Chapter 35

188 13 0
                                    

Chapter 35

Saffron's POV

"Ayan! Bongga! Isa na namang dyosa ang aking nagawa ngayon!" galak na sabi ng baklang nag-ayos sa'kin.

Naka-upo lang ako ngayon, at naghihintay kung kailan nila balak na buksan ang salamin para makita ko na ang aking mukha.

Tumingin ako sa bakla, at kay Ate Lena. Bahagya akong ngumiti ng maliit. Bumilog ang mga mata ng bakla, at sumigaw.

"AY!"

"Bakit?" takang tanong naman noong kasama niya.

"Hindi pa pala niya nakikita ang kaniyang fes, Mama," sabi ni bakla.

Bumaling ito sa akin at ngumiti. Dahan-dahan itong naglakad papunta sa salamin na may takip na tela.

Dahan-dahan din niyang tinanggal ang tela. Isang matinis na tawa na parang kinikilig ang aking narinig ng makita ko ang isang magandang babae sa aking harapan.

Hinawakan ko ang aking mukha at kinurot-kurot ito dahil hindi pa ako makapaniwala kung ako ba talaga ito o kung ibang tao.

"Ako ba talaga ito?" Hinawakan ko ng marahan ang mukha ng taong nasa aking harapan ngayon.

"Ay, ano ka na, Ms. Saffron, oo naman ikaw iyan. Napakaganda mo oh," nagagalak na sabi ng bakla.

Hindi talaga ako makapaniwala na sa ikalawang pagkakataon ay nasilayan ko ang maayos na mukha ko.

"Sige na, Ms. Saffron, lalabas na muna kami para ipaalam sa mommy mo na tapos na kaming ayosan ka, at mayamaya lang ay lalabas ka na." Nakangiti ito sa akin.

Nagpaalam na sila at lumabas sa aking silid. Ang ganda ng suot ko ngayon, maging ang aking ayos sa mukha ay maganda rin.

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng isang katok, kaya sumigaw na lang ulit ako para ipagbigay alam dito na payag akong pumasok siya.

Bumukas ang pinto at bumungad dito si Mommy. Maganda ang damit na suot niya isa rin itong mala-gown.

"Wow, ang ganda-ganda naman ng anak ko," sabi ni mommy.

Ngumiti ako sa kaniya at tumayo para lapitan siya. "Thank you, Mommy, pero saan pa po ba ako magmamana?"

"Ikaw talaga."

"Mommy, pupunta ba sila Naya rito?" Biglang naitanong ko.

Napaisip bigla si Mommy. "Oo, Anak, na-i-text ko kanina ang papa niya sinabi sa akin na mauna na raw si Naya rito bihisan na lang raw."

"Hm, magkakasama na kami sa iisang school, Mom, I'm excited," sabi ko.

"Yes, sana hindi na kayo mabuwag pa." Hinalikan ni mommy ang ulo ko.

"Oo nga po, Mom, eh," sabi ko sabay yakap sa kaniya.

Sandali pa kaming nanatili sa ganoong posisyon ng basagin ni Mommy ang katahimikan.

"Anak, let's go downstairs na baka nandoon na ang mga kaibigan mo. You're Dad is waiting for us outside."

Tango lang ang naisagot ko at nagpaalam muna ako kay Mommy na may gagawin lang ako saglit. Nauna na siyang lumabas kaya ginawa ko na ang gagawin ko.

Nang matapos ako ay agad akong bumaba. Nagagalak na rin akong makita ang aking mga kaibigan na matagal na rin simula ng aking makitan.

Hindi ko alam kung nag-iba na  ba ang kanilang mga hitsura kasi mga bata pa kami simula noong huli kaming nagkasama.

Nakababa na ako at sumalubong sa akin ang mga engrandeng bagay na pinapalabas nila papunta roon sa garden. Sumalubong sa akin si Kuya na napaklinis tingnan dahil sa suot niyang tuxedo at naka-geled nitong buhok.

That Nerd Is A Legendary Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon