CHAPTER 6

5 3 0
                                        

[CHAPTER 6]

HAMARA AGUSTIN POV

Sinabi ko nakang sa librarian na ako ang bahala kay Tim dahil mukha nga namang walang tiwala sakanya yung librarian at isa pa, para makaalis na kami doon, ilang minuto nalang di naman kase at mag sisimula na ang third subject namin.

Kasama ko syang nag lalakad sa hallway habang bitbit nya ang ilang mga libro na pinili ko upang pag aralan nya.

"Saan nga ulit dito yung room natin?" Tanong ko sa kanya.

"A-ah doon pa sa pangatlong building, fourth floor." Tumango nalang ako at nag patuloy sa paglalakad.

Makalipas ng ilang minutong paglalakad ay nakarating na din kami sa room namin. Umupo nalang kami sa kanyakanya naming upuan at tutal magkatabi lang naman kami.

"Hamara,"

"Hm?"

"Bakit andaming libro?"

Hindi nalang ako sumagot sa tanong nya dahil ilang beses ko nang sinagot yang tanong naiyan. Paulit ulit. Tsk

"Matalino ka siguro noh?" Tanong nya. Hindi nalang ako sumagot dahil biglang dumating yung teacher namin.

"Goodmorning class!" Bati ni ma'am.

"Goodmorning ma'am." Bati nila pabalik.

Isinulat nya ang pangalan nya sa black board at sa baba nito ay nakasulat din kung anong subject ang ituturo nya saamin.

Mabilis lumipas ang oras at talaga namang hindi ako tinatantanan ni Tim.

"Hamara!" Tawag nya ulit saakin.

"Oh?"

"Kain tayo sa labas! Treat ko!"

"Ikaw nalang." Pag tanggi ko.

"Bilis na! Minsan lang naman 'to e!" Dismayadong sabi nya.

"Mag review kanalang."

"Bilis na! Minsan lang ako mag aya alam mo ba iyon?"

"Hindi." Pamimilosopo ko.

"Nako! Masamang tumanggi sa grasya!" Pamimilit nya."please?"

"Saan ba kase iyan? Tsk "

"Yes naman! 'Lika na!" Sabi nya at sabay hinawakan ang pulsuhan ko at hinila ako papunta sa kainan na tinutukoy nya.

---
"Teka naman! Kalmahan mo lang!" Reklamo ko dahil ang sakit ba ng kamay ko. Ikaw ba naman hilahin tapos ang bilis nya pa tumakbo. Buti 'di ako nadapa. Tsk.

"Hala sorry! Buti hindi ka lampa? HAHAHA" ewan ko ba kung sincere yang sorry nya o nang aasar na sya e.

"Upo ka muna jaan Hamara, order lang ako ng kakainin natin." Sabi nya at itinuro kung saan kami uupo. Umupo nalang ako at pinag mamasdan sya habang umo-order. Masyado syang hyper at masiyahin. Hindi bagay saakin na masyadong depress na tao.

"Pinagmasdan ko nalang ang mga dumadaan na sasakyan at napabuntong hininga. Sana kagaya ko nalang din sya na laging masaya.

"Hey!! Tulala kananaman! Masyado mo nanaman akong iniisip! Hays! Alam ko naman na pogi ako!" Sabi nya at sabay nag pogi sign. Peste! Panira ng moment.

Di ko nalang sya pinansin.

"Hamara, lugaw lang muna tayo ngayon a? Wala pa akong badget e." Sabi nya saakin at ngumiti.

"Ayos lang, salamat." Sabi ko at tipid ko syang nginitian. Napansin nya siguro yung pag ngiti ko, lumawak tung ngiti nya e. Mukhang adik amp.

"Ano nanaman?!" Inis kong tanong sakanya.

"Mas bagay saiyo ang nakangiti."

"Tsk."

"Ayan nag susungit nanaman! Ay Hamara! Alam mo ba na sikat itong kainan na ito?"

"Hindi. At hindi ako interesado." Walang ganang sagot ko sa kanya

"Teka naman! Nag susungit agad e! Sikat itong kainan na ito dahil masarap ang mga pagkain na niluluto nila. Ngayon, gusto kong tikman mo ang lugaw na iyan. Then pag nasarapan ka, ayaw na kitang makita na naka busangot or nakasimangot. Deal?" Mahabang paliwanag nya at tinaasan ko lang sya ng isang kilay. "Now, pwede mo nang tikman yung lugaw."

Tinikman ko yung lugaw and damn!mukhang mapapadeal ako ng wala sa oras! 'di ko naman kase maitatanggi na masarap talaga ang lugaw na ito kahit sa simpleng halaga lang!

"Hm.. deal!" Sabi ko at napangiti.

[END OF CHAPTER 6]



The Last CrepusculeWhere stories live. Discover now