CHAPTER 20

4 1 0
                                        

[ CHAPTER 20 ]

"Ahm Hamara " tawag saakin ni Tim at nilingon ko sya at hinihintay kung ano ang sasabihin nya.

"Sure ka ba talaga na wala kang naaalala dati?" Tumango lang ako bilang pag tugon. Nag lalakad kami ngayon pauwi sa tinitirahan ko. Sabi nya kase sa bahay daw sya matutulog. Sabi ko nga wag na syang matulog sa bahay dahil baka hindi lang din sya makatulog ng maayos pero mapilit sya e kaya hinayaan ko na lang.

"Bakit mo naitanong?"

"Wala naman." Napabuntong hininga sya. sa pag lalakad namin, medyo binilisan ko ang pag lalakad ko para mauna ako sa kanya dahil gusto ko na ding umuwi para makapag pahinga pero kahit papaano naman pinapakiramdaman ko pa din sya mula sa likod ko.

Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin ko na wala nang yapak nya na sumusunod saakin kaya napalingon ako sa kanya. Nakahawak ang kaliwang kamay nya sa mga tuhod nya habang ang kanang kamay ay nakahawak sa dibdib nya. Agad akong tumakbo para alalayan syang umupo sa bench chair na malapit sa poste. Mabuti nalang at may malapit na convenient store dito kaya bumili ako ng tubig para sa kanya. Pinakalma ko muna sya pati ang paghinga nya bago ko sya inabutan ng tubig. Habang umiinom sya, tumingin sya saakin at naibuga ang iniinom na tubig kaya napatayo ako agad

"Ano ba yan Tim!! Kadiri ka!!" Inis kong pinupunasan ang braso at legs ko habang sya naman ay tawa ng tawa. "Parang timang 'to!"

"Sorry na HAHAHAHA" napahawak pa sya sa tyan nya habang tumatawa. Kainis!

"Its a prankkkk HAHAHAHAHAH" naging blangko ang expression ng mukha ko at nag lakad na agad palayo sa kanya. Nakakainis! Hindi magandang biro ang ganon!

"Mahal sorry na!" Sigaw nya at hindi sya pinapansin. Rinig ko pa ang mga yapak nya pasunod saakin. Bigla nyang hinila ang palapulsohan ko at ipinagdikit ang katawan namin. Halos isang pulgada nalang ang distansya ng mukha ko mula sa mukha nya. Nanlalambot ang aking tuhod mula sa nakakatunaw nyang mga tingin.

"Sorry na mahal" bulong nya at nag salubong naman ang dalawang kilay ko at inirapan sya.

"Hindi na mauulit promise." Akmang kakalas na sana ako mula sa yakap nya pero mas hinigpitan nya pa.

"Hindi kita papakawalan kapag hindi mo sinabi na bati na tayo" nag pout pa sya. Parang bata tsk. Tumango nalang ako. Nahihirapan na din akong huminga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Kumalma ka Hamara!

"Nah! Gusto ko sabihin mo mismo na "oo na bati na tayo timtim ko! Iloveeeeyou!! Mwah mwah!" Ganon!" Mas kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Asa sya!

"Ang kapal naman ng apog mo noh?" Inirapan ko sya  at napa pout naman sya. Kumalas ako sa yakap nya at naglakad na papalayo. Narinig ko naman ant mga yapak nya na sumusunod saakin. Palihim akong napahawaksa dibdib ko. Sht. Bakit ganon?

Tumagal ang panliligaw ni Tim saakin. Hindi ko din naman maitatanggi na unti unti na akong nahuhulog sa kanya. Napakatyaga nyang naghihintay saakin na maging handa ulit ako na mag tiwala ulit sa iba. Na maging handa ulit ako na pagbuksan ulit ng puso ang mga taong kumakatok dito. Madami din akong natutunan sa kanya. Sya yung tipo ng lalaki na hindi lang puro pakilig at landi ang alam. Madami syang naituturo saakin at hindi ko maitatanggi na halos lahat ng mga sinasabi nya saakin ay ang mga sagot na kailangan kong marinig.

Andito kami ngayon sa ilalim ng puno ng mangga. Nasa likod kami ng school at pinapanood ang araw na papalubog na. Nakasandal sya sa puno habang ako naman ay nakasandal sa likod nya at nakapulupot ang braso nya saakin. Pareho lang kaming tahimik at dinadama ang presensya ng bawat isa.

"Tim"

"Hm? Bakit mahal?"

"Ahm kung sakaling bibigyan ka ng isang hiling, ano ang hihilingin mo?"

Tumawa muna sya bago sumagot. "Secret mahal"

"Ih! Ano nga?" Pamimilit ko.

"Hiling ko sana makamit mo yung kaligayahan na nararapat saiyo. Lahat tayo deserve ang sumaya. Maikli lang ang buhay natin mahal kaya dapat gawin mo ang mga bagay na makakapagpasaya saiyo ng wala kang naaapakan na pagkatao ng ibang tao." Nakangiti nyang sagot at ramdam ko na hinalikan nya pa ang ulo ko. "Ikaw mahal? Kung bibigyan ka ng isang hiling, ano ang hihilingin mo at bakit?"

"Gusto kong bumalik sa dati Tim. Baka sakaling maitama ko ang pagkakamaling nangyari noon. Baka sakaling okay at maganda ang buhay ko ngayon." Narinig ko ang buntong hininga nya.

"Mahal.. hindi pwede yon. Sabi nga ni Carl Bard e, "Though no one can go back and make a brand new start, anyone can start from now and make a brand new ending." Pwede kang mag simula ulit ngayon hanggang sa makamit mo ang masayang ending na gusto mo. Hindi pa huli okay? Kaya mo yan ikaw pa? Kasama mo ang poging kagaya ko e" sabi nya kumindat pa at napangiti ako.

"Hm ganon?" Tumango sya. "Then gusto kong simulan yan kasama ka." Napatulala sya at napabangon mula sa pagkakasandal sa puno.

"Wait!"  Tinaasan ko lang sya ng kilay at napangiti. "Ayoko mag assume Hamara pero ibig sabihin ba nyan..?" Napangiti ako lalo at may iniabot sa kanya na papel at doon nakasulat ang tula ko para sa kanya. "Gusto mo ako ang magbasa para saiyo?" Nakangiti kong alok at tumango sya ng paulit ulit na parang bata.

Kinuha ko ulit ang papel mula sa kanya at huminga ng malalim bago basahin ang tula na ginawa ko para sa kanya.

"Tulad ng isang libro ang mga salita na nais ko sabihin saiyo,
Ngunit rila ba ako'y nagiging pipi at ni isang salit ay walang lumalabas sa bibig ko,
Kinain ng kaba't ligaya kaya ang isip ko'y natutuliro,
Ngunit isa lamang ang sigurado at iyon ang tinitibok ng aking puso.

Hindi na ako mag aaksaya pa ng oras,
Makinig ka sa mga salitang aking ilalabas,
Ibig ko lamang ipaalam saiyo at sa Bathalang nasa itaas,
Na nais kong simulan ang aking bagong kabanata kasama ka ngayon, bukas, at hanggang sa mabawian ako ng hininga't lakas."

Matapos kong basahin ang tula, tinignan ko sya at tipid na ngumiti at iniabot sakanya ang tula. "Hamara, hindi naman sa nag aa-"

"Oo nanga sinasagot na kita. Pagong ka talaga!" Pagpuputol ko sa mga sinasabi nya.

"H-ha?" Hindi makapaniwalang tugon nya.

"Ay ayaw mo? Si-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla syang sumigaw at nagtatatalon na parang bata.

"Yes!! Sinasagot na ako ni Hamara!! YESS!!!!! KAMI NA! GIRLFRIEND KO NA SYA!" Niyakap nya ako bigla "mahal kita!! Iloveeeeyou Hamara! Iloveeeeyou!!!" Paulit ulit nya akong hinalikan sa noo at natatawa nalang ako sa reaksyon nya.

"TIM! ANO BA YAN ANG INGAY MO! NAG UUSAP KAMI DITO OH!" Sabay kaming napatingin ni Tim kung saan galing yung salita na narinig namin. "Mga tanga andito kami sa taas!" Napatingala kami para makita kung sino ang nag salita. Pareho kaming napatingin sa isa't isa nang malaman na si Kian pala ang na sumita saamin kasama nya si Sheina. Naramdaman ko nalang ang mga braso ni Tim na pumulupot sa bewang ko at ang baba nya sa balikat ko.

"Mahal kita" bulong nya saakin.

"Mahal din kita"

_____________________

[END OF CHAPTER 20]

The Last CrepusculeWhere stories live. Discover now