[CHAPTER 15]
TIM ALVAREZ POV
Palihim kong sinusulyapan si Hamara habang sya ay nakatanaw lang sa may bintana. Mukhang malalim ang iniisip.
"Hamara.." nilingon nya ako.
"Hm?"
"Ahm pwede mo ba akong samahan mamaya sa Library?"
"Mhm. Sure." Tipid na sagot nya. Hamara wag kang ganyan binibiyak mo ang puso ko. Dejok
___
Mabilis lumipas ang oras at 1 hr. Break time na namin. Tapos kayo break na.
"Hamara?" Tawag ko sa kanya.
"Mhm. Cr lang ako tapos punta na tayo sa library." Sabi nya at lumabas ng classroom habang sinusundan ko lang sya ng tingin.
"Sa malamig sa malamig~~" pagpaparinig na kanta ni Shei.
"Epal." Tanging naitugon ko at tinawanan lang ako. Hindi rin nagtagal at dumating na din si Hamara mula sa cr. "Hmm shall we go?" Nakangiting tanong ko sakanya at tinanguan lang ako.
"Sa malamig sa malamig~~ HAHAHA" pagpaparinig na kanta ulit ni Sheina at di nalang ako tumugon. Kinuha ni Hamara yung notebook at ballpen nya atska sinenyasan ako na pumunta na kami sa Library.
Habang naglalakad kami papunta sa Library, alam kong sinasadya ni Hamara na bilisan ang lakad nya kaya naman nakaisip ako ng kalokohan. Pasimple ko syang kinakalabit at pag lilingon naman sya ay tumitingin ako palayo o hindi kaya sasalubungin ko rin ang matatalas na tingin nya saakin.
"Ano ba Tim? Nananadya kaba?" Naiinis na tanong nya kaya mahina akong napatawa.
"Hindi a" nakangiti kong tugon at inirapan lang ako. Aba attitude ka ha?Paulit ulit lang ang ginagawa kong pang iinis sa kanya at paulit ulit nya lang din ako tinatapunan ng masasamang tingin hanggang sa makarating kami sa library. Pumasok kami agad sa loob at nag hanap ng libro at bakanteng upuan. Umupo si Hamara malapit sa may bintana. Favorite spot? Sana ako din favorite person mo. Dejoke.
Dahil nga gusto ko syang inisin, umupo ako sa may tapat nya. Agad akong pumilas ng papel sa note book at nag sulat.
"Pst" sulat ko sa papel at ipinasa sa kanya. Tinignan nya lang ito at kinunutan ako ng noo at ibinalik sa libro ang atensyon. Napasimangot ako dahil sa hindi nya pag pansin sa sulat ko.
"Hindi mo na ako wuv:( " sulat ko ulit at ipinasa sakanya yung papel pero tinignan nya lang ulit ito at ibinalik nanaman ang atensyon sa libro.
"Hamara :(" muling sulat ko at sa wakas! Nag sulat na din sya sa papel
"Andito tayo para mag aral. Hindi para mag daldalan." Sulat nya sa papel at napasimangot nanaman ako.
"Niaaway mo nanaman ako:( "
"Wtf Tim Alvarez?" Sagot nya sa papel
"Tapos wina-wtf mo pa ako! Hindi mo na talaga ako love! Bad ka Hamara :( " sulat ko at hindi man lang pinansin. Kaya nag sulat ulit ako at pilit na ipinapabasa sakanya ang nakasulat sa papel.
"Galit ka ba?" Tanong ko sa kanya sa papel at umiling lang sya.
"Eh bakit ganyan ka?" Kinuha nya ang papel at nag sulat din bilang tugon.
"Ang gan'to? Eh ganito naman talaga ako. Mag aral kananga jaan." Tugon nya.
"Kain ulit tayo mamaya sa labas? Libre ko." Alok ko sakanya at tumango lang sya saakin. Mabilis lang lumipas ang oras habang nag aaral kami sa loob ng library ni Hamara. Aaminin ko minsan palihim ko syang sinusulyapan habang abala sya sa pag aaral. Nakakamanghang pagmasdan. Minsan pansin ko din na napapatulala sya sa may bintana kaya tinatanong ko sya kung ayos lang ba sya pero tango lang ang natatanggap ko minsan nga tingin lang e.
YOU ARE READING
The Last Crepuscule
Teen FictionIn love stories, after they overcome the problem, it always has a happy ending. But what happened to my love story? She sacrifice everything just for my own sake and her own beliefs.