Chapter 7 - Hospital
Ayumi's POV
Natapos ang weekend ko sa pagtatrabaho. Okay lang naman worth-it din kasi nakatulong ako kay nanay.
Ngayon bagong umaga na naman. At may pasok kami ngayon kasi monday. Sana naman hindi na ako eh bully ng grupo nina wyatt.
Pinagmasdan ko ulit ang kwintas. Saka ako pumasok sa banyo at naligo. Bumaba na ako para mag-almusal at nadatnan ko si nanay. Naghahanda ng pagkain namin.
"Morning nay" bati ko.
"Oh nak morning mabuti at nagising kana kakatokin na sana kita" sabi nito.
Natawa naman ako. At saka humalik ako sa pisngi nito.
"Nanay naman eh" pagtatampo ko.
"Ay ke aga-aga teka nga pala ayumi ha lumaban ka kapag binubully nako anak hindi kita pinalaki para eh bully kapag nalaman ito ng mommy at daddy mo pagagalitan ako lalong-lalo na ng k---" hindi natapos ni nanay ang binubulong nya.
"Ano pong binubulong nyo nay?" Tanong ko.
Nag-angat naman sya ng tingin sakin saka ngumiti.
"Wala ano kaba guni-guni molang yon o-sya umupo kana at kumain na tayo" aya nya.
Umupo kami at nanalangin muna. Bago kumain. Ng matapos kaming kumain ay nagpaalam na ako na aalis. Lumabas ako ng bahay at hindi ko inaasahan. Na makikita ko sina gabby at avon.
Kumaway muna ako sakanila. Saka tumabo sabay akap sa dalawa.
"Grabe namiss ko kayong dalawa" buong galak kong sabi.
"Kami din" avon.
"Bakit nga pala kayo andito?" Tanong ko.
"Malamang para sabay na tayong umalis" gabby.
"Teka maglakad na tayo" avon.
"Oo sige tara na" aya ko.
"TITA ALIS NA KAMI" sigaw ni gabby.
Ngumiti si nanay sakanila. Kumaway naman si avon. At saka na kami umalis. Habang naglalakad kami nagkwentuhan nalang kami.
"Gabby musta trabaho?" Tanong ko.
"Okay naman eh kayo musta pag-aaral nyo" gabby.
"Okay lang din maliban dito sa kaibigan mo oh" avon.
Sabay tingin at turo sakin. Tumingin naman si gabby sakin.
"Oo bakit moba kasi pinalampas yon" gabby.
"Pasensya na nakakatakot sya" sagot ko.
"Sa susunod ha ayumi nako" avon.
"Oo na po" pagsang-ayon ko.
Natahimik kami at nagkatinginan. Saka sabay-sabay na humalak-hak. Na para kaming mga sira. Sa sobrang napasarap sa kwentuhan. Hindi namin namalayan na nasa harap na pala ako ng school.
"Alis na ako ha" paalam ko.
"Oo sige ingat ka ayumi ha" gabby.
"Hoy babae wag kang magpapa-bully ha" avon.
"Opo mga maam mag ingat kayo ha"
"Ge alis na kami" gabby.
Kumaway muna kami sa isa't-isa. Bago ako pumasok sa loob ng school. Saktong nakita ko si addy na papasok narin. Kumaway sya sakin ng makita ako. Tumakbo pa sya habang sumisigaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/234785265-288-k241601.jpg)
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Legendary Gangster (Completed)
LosowePaano kung ang tahimik mong buhay ay bigla na lang na magbago? Magbago dahil sa isang sekretong magpapakilala sa'yo sa totoo mong pagkatao? Kakayanin mo ba? Magiging masaya ka ba? O, patuloy ka pa ring mamumuhay ayon sa iyong nakasanayan?