CHAPTER 3

15 4 2
                                        

[Chapter 3]

Dahil nga sa pagiging maloko ng lalaking iyon, mas lalong nagalit ang teacher namin.

"You mr.Alvarez! Doon ka sa detention room sa buong period ko! And after non gusto kong i-recite mo saakin ang lahat ng elements sa periodic table! plus! I want you to discuss it sa ating gymnasium sa harap ng lahat ng students dito sa campus! Understood?! That's your punishment!" Gigil na sabi ni sir.

Napatulala lang sya sa harap ng teacher namin at napakamot sa ulo nya.

"May bagong student daw dito? Tama ba?" Tanong ni sir. So block mates nga talaga sila?

"Yes sir" sabi ng isang kaklase namin.

"Sino sya?"

Itinaas ko ang kamay ko bilang pag tugon sa tanong nya.

"Ah ikaw?" Tanong nya saakin.

"Hmm." Walang ganang sagot ko. Obvious naman ata na ako iyon diba?

"Anong hmm?!" Malapit nanaman syang mainis. Tsk.

"I mean yes sir."

"Halika dito sa harap."

Nag lakad ako papunta sa harap ng mga kaklase ko. Obviously, introduce yourself nanaman. Heto talaga yung pinakaayaw ko sa lahat e.

"Introduce yourself." Sabi saakin ni sir.

"I'm Hamara Agustin." Pagpapakilala ko

"Yun na iyon? Habaan mo naman!" Reklamo ni sir. Aba? Ang arte!

"I'm Hamara Agustin. 17 years old."

"Bahala nanga!" Halatang dismayadong sabi nya. "So bibigyan kita ng first task.Don't worry, may grades ito." Aba? ba't ako lang? Ako lang ba estudyante neto?

Tinignan ko lang sya at hinihintay ang first task na ibibigay nya.

" Diba narinig mo naman ang punishment ni Alvarez kanina?" Sabi nya sabay tingin kay Alvarez at tumango lang ako.

"I want you to help him." Binigyan ko lang sya ng blangko na facial expression dahil kahit tumanggi ako ay wala akong magagawa. Ayokong ma drop out sa subject nya.

"You, Alvarez, bibigyan kita ng 1 month and 15 days para makapag prepared para sa punishment mo. And you Hamara Agustin, I want you to help Alvarez to study all of the elements sa periodic table at kung paano ito ididiscuss sa harap ng lahat ng students sa campus na ito. Understood?" Sabi nya at sabay nalang kaming tumango.

"Oh ano pang tinatambay mo jaan Alvarez? Pumunta kana sa detention room!"sigaw ni sir sakanya.
____

Nag ring na ang bell, break time na. Dalawang subject ang natapos mula first period.

"Hey!you!" Familiar saakin ang boses nya? Nilingon ko sya and as expected, si Alvarez yung tumawag saakin."Ahm ano! Sorry pala sa atraso ko sa'yo kanina hehe."

"Alin doon?" Maikling tanong ko.

TIM ALVAREZ POV.

"Alin doon?" Tanong ni Hamara saakin.

"H-hala shet? Oo nga pala! Sorry kase natapunan ko ng spaghetti yung uniform mo kanina! Sorry talaga! Akin na yung uniform mo ako na ang mag lalaba!"

" 'di na." Maikling pagtugon nya. Eh?

"Nakakahiya kase. Sorry talaga " tinignan nya lang ako and medyo kumunot ang noo nya.

"May sasabihin ka pa ba?" Biglang umurong yung dila ko dahil sa sinabi nya. Ewan ko ba pakiramdam ko nabara na agad ako dahil lang sa simpleng tanong nya.

"H-ha? Ah ano! Ahm! Sorry ulit dahil nadamay ka pa sa punishment ko." Paghingi ko ulit ng tawad.

"Okay." Walang ganang sabi nya. Seriously? Ba't parang wala lang sa kanya?

Akmang nag lakad na sya palayo pero sinundan ko pa din sya.

"Ahm Hamara!" Tawag ko ulit sa kanya sabay ngiti. Kaso 'di nya ako pinansin.

Sinundan ko sya hanggang sa loob ng canteen. Pansin ko na ang cute ng height nya. Hahaha

"Pst! Hamara!" Pangungulit ko sa kanya. Kaso dedma paden mga pare!

Bumili na sya ng pagkain nya at bumili na din ako ng pagkain na kagaya ng pagkain nya.Bahagya syang napatingin sa tray ko at pansin ko na kumunot ang noo nya. Sungit.

"Hamara!" Tawag ko ulit, pero hindi nanaman ako pinansin bagkus ay nag tungo lang sya sa bakanteng upuan. Umupo ako sa harapan nya and napatingin lang sya saakin.

"Umalis ka jaan." Sabi nya

"Ha?" Gulat kong tanong. Shete! First time nangyari saakin yung ganito!

"Hindi ko ugaling mag ulit ng sinabi ko." Malamig nyang sabi.

"Ayaw ko!" Nakanguso kong sabi at kinunutan nya lang ako ng noo.

Tumayo sya at lumipat ng ibang upuan pero dahil nga makulit ako, sinundan ko sya.

"Hamaraaaaaa" tawag ko ulit sa kanya pero di nya ako pinansin. Ang hirap namang magpapansin sakanya! Kainis!

"Hamara! Kailan mo ako tutulungan na aralin yung sa periodic table?" Tanong ko sa kanya.

"Kelan mo ba trip?"

"Kahit kailan po! Hehe" masigla kong sagot.

"Kailan yung "kahit kailan"? Sa pag kakaalala ko walang ganyan sa orasan at sa kalendaryo."

Napanganga nalang ako dahil sa sinabi nya. Grabe sya.

"Sabi ko nga mamaya tayo mag simula" sabi ko habang nakanguso at tumango lang sya.

END OF CHAPTER 3

The Last CrepusculeWhere stories live. Discover now