Chapter 20 -
Ayumi's POV
Nagtagal pa ang pagtitig ko sa gown. Saka bumaling ng tingin kay nanay.
"Nay akin ba talaga to?" Manghang tanong ko.
Hanggang ngayon hindi pa din nagsi-sink in saakin. Ang nakikita ko. Ngumiti si nanay at tumango saakin.
"Oo sayo yan anak" nakangiting aniya.
"Nay ang mahal-mahal nito! Sana ang mumurahing gown nalang ang binili mo saakin" ani ko.
Ngumiti siya saka hinawakan ang magkabila kong pisngi. Habang pinopunasan ang mga luhang tumulo sa mga mata ko.
"Tahan na nak hindi mo ba nagustuhan?" Tanong nito.
"Hindi po nay nagustuhan ko po hindi lang po ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon" wika ko.
"Tahan na nak ha halikana at maghanda na tayo ng makakain" aya nito.
"Opo nay salamat po talaga nay ah maraming salamat" pasasalamat ko.
"Ano kaba naman nako anak" natatawang pahayag ni nanay.
Saka niya na ako inaya papunta sa kwarto ko. Tinulungan din pala niya akong buhatin ang damit papunta doon. Lumabas na si nanag dahil maghahanda daw siya ng pagkain. Ako naman ay naligo na. Saka muling tiningnan ang gown. Kasi hindi mawala-wala ang paningin ko dito. Kahit ikaw ang nandito sa posisyon ko. Ganito din ang mararamdaman mo. Kinuha ko mula sa kahon ang damit. Saka ito mas tinitigan pa.
Hindi ko alam kong pathetic lang ako o ano. Dahil parang may simbolo ang gown. Oo ang design niya parang may simbolo. Hindi ko nga lang malaman-laman kong ano. Kakaibang simbolo at kakaiba din ang dulot nito saakin. At hindi ko mawari kong bakit parang kilalang kilala ko na ang simbolo. May namumuong galak sa dibdib ko ng makita ko ito. Lumipas ang ilang minuto ng mapag-pasyahan kong ibalik na ang gown. Nilagay kong mabuti ang gown sa kahon. Isasara kona sana ng may mapansin akong sobre. Na nalaglag hindi ko alam kong saan ito nakalagay. Pero sigurado akong sa kahon ito galing. Kinuha ko ang sobre at tbinuksan. Pag-bukas ko sa sobre ay may nakita akong note.
Siguro para naman saakin ang note na ito. Kasi sa kahon naman ng gown ko nakalagay eh. Kinuha ko ang note sa loob at binasa ito. Hindi naman sa mahaba.
To: AP/ SIU
Nagandahan kaba sa gown mo?. Sana oo, alam kong matalino ka. At siguro may napansin ka na. Sa gown na iyan kong natitigan mo ng maayos. Ang nakita mo sa gown ay nagsisilbing. Simbolo simbolo para malaman na ikaw mismo ang nagmamay-ari. Sa araw na ito nais kong ikay magpahinga nalang muna. At wag kang mag-isip ng kong ano-ano. Ang gawin mo lamang ngayon ay magpahinga. Dahil bukas ang araw. Araw na pinakahihintay naming lahat. Araw na magpapabago sa iyong buhay. Ngayon pa lamang ang humihingi na ako ng tawad sayo.
From: SFU
Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko. Dahil sa sulat na nabasa ko. Para akong kinabahan na parang na nae-excite. Sa pwedeng mangyari bukas. Nagtataka ako sa nararamdaman ko. At sa nakasulat na pangalan. Actually hindi nga siya pangalan eh parang code name siya. Tapos first letter niya lang nakalagay.
AY kong hindi ako nagkakamali ay ayumi perez ang ibig sabihin non. Pero bakit may or at SIU na nakalagay. Ano naman kaya ang kahulugan ng SIU na iyon. At sino naman ang SFU na nagpadala ng sulat. At ang hinala kong simbolo na nasa gown ay tama. Tama akong nag-lalarawan talaga ito sa simbolo.
Nabalik ako sa realidad ng bigalang. Kumatok si nanay sa pinto ng kwarto ko. Napatingin ako dito at dali-daling binalik ang sulat sa kahon. Saka ko binuksan ang pinto.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Legendary Gangster (Completed)
DiversosPaano kung ang tahimik mong buhay ay bigla na lang na magbago? Magbago dahil sa isang sekretong magpapakilala sa'yo sa totoo mong pagkatao? Kakayanin mo ba? Magiging masaya ka ba? O, patuloy ka pa ring mamumuhay ayon sa iyong nakasanayan?