Chapter 1 - Simple Life
Her POV
Maaga akong nagising dahil sa aking alarm clock. Agad akong bumangon. Nakangiti kong pinagmasdan ang kwentas na binigay ni nanay. Nong bata pa daw ako nya ito binili. Kaso binigay nya ito nong 8 years old nako. Ang ganda ganda kasi. Sabi daw ni nanay ay pakaiingatan ko ito dahil napaka importante nito. Bawal ko daw yong hubarin. Dahil ito daw ang mag papakilala sa tunay kong pagkatao. Hindi ko nga alam kong bakit nya sinasabi yon ang weird ni nanay. Kaya ito at hindi ko sya hinuhubad. Nabalik ako sa aking huwesyo ng tawagin ako ni nanay.
"Nak Ayumi, Oy gising na umaga na bumaba kana rito't kumain ng almusal," sigaw ni nanay mula sa baba.
"Opo, Nay. Nariyan na maliligo na muna po ako," pasigaw ko ring sabi.
"Oo, at bilisan mo baka ma-late ka n'yan sa school. Aba! Unang araw mo pa naman." Bigla ng tumahimik si Nanay.
"Opo, Nay," sabi ko. Saka ako dali-daling pumasok sa banyo naligo at nagbihis. Nang bumaba ako ay naabotan ko si nanay na nag-aayos na ng mesa at hinihintay akong bumaba.
"Good morning nay i love you" matamis at excited kong bati sa kanya tsaka naman nya ako nilingon at ngumiti rin.
"Good morning nak love you too, bat ang sweet mo ha? Mukang excited ka sa school mo ahh??" Nakangiti nyang tanong sakin.
"Syempre naman nay maganda kayang school yon saka madami akong matututunan don , Gaano kaya kaganda ang school nayon nay?" nakangiti habang nakatingala kong sabi na para bang nag iimagine dahil hindi kopa nakikita yong school nayon sabi naman kasi ng kaibigan ni nanay ay marangya at napaka ganda daw nong school nayon.
"Malalaman modin yon pag andon kana sa ngayon halikana muna't kumain" yaya nya saka naman akong tumango at naupo na kami't sabay na kumain.
Nang matapos kaming kumain ay saka akong nagpaalam sa kanya na aalis na at pupuntang school. Wala na ang tatay ko dahil ang sabi ni nanay ay patay na daw.
Hindi ko manlang nasilayan si tatay. Hindi ko manlang naramdamang magkaroon ng isang ama. Ama na andyan sa tabi mo. Ama na kapag may problema ka ay masasabihan mo. Pero ok lang. Alam ko naman na may dahil ang diyos kaya nya kinuha si tatay.
Hindi kuna namanlayan na nasa harap na pala ako ng school. Mabilis akong nakarating dito. Dahil malapit lng ang bahay namin sa school.
Agad naman akong namangha sa kagandahan nito. Ang ganda-ganda ng gate. Mataas ito. At merong pinapasokan. Meron ding labasan. At sa gitna ay ang pinakamalaki. Matapos kong pakatitigan ang gate ay pumasok nako.
Nagulat pako ng makita ko ang guard na nag che-check ng bag. Tinatanong nya kong merong kang id. Kaya nong nasa harap kona ang guard ay agad kong binuksan ang aking bag. Pinakita kodin ang id ko.
At saka ako pumasok. At mas lalo pa akong namangha ng makita ko ang loob nito. Ang lawak ng espasyo. Sa kanan merong building. Hindi ko alam kong para saan ang building na iyon. Sa kaliwa naman ay makikita ang field.
Nagpalinga-linga muna ako. At sakto namang nakita ko ang principal's office. Agad akong pumasok don.
"Good morning po mr. Principal" bati ko sakanya sabay ngiti.
"Good morning ms. Perez i'm mr. Larry Smith" nakangiti nyang bati at pagpapakilala. Ngunit mahihimigan mo ang strikto sa kanyang boses. "Ito ang aking sekretarya si Ms. Elain Sandoval" turo nya don sa babaeng nasa gilid nya. Ngumiti naman ako dito
"Hi po miss Sandoval Good morning" nakangiti kong bati sakanya. "I'm Ayumi Perez po" pagpapa-kilala ko sakanila.
"Ah hi i'm miss sandoval" nakangiti nya ring bati sakin. "Nice meeting you at hito nga pala yung schedule ng subject mo" pagpapakilala nya rin at ibinigay sakin ang schedule ng suject ko.
Nagpa-alam na ako sakanila na aalis at hahanapin ang room ko. Nang makalabas ako ng principal's office ay naglakad-lakad ako para hanapin ang room ko. Nakarinig ako ng nag bubulungan.
"Yuck ang pangit-pangit naman ng babaeng yan" sabi ng babaeng naka upo sa bench malapit sa malapad na field
"Oo nga ano to bagong basura nanaman?" nakangiwi pang sabi ng babaeng nasa tabi nya.
"Ang taas din naman ng tingin nya sa sarili nya"
"Pangit pare mukang dukha"
"Oo nga pre saang lupalop naman kaya ng lugar nagnakaw ng pera yan? HAHAHAHA"
"HAHAHA oo nga pre"
Pero hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Habang naglalakad-lakad ako ay biglay may bumato ng papel saakin. Nilingon ko ito pero wala naman akong nakita. Pero yung iba ay nagtatawanan. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Mabuti nalang at bulungan lang ang inabot ko dito. Don kasi sa dati kong school. Binubully ako pero. Tamang tapon-tapon lang ng harina ganon. Ilang beses pa akong naligaw. Bago ko narating ang room ko.
Pumasok ako. At sa dulo ako naupo malapit sa cr. Ay syanga pala nakalimutan kong magpakilala.
Ako nga pala si Ayumi Perez 19 yrs old nako at 1st year college ako ngayon. Mahirap lng kami. nagtatrabaho si nanay bilang labandera at nagtitinda ng mga kakanin twing umaga. Ako nagtatrabaho sa isang caffè at malapit lng yon sa school. Dahil wala na nga si tatay. Start ng trabaho ko is 6 ng umaga at natatapos ng alas 10 ng gabi kaya keri lng para din naman to sakin.
Yung kinikita ko sa caffè ay yung iba iniipon ko at yung natitira baon ko at minsan pambili din ng pagkain sa pang araw-araw. Nabalik ako sa ulirat ko nang pumasok yung lecturer namin.
"Good Morning class" anang lecturer namin
"Good morning miss" sabi namin habang tumatayo
"I'm Ms. Alexandra Mission you can call me Ms. Mission okay alam ko na halos lahat sa inyo ay kilala na ang isa't isa except syempre sa transferes okay Ms. Perez, Ms Gonzales, Mr. Mendoza please stand-up and introduse your selves" nakangiti ngunit maninimigan ang pagiging mataray na sabi ni Ms. Mission agad naman kaming tumayo ng iba pang transferes
"Good Morning everyone I'm Ayumi Perez nice meeting you all sana ay maging mabait kayo sakin" magalak at ngiti-ngiting sabi ko at nag bow sakanila.
"HAHAHA girl narinig mo yon lets bes nice to her daw HAHAHAHAH" anang babaeng kaklase ko sa may gilid ng bintanay malapit sa pintuan.
"Papayag ba naman tayo yuck" nakangiwing sabi nya na nasaakin ang paningin. Madami pang nagbubulungan. Pero hindi ko nalang pinapakinggan.
"Okay class class quite please Tsk" naiiritang sabi ni Miss. "Okay pls continue" nauubusang pasensya na sabi nya.
"Hi everyone my name is Angela gonzales" nakangiti nyang sabay at kumaway pa. Kala mo naman.
"Hi I'm Mark Mendoza nice meeting you" supladong sabi ng mr. Mendoza raw.
At pagkatapos magpakilala ng tranferes ay may sinabi si miss sa class president. Pagkatapos non ay sinabi nya samin ang rules. Binigay nya ang mga subjects. Tapos nag discuss din sya.
Discuss
Discuss
Break
Discuss
Discuss
Dismiss
Alasingko na ng hapon ng matapos ang klase. Agad akong umiwi
dahil may trabaho pako magpapa-hinga pako at matutulog ng isang oras. Bago pumasok sa trabaho.End of chapter 1
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Legendary Gangster (Completed)
RandomPaano kung ang tahimik mong buhay ay bigla na lang na magbago? Magbago dahil sa isang sekretong magpapakilala sa'yo sa totoo mong pagkatao? Kakayanin mo ba? Magiging masaya ka ba? O, patuloy ka pa ring mamumuhay ayon sa iyong nakasanayan?