CHAPTER 9

4 2 1
                                    

[CHAPTER 9]

HAMARA POV

Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama at pinagmamasdan ang mga nakadikit na glow in the dark na stars at moon sa ceiling ko. Ang cute nila.

Sa tuwing naaalala ko yung nangyari sa lugawan kanina, para akong tanga na bigla nalang ngumingiti. May part din saakin na nainis ako kase ayoko na talagang ngumiti e. Pero tf? Napangiti nya ako ng dahil lang sa lugaw?And sa totoo lang, ngayon lang ulit ako nakapaglabas ng bigat o sama ng loob sa tao. Ang gaan sa pakiramdam.

Curious ako sa background ng buhay nya. Bakit ngaba ganon sya? I mean oo ayaw natin ng may nakikita tayong malungkot kase pwede tayong mahawa doon pero iba yung kanya e! Jusmeyong palaka ayoko na mag isip ng mag isip.

Kinuha ko nalang yung mga libro ko at nag simulang mag advance study.

___

*New message!*

Tim: Hi! Good evening! Kumain kana?

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Nakalimutan ko pala iturn-off yung mobile data ng cellphone ko. Tinignan ko lang yung message nya at hindi na ako nag reply.

Tim: woy! Seenerist yarns?kain na! Wag mah papalipas!
Tim: Ngapala! Sinimulan ko nang pag aralan yung mga libro na pinili mo at pinahiram saatin ng librarian!

Nag like-react nalang ako sa huling message nya at nagsimula ulit na mag review. Nakatulog pala ako jusmeyo.

Tim: Alam mo?

Chat nya ulit. Ay ang kulet! Tsk.

Hamara: Hindi.

Tim: pero gusto mo malaman?

Hamara: Hindi rin.

Tim: Hamara naman:<<<

Hamara: oh?

Tim: apakasungit mo talaga!:<

--
Hindi ko na sya nireplyan dahil una sa lahat alam ko na walang patutunguhan na matino yung conversation naiyon. Pangalawa, nakakatamad mag type. Iniligpit ko na yung mga gamit ko at humiga na ulit sa kama. Kinuha ko yung gitara ko at dahan dahang kinakalabit ang mga strings. Binuksan ko yung bintana para masilayan ang ganda ng buwan at mga bituin. Ang sarap nilang pagmasdan habang tumutugtog ng gitara.

TIM ALVAREZ POV

At yon nanga mga kapatid! Hindi na ako nireplyan ng nanay nyo! Este ni Hamara! Tsk badtrip! Ewan ko ba! Nakakainis pag sini-seen lang message ko.

Umupo ako sa harap ng study table ko at binuksan ko ang bintana. Gusto kong makita ang ganda ng buwan.

Kahit kailan talaga ang ganda ng buwan. Puno man o hindi. Kung sakaling mag kaka gf ako? Mamahalin ko sya higit pa sa pagmamahal ko sa buwan! Mamahalin ko sya kahit alam ko na minsan hindi sya puno. Mamahalin ko sya lalo na yung mga flaws nya. Mamahalin ko sya ng buong buo. Titignan ko sya gaya ng kung paano ko tignan amg buwan.

Kung sino man ang swerteng babae naiyon, yanigin mo buhay ko. Dejok HAHA.

sinimulan kona ulit buklatin ang librong inaaral ko kanina. Kahit naman pag aralan ko itong chemistry, wala pading reaction ang mangyayari saaming dalawa? Shutek! Sino ba kase? Huhu bahala nanga! Mag aaral nalang ako.

---

"Pst pst"

Napahinto ako sa pagsusulat dahil may narinig akong nag pst pst saakin? Shuta ako lang mag isa dito paano nangyari iyon?

"Pst pst!" Ulit nito

Lakas loob akong tumayo mula sa kinauupuan ko at sumigaw "Sino ka?!"

"Pst pst!"

"Sino kanga?! Bat ba sitsit kanang sitsit jan?! Naririndi na ako a?" Kunwaring iritadong sigaw ko kahit deep inside natatakot na talaga ako.

"Pst pst!" Ay tibay ayaw magpakilala!

"Sino kaba kase?! Yawacca pag nahuli talaga kita iitakin ko yang esophagus mo!"

"Pash pash! HAHAHAH kalma bro! Ako lang ito! Yung pogi mong kaibigan!" Sigaw ni Kian mula sa bintana. Shutangmother.

"Yayy!! Akyat bahay! Alis! Shu shu! Gabi na nambubulabog kapadin!" Sabi ko na ikinatawa nya. Abnormal.

"Ngapala!-- ay gago! Nag aaral kapala? Taena uso yon sayo Tim? HAHAHAHA potek himala!" Pang aasar nya. Kahit kailan talaga ang sarap higitin ng dila nya!

"Oo! Sa'yo lang naman hindi." Tugon ko.

"Wehh! HAHAHAHA parang 'di mo ako kinopyahan dati a?" Kian

"Nakashabu ka? Ikaw nga itong nangongopya saakin e!" Pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Manahimik nanga kayo! Pareho nyo lang namang kinokopyahan ang isa't isa! Mali mali naman ang mga sagot! Matulog na kayo!" Pareho kaming napahawak ni Kian sa dibdib dahil sa biglaang pag suway saamin ni mama.

"Ngapala tol,seryoso? Ganyang karaming libro ang aaralin mo? Anong klaseng mikmik ang nahithit mo?" Pang aasar na tanong nya.

"Ganto kase 'yan! Diba nalate ako? Tas 'di ko naman alam na andoon na si sir Jacollero, tapos dahil lang sa late ay binigyan na agad ako ng punishment! Shuta first punishment for first day of school!" Kwento ko sa kanya na syang dahilan ng pagtawa nya ng malakas.

"Hanep! HAHAHA! Pero impossible na ikaw lang mag isa ang gagawa nyan! May katulong ka sa ganyan diba? I mean! Mayroong tao na tutulong saiyo sa pag rereview! Tama ba?"

"Oo." Maikling sagot ko sakanya.

"Sino?" Tanong nya.

"Kaklase ko." Sabi ko with matching ngisi para mainis sya.

"Bonakid ka! Malamang kaklase mo ang idadamay nya! Alangan namang bumingwit pa sya sa kabilang section diba?"

"Hindi mo rin naman kilala." Sabi ko sakanya. Baka agawin nyapa bebe ko. Dejok.

"Kahit na!" Pangungulit nya.

"Si Hamara."

"Sino iyon?" Takang tanong nya.

"Yung natapunan natin ng spaghetti kaninang umaga? Kulit mo kase e, natapunan tuloy sya! Buti kamo may extra syang uniform!" Paninisi ko sakanya.

"Gagi sya?!" 'di makapaniwalang tanong nya.

"Paulit ulit? Tsk"

"Matulog nanga kayo! Gabi na!" Pagsaway ulit saamin ni mama kaya napag isipan namin na matulog nalang.

-----
[END OF CHAPTER 9]

The Last CrepusculeWhere stories live. Discover now