[CHAPTER 13]
TIM ALVAREZ POV
"Kian?" Gulat na tanong ko. "Paano ka nakapunta dito?" Takang tanong ko.
"Malamang naglakad." Tugon nya. Lah?
"I mean.Ano ang ginagawa mo dito?"
"Hindi ba kayo dapat ang tinatanong ko kung ano ang ginagawa 'nyo' dito?" Tanong nya saakin pabalik at idiniin pa ang 'nyo'.
"Ahm dito kase namin gustong kumain ni Hamara." Sabi ko at tumingin sakanya. "Diba Hamara?" Tanong ko sakanya at tumango lang sya. Nakakunot lang ang noo saamin ni kian. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanga pabalik.
"Dito ako tumatambay tuwing break time at lunch." Sagot nya dahan dahan akong napatango ng tatlong beses.
"Ahm.. gusto mo bang sumabay saamin?" Pag anyaya ko sakanya.
"Hmm. Hindi na. Baka kase nakaka istorbo ako sa date nyo." Sarkastikong sabi nya at kumunot lang ang noo ko. "Tol, may problema ba?" Tanong ko. Kanina pa sya e. Umiling lang sya bilang pagtugon sa tanong ko at lumakad palayo. Napatingin ako kay Hamara na ngayon ay nakayuko na ang ulo.
"Hamara?"
Umangat ang tingin nya saakin. "Mhm?"
"Ayos kalang?" Tanong ko at tumango lang sya. "Kain na tayo?" Tanong nya at tumango lang ako nagpakawala ng ngiti sa labi ko.
"Ngapala tig-isa tayo ng sandwich at ng biscuit." Sabi nya at iniabot saakin yung biscuit at sandwich na ginawa nya.Agad ko naman itong kinuha at nag pasalamat sakanya.
"Ay ngapala!" Akmang susubo na sana sya ng sandwich nang bigla akong sumigaw at nagulat sya. Muntik panamang mahulog yung sandwich. "Ano baiyon?! Wag kangang manggulat!!" Inis na sigaw nya saakin at tumawa lang ako. "Naalala ko na may ginawa palang graham balls si mama, masarap ito promise! Dinamihan ko ang kuha kase gusto ko sanang matikman mo din." Sabi ko at kumuha ako ng tinidor at itinusok sa isang graham ball at isinubo sakanya. Habang ngumunguya sya ay dahan dahan syang tumingin saakin.
"Kumusta? Masarap?" Tanong ko. At mabilis syang tumango ng paulit ulit.
"Anghh sharap!!" Sigaw nya habang may laman padin ang bibig nya. Mahina akong napatawa dahil sa inasal nya. "Wag kang mag salita pag puno ng pagkain ang bibig mo. Baka mabulunan ka." Paalala ko at tumango lang ulit sya ng paulit ulit at ngumiti. Psh ang cute! Sarap pisilin ng pisnge kaso baka mailuwa nya yung graham.
Pinanood ko lang syang ngumuya hanggang sa malunok nya yung graham. "Ang tagal mo naman atang nguyain yung graham? HAHA" natatawang tanong ko sakanya. "eh masarap e! HAHAHA" natatawa ring sabi nya. Yes! May bago nanaman akong ichichika kay mama! HAHA
"Oh, gusto mo pa?" Alok ko at muling tumusok ng graham at inilapit sakanya. Tumango lang sya at kinain yung graham na nasa tinidor.
"Khumhaihn kfah dhehn!" Hindi ko maintindihan na sabi nya .
"Ha?" Tanging naisagot ko.
"Khumhaihn kfah dhehn!!" Ulit nya at natawa ako. "Alam mo? Lunukin mo muna yang ngumunguya mo bago ka mag salita. Hindi kita maintindihan HAHA" natatawang sabi ko at nilunok nanya ang ngumunguya nya.
"Ang sabi ko, kumain ka din."
"Ahh! Akala ko panaman kung ano yung sinasabi mo kanina. HAHA " sabi ko. "Next time kase sigurado mo muna na walang laman ang bibig mo bago ka mag salita or else.." dagdag ko pa at hinihintay ang kasunod na sasabihin ko.
" Or else?" Takang tanong nya saakin at napangisi ako.
"Or else hahalikan kita. Gets?" Sabi ko na syang dahilan ng pagkakunot ng noo nya.
"Joker ka noh?"
Napapout ako dahil sa sinabi nya. "Seryoso kase!"
"HAHAHA mukha kang siopao!" Natatawang sabi nyaa
"Wews!! Siopao pala a! Balakajan!" Kunwari na nagtatampong sabi ko. Pero imbis na suyuin ako ako ay tinawanan lang ako. Aba lakas ng loob tumawa a?-.-
"Balakatalagajan" muling pagkukunwari ko. Kinuha nya yung tinidor at tumusok ng graham ball. Ang akala ko ay isusubo nya para sa sarili nya pero mali e. Inilapit nya saakin yung parang susubuan ka ganern? HAHA. Basta ganon!
Biglang naginit yung sa tainga ko at malakas ang kutob ko na namumula ito. Heto nanaman! Bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko. Para bang mag mute yung sa kapaligiran ko at mabilis na tibok lang ng puso ko yung naririnig ko. Para bang muling nag slow motion ang paligid ko. Napako ang tingin ko sakanya. Pero nabago ang lahat nang kinain nya yung grahamball na nasa tinidor.
-.- → ekspresyon ng mukha ko at ni Hamara.
"Hamara naman!" Nagmamaktol kong tawag sakanya.
"Oh?"
"Bakit ikaw ang kumain? Ako dapat iyon e! Ulit!!" Nagmamaktol ko padin na sabi. Kase naman! Okay na sana e!! Ang romantic na! Panira lang talaga itong babaita naito! -.-
"Eh ambagal mo e. Nangawit ako kaya ako nalang ang kumain. Malay ko ba kung ano yang tumatakbo sa isipan mo at tinitigan mo lang yung graham ball."
"Ulitin mo bilis!" Utos ko sakanya
"Ayoko nga. Ano ka chix?" Nang iinis na sabi nya.
"Panget mo kabonding!" Nakangusong sabi ko sakanya.
"Mas panget ka." Sabi nya at kumagat sa sandwich na dala nya. "Kainin mo na yung sandwich. Kung ayaw mo akin nalang." Akmang kukunin na nya sana yung sandwich pero bigla ko itong inagaw bago nyapa makuha.
"Hindi mo nanga ako sinubuan ng graham ball tapos aagawin mo pa sandwich ko? Bad mo talaga!" Mala asal bata na sabi ko.
"Eh hindi mo naman kase pinapansin e!" Naiinis na sabi nya.
"Eh ikaw din naman a?"
"Anong ako?nag labas ka ng grahamball diba? Kaya ko itinabi yung sandwich ko kase gusto kong tikman yung graham ball! Tapos ngayon aawayin mo ako? Bahalakajan!" Inis na sabi ni Hamara. Akmang aalis na sana sya pero bigla kong hinila ang pulsohan nya at bigla syang niyakap.
"Opo sorry na. Wag kanang mainis. Kakainin ko na yung sandwich tapos yung biscuit na binigay mo. Sor--"
"Hay nako naman! Napaka sweet!" Sigaw ng pamilyar na boses mula sa malapit sa may pinto na syang dahilan kung bakit hindi ko natapos ang mga dapat kong sabihin kay Hamara. Sabay kaming napalingon ni Hamara para malaman kung sino yung biglang sumigaw at hindi ko inaasahan na muli syang makita sa harapan ko.
[END OF CHAPTER 13]

YOU ARE READING
The Last Crepuscule
Fiksi RemajaIn love stories, after they overcome the problem, it always has a happy ending. But what happened to my love story? She sacrifice everything just for my own sake and her own beliefs.