hindi ba sumasakit ang lalamunan nya kakasigaw?
"Yes sir! The time is 8:30 am!" Masigla at nalangiti nya pang sabi sa harap ni sir na syang mas nag pagalit dito.
"Estupida!Go to detention room!!"
"Hala sir? Sinagot ko lang naman po ang tanong nyo. Bakit nyo po ako pinapapunta sa detention room? May nagawa po ba akong mali?" Dahil sa sinabi nya, nag tawanan ang mga kaklase namin.
Mas lalong namula sa galit ang teacher namin. Shet matanda pa naman iyon.
[END OF CHAPTER 2]
YOU ARE READING
The Last Crepuscule
Novela JuvenilIn love stories, after they overcome the problem, it always has a happy ending. But what happened to my love story? She sacrifice everything just for my own sake and her own beliefs.