CHAPTER 11

4 2 0
                                        

[ CHAPTER 11 ]

TIM ALVAREZ POV

"Oh ano na? Saan tayo kakain? Akala ko ba sa lugawan?" Nalilitong tanong ko.

"Teka lang! Hindi makapag hintay? Tch" sabat nya.

"Lika dito!" Tawag nya saakin at hinawakan yung pulsuhan ko. Napatulala lang ako sakanya habang kusang sumusunod sakanya ang katawan ko. Mabilis ang tibok ng puso ko at para bang nag slow motion ang paligid ko dahil sa ginagawa nya. Ano ba ito? Bakit ganito? Ganito yung laging napapanood ko sa mga movies e. Ganito din yung laging kinukwento saakin ng mga magulang ko nung unang beses daw sila nagkita. Ang weird sa pakiramdam. Nakakapanibago.

"Huy! Ayos kalang? Bakit ba pag natutulala ka ay namumutla ka? May sakit kaba?" Nag aalalang tanong nya at agad na inilapat ang likod ng kamay nya sa noo at leeg ko. Hindi ako makapagsalita ng maayos, pakiramdam ko umurong dila ko. "Huy! Ayos kalang ba talaga? Bakit ba ayaw mo mag salita? Gusto mo umuwi kanalang muna sainyo at mag pahinga?" Bakas sa mukha nya ang pag alala kaya agad ako umiling.

"Hindi, ayos lang ako. Tara na! Saan ba tayo kakain?" Paninigurado ko. Pero bakas padin sa mukha nya yung pag aalala.

"Sigurado kaba?pwede naman na sa susunod nalang tayo kumain e. Mag pahinga kanalang muna."

"Nah, ayos lang ako." Paninigurado ko. Hinawakan ko ang kamay nya. "Tara na, gutom na ako e! Alam mo naman na bawal malipasan ang pogi! HAHAHA" Sabi ko at hinampas nya lang ako sa braso.

"Kahir kailan talaga napakahangin mo!" Natatawang sabi ni Hamara. "Ah alam ko na!" Biglang sigaw nya. Napaka hyper talaga! Palibhasa nakailang Chuckie e! Pinitik ko sya sa noo "ayan napakahyper mo! Epekto ng kaka Chuckie mo kanina e. Wag ka sumigaw dito." Babala ko sakanya.

"Ehh!" Sigaw nya ulit. Ay napaka tigas ng ulo pero ang cute nya HAHAH.

"Alam ko na pupuntahan natin!" Sabi ni Hamara.

"Saan?"

"Ah basta! Malapit lang iyon dito! Sumunod kanalang saakin" masiglang sabi nya at nagsimula nang maglakad palayo. Dali dali akong sumunod sakanya. Medyo napapatakbo ako ng kaunti. Paano banaman ang bilis maglakad. Agad kong hinawakan ulit ang kamay nya at para bang may kuryente ma dumaloy saakin. Heto nanaman bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko. Ilang beses ko nadin namang hinahawakan ang kamay nya pero bakit ngayon ko lang nararamdaman ito?Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa destinasyon namin.

"Chadan! Andito na tayo!" Masayang sabi nya. "Don't worry! Malilinis at masasarap ang mga pagkain dito! Halika tuloy tayo." Pumasok na sya sa loob ng bulaluhan. Merong parte saakin ang nangangamba na pumasok sa loob pero, bahala na! Pumasok padin ako kahit na may pag aalinlangan.

"Ahm! Tim! Dito tayo pumwesto malapit sa may bintana. Ahm umupo ka muna dito ako na bahalang mag order ng kakainin natin." Nakangiting sabi nya saakin. Akmang mag lalabas pa sana ako ng pera pang ambag sa oorderin nya pero tinanggihan nya ito. "No! Ako naman ang manlilibre ngayon! Plus! Celebration nadin natin ito dahil successful ang reporting mo kanina sa harap ng lahat ng students sa campus!" Nginitian nya lang ako pagkatapos nya sabihin ang mga katagang iyon atska pumila para mag order. Pinagmamasdan ko lang sya sa malayo habang nag oorder sya. Pansin ko din na humaba pa lalo ang buhok nya na syang dahilan ng mas ikinaganda nya.

Makalipas ng ilang minuto ay nasa harap ko nasya. "Pasensya na kung natagalan. Madami kase bumibili e" sabi nya at inilapag sa table namin ang mga pagkain. "Ayos lang" pagtugon ko sakanya. Ibinalik nya yung tray sa ateng nag babantay doon at bumalik sya sa pwesto namin at umupo sa harap ko.

"Ahm Tim .." pasubo na sana ako ng bulala nang tawagin nya ang pangalan ko.

"Po?" Pagtugon ko at sinubo na yung bulalo na nasa kutsara ko.

"Ahm pasensya na kung heto lang muna ang maipapakain ko sa'yo ngayon a?baka kase hindi kayanin ng budget ko kung sa mamahaling restaurant tayo kumain." Nahihiyang sabi nya at napangiti ako.

Sumubo muna ako ng isang kutsarang bulalo. "Alam mo, hindidi mo kailangang humingi ng tawad dahil heto ang mga naibigay mo sa ngayon. Masarap naman ito a? Mabubusog kapa! Tas kasama pa kita! Yieeee ngingiti naiyan!" Sabi ko at napangiti sya. Sheesh! Ang ganda nya lalo pag nakangiti sya

"Salamat"

"Ako ang dapat na magpasalamat saiyo. Sa totoo lang nahihiya panga ako e HAHA kase first time ko lang na ilibre ako ng isang babae" sabi ko at napatulala sya at hindi rin nag tagal ay dahan dahang napangiti."Btw salamat sa bulalo! Ang sarap neto HAHAH" Pagpapasalamat ko at sumubo pa ulit ng bulalo.

"Wala yon!" Pag tugon nya. Hindi ko ito napansin dahil busy ako sa pagkain ng bulalo. "Oh hinay hinay lang! Baka mabulunan ka." Pagpapaalala nya at tumango lang ako sakanya.

Natapos kaming kumain at napagdesisyonan na umuwi na. Gusto ko pa sana syang ihatid sa bahay niya kaso ayaw daw nya muna.
----

"Andito na po ako!" Sigaw ko dito sa loob ng bahay

"Bakit ngayon kalang?"seryosong sigaw pabalik ni mama mula sa kusina.

"Oh! Ang binata namin andito na!" Pagbati saakin ni papa. Akmang yayakapin na nya sana ako nang biglang may lumipad na plato papunta sa direksyon namin kaya pareho kaming napaatras.

"At sinong may sabi na lumabas ka ng kwarto?! Hah?!Roberto?! Akala mo okay na tayo?! HINDE PA!! At ikawwww BimBim?!! Bakit late kanang umuwi!! Maaga uwian nyo a?! Maaga kang umuuwi
dati! Bakit ngayon hindi na?! Ha?!! Sagot!!!" Malakas na sigaw ni mama.

"K-kase p-p-"

"At nasagot kapa talaga?! Kana ka sa ama mo! Sinungaling! Madaming dahilan!!" Sigaw nya nanaman at nag dadabog muli sa kusina. Nagkatinginan lang kami ni papa at nagpalitan ng nalilitong tingin.

Dahan dahan akong umakyat sa kwarto ko at inihiga ang katawan ko sa kama hay! Sarap sa pakiramdam. Nag palit agad ako ng damit at muling humiga sa kama. Unti unti nanamang sumisikip ang dibdib ko at nahihirapan ako huminga. Ipinagsawalang bahala ko nalang ito at natulog.

[END OF CHAPTER 11 ]

The Last CrepusculeWhere stories live. Discover now