Nagulat kaming lahat dahil biglang hinila ni Quest si Naya papalapit sa kaniya at mapusok na hinalikan. Ni-isa sa amin ay walang nagsalita o gumawa ng isang galaw na makakapaghiwalay sa halikan nilang dalawa.
Tumigil lang silang dalawa nang siguro ay kapusin na sila ng hininga. Isang nakakabinging sigaw ang aming narinig dahilan upang kami ay napapikit.
"AH!"
Sigaw ni Naya at nagtatakbong umalis. Nagkatinginan lang kaming lahat at sabay-sabay na tumawa. Si Quest naman ay napangisi na lang.
"Mahal ko," tawag sa akin ni Wyatt.
Nilingon ko siya at niyakap. "Hm?"
Ang sarap-sarap talaga sa pakiramdam sa tuwing kayakap ko siya habang inaamoy ang bango ng kaniyang pabango.
"Why dont you chase Naya, mahal ko?" malambing niyang tanong. "Para kasi, makakain na rin siya."
"Okay."
Umalis na ako roon at nagtungo sa posibleng patungohan ni Naya. Mahaba-habang paglalakad at paghahanap ang aking ginawa bago ko natagpuan si Naya na may binubulong-bulong pa.
"Kainis!"
"Bakit niya kasi ako hinalikan!"
"Ang bango-bango nga ng hininga niya."
"Ehhh! Amoy mint!"
Iilan sa mga sigaw ni Naya na rinig na rinig ko. Umupo ako sa tabi niya ngunit tila hindi niya ito naramdaman sapagkat patuloy pa rin ang kaniyang pagsigaw.
"Argh! Nakakainis. Mas malambot pa yata ang labi niya kaysa sa labi ko," muli nitong sambit.
"Hm, how does it taste?" I asked.
"It taste like mint, teka!" gulat siyang napatingin sa akin.
Natatawang binalingan ko ang gulat ko pa ring kaibigan.
"Bakit?" Natatawa kong tanong.
"Bakit ka narito? Best, kanina ka pa ba?" alala niyang tanong. "Bakit hindi mo ako sinabihang nandito ka pala!"
Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "Wow, sis. Makasalita ka parang hindi talaga kita tinatawag, ah."
"Eh. Best, saatin na lang itong narinig mo, ha?" Nag-aalala niyang sambit.
"Oo naman," natatawang sambit ko. "Tara na pala, kakain na muna tayo. Inutosan din ako ni Wyatt na sabihan kang kakain na."
"Sige."
Naglakad na kami pabalik sa mga kaibigan namin. Naabotan ko si Wyatt na binubully na naman si Fulton.
"Wah! Saffron, oh. Si Wyatt, oh," kunwari ay naiiyak nitong sumbong sa akin.
"Gsgo!" Sigaw ni Wyatt sa kaniya ay lumapit sa akin.
"Mahal ko," naglalambing nitong saad saka ako niyakap at inihilig ang kaniyang baba sa aking balikat. "Inaaway nila ako."
"Asus! Naglalambing ka lang mahal ko, eh," natatawang sambit ko. "Hayaan mo na nga sila, tara na kumain ka na muna ulit."
Nagsimula muli kaming kumain. Si Quest ay seryoso lang na kumakain ganoon na rin si Naya ngunit si Fulton, Arrow, at ang boyfriend ko ay patuloy silang tinutukso.
"Tol, pupunta ako sa bahay nila Quest bukas, sama kayo?" Wyatt asked his friends.
Parehong natigilan sina Naya at Quest pero ang mukha nina Fulton at Arrow ay nakangisi lang habang ako naman ay patuloy lang na kumakain.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Legendary Gangster (Completed)
RandomPaano kung ang tahimik mong buhay ay bigla na lang na magbago? Magbago dahil sa isang sekretong magpapakilala sa'yo sa totoo mong pagkatao? Kakayanin mo ba? Magiging masaya ka ba? O, patuloy ka pa ring mamumuhay ayon sa iyong nakasanayan?