[CHAPTER 5]
HAMARA AGUSTIN POV
"Oh ayan na!" Sabi ko sa kanya at ibinaba ang ibang libro sa tabi nya.
"Makakabisado ko ba lahat yan?!" Reklamo nya. "Tignan mo oh! Ang dami neto! Tas ang kakapal pa! Hamara mahal ko, wag mo naman akong i-torture!" Pagmamaktol pa ni tim.
"Bonakid kaba?" Sabi ko na mas lalong ikinapout nya. Mukha syang pato buset. "May sinabi ba akong kabisaduhin mo 'yan?! Talagang 'di mo makakabisado yan sa loob ng isang buwan boba!"
"Char lang naman 'yon mahal" pacute amp.
"Anong mahal ka jan?! Kilabutan kanga! Bilisan mo jan! Nag sasayang kana ng oras e." Inis kong sabi sa kanya. Tahimik akong tao pero ewan ko ba! Pagdating sakanya nagiging bungangera ako!
"Eh ano ba kase ang gagawin ko dito?" Tim.
"Titignan mo!baka sakaling may matutunan ka!" Nag pout nanaman sya. Mukha talaga syang pato promise.
Padabog nyang kinuha yung isang libro at nag simula nang basahin ito.
"Ganto gawin mo Tim, mag take down notes ka about sa mga elements ma iyan. Pagkatapos, gusto ko na ipaliwanag mo saakin yang mga iyan. Gets?"
Sabi ko sa kanya at tumango sya bilang pag tugon.TIM ALVAREZ POV
Heto talaga yung patunay na "No man is an island." Mga pare hindi ko kakayanin 'to ng mag isa. Kaya blessing padin talaga saakin si Hamara kahit masungit sya. Sino ba naman kase ang may gusto na pakisamahan ako? Kesyo daw "God of destroyer" ako! Lahat daw kase ng nahahawakan o nasasagi ko ay nasisira agad! Okay, ang oa nila.
Isa jan sa mga patunay yung nasa science laboratory kami, kasama ko doon si Keizia. Bale m.u kami non tas nag haharutan kami. Aksidente naming nasagi yung microscope! Then as usual! Sumigaw si Sir Jacollero. And supposed to be, dalawa kami ni Keizia ang papagalitan kaso sabi nya "sir, si Tim po kase hinaharot ako. Eh sabi ko po sa kanya na tigilan nya ako sa kaharutan nya kaso po nag patuloy padin sya!" Pabebe nyang sabi. Wow ha!! Dakilang sinungaling! Parang 'di nya sinabi saakin sa science lab na "anakan moko ng bente!" Fishtea sya!
So yun nga! Napahaba ata ang pagchika ko sainyo mga mare.
"Hoy! Nakatulala kananaman jan! Talagang wala kang matututunan nyan!" Sigaw saakin ni Hamara.
"Kayong dalawa! Ang ingay nyo. Baka nakakalimutan nyo na nasa library kayo? Isa pang ingay palalabasin ko na kayo." Sita saamin ng librarian.
"Sorry ma'am." Sabi ni Hamara at umalis na yung librarian.
"Ano na? Nag sasayang lang tayo ng oras Tim." Sabi saakin ni Hamara.
"Pwede naman ata itong iuwi noh?" Sabi ko at nag pout.
"Aba malay ko. At pwede ba? Itigil mo yang kakapout mo?mukha kang pato."
"You mean cute na pato? Aish! Alam ko naman-"
"Mag basa kanangalang! Malapit na matapos yung break time pero wala kapading nasisimulan!" Pagputol nya sa sinasabi ko. Grabehan naman ata iyan mahal ko:<
Binitbit ko lahat ng libro na ito patungo sa may librarian.
"Good morning ma'am! Hehe" bati ko at kinunutan ako ng noo.
"Ano nanaman Alvarez?" Masungit na sabi saakin ni ma'am.
"Ay ma'am wag naman pong ganyan hehe, kinulang po ata kayo sa kape?" Mas lalong kumunot ang noo nya.
"Ano ba ang kailangan mo hijo?"
"Ma'am pwede ko po bang iuwi ito lahat?" Sabay tingin sa mga libro na bitbit ko.
"Ano?! Lahat yan?! Aba aba naman Alvarez! Halos lahat ng librong inuuwi mo ay hindi na nakakabalik dito! Don't tell me na wawalain mo din yang mga iyan?" Sermon ni ma'am.Pinaliwanag ko kay ma'am yung reason ko kung bakit kailangan kong iuwi yung mga libro.
"Haynako naman kase Alvarez! Bakit mo kase pinilospo 'yon?" Dismayadong tanong saakin ni ma'am.
"Ma'am sinagot ko lang naman po yung tanong ni sir na kung anong oras na ih." Nakangusong sabi ko
"Eh anong sabi mo?"
"Yung mismong time po." Nahihiyang sagot ko. At napailing nalang sya.
"So paano kung hindi mo maibabalik nanaman yung mga libro? Andami nyan oh?"
"Ma'am, ako na po bahala sa kanya. Siguraduhin ko po na maibabalik nya yung mga libro." Sabat ni Hamara. Ayshet! Mahal koo! You save my whole damn life!
"O sige! Dalawa kayong pumerma dito! " Pagpayag ni ma'am at pumerma nalang kami.
END OF CHAPTER 5

YOU ARE READING
The Last Crepuscule
Teen FictionIn love stories, after they overcome the problem, it always has a happy ending. But what happened to my love story? She sacrifice everything just for my own sake and her own beliefs.