Chapter-24
"Spencer's POV"
(SI SPENCER PO ANG GUEST)
Masaya ako kasi sawakas after how many years nakasayaw ko ulit ang kakambal ko. Miss na miss na kita saffron princess I'll asure you after this night you will know the truth about your real identity
Natapos kami sa pagsasayaw at si wyatt naman ay pumunta na sa tabi ko para kunin ang kamay ng kapatid ko. Wyatt and saffron(ayumi) is about to dance when....
"BOOM!" (Tunog po yan ng bomba lol)
Biglang may pumutok ng bomba sa gilid agad na nagsilabasan ang mga tao. Agad kong kinuha ang phone ko para idial ang number ng driver ko.
"Hello" I said.
"Sir nakapalibot na po ang mga tauhan para sa mga posibleng mangyari handa nadin po ang sasakyan para sainyo kay miss saffron at sa mga kasama niyo" sabi ng tauhan ko.
"Good thank you john" sabi ko saka pinatay amg tawag.
Nilibot ko ang paningin ko kung matami padin ba ang students na nasa loob ng room at kung may mga estudyante bang mapapahamak. Ng masigurado kong wala naman na tiningnan ko ang kapatid ko kasama sina wyatt agad akong tumakbo doon dahil parang malalaglagan siya ng materyales.
"WYATT SI SAFF-AYUMI" sigaw ko kaya naman naalarma si wyatt at dali daling hinila si saffron nagulat naman ito ngunit hinawakan na lamang ang gown sabay takbo.
Ng makalapit na sila saakin ay agad kong niyakap ang kapatid ko ramdam ko ang gulat sakanya. Hinawakan ko ang pisngi niya saka siya hinalikan sa noo.
"Are you okay? Nasaktan kaba?" Aligagang tanong ko.
Halata sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa pag-aalala ko sakanya. Ngunit wala na akong panahon para doon at para sa sagot niya agad ko siyang binuhat ng bridal style saka tumingin kina wyatt.
"Let's go you four sumabay na kayo saamin at ng mapaliwanag ko ang totoo bukas niyo na balikan ang sasakyan niyo ipapakuha ko nalang yan sa mga tao ko" sabi ko.
Nagtungo na ako sa nakahandang kotse na sasakyan namin. Sumunod naman ang apat saakin sumakay ako sa driver's side habang nasa gilid ko si quest. Nasalikod naman si wyatt fulton arrow and saffron. Nagmaneho na ako at umalis na lugar na yon. Shit kung sino man ang gumawa nito magbabayad kayo!.
"Ayumi's POV"
Ramdam ko parin ang takot hanggng ngayon. Hindi ko alam ang mararamdaman ko halo halo ang pagtataka ang takot at ang panghihina. Habang nagdadrive si spencer unti unting tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito. Naramdaman ko ang kamay na masalikod ko paglingon ko nakita ko ang kamay pala ni wyatt dahil siya ang katabi ko.
"Are you okay?" Tanong nito saakin.
"Hindi... hindi ko alam? Ano bang meron? Sino ba talaga ako? Bakit sinama niyo ako?" Sunod sunod na tanong ko dito.
"Mamaya malalaman mo din ang dapat mong malaman tahan na hmm." Pagpapatahan nito saakin saka niya ako sinandal sa balikat niya.
Biglang bumilis ang pagpapatakbo ni spencer sa sasakyan kaya napatingala ako kay wyatt nakita kong seryoso siyang tumitingin sa harap ng maramdaman niyang nakatingin ako sakanya ay yumuko siya para matingnan ako. Nginitian niya ako pero hindi abot sa mata.
"Ayumi usog ka palit tayo ng pwesto" seryosong sabi nito.
Hindi na ako umangal dahil seryoso na siya. Sinunod ko ang gusto niya kaya nagkapalit kami ng pwesto.
"Fulton be ready and you arrow maging handa kadin" biglang sabi ni quest.
"Got it quest" sabay na sabi ni fulton at arrow kay quest.
"Wyatt you know what to do" sabi ni spencer kay wyatt.
Tumango si wyatt sa sinabi ni spencer kaya naman nagtaka ako sa mga pinagkikilos nila mas lalong bumilis ang pagpapatakbo ni spencer sa sasakyan kaya sumibol ang sobrang kaba sa akin dibdib. Nilingon ko si wyatt.
"Anong nangyayari bakit nagpapanic kayo?" Medjo maypagaalala din sa boses ko.
Hindi na ako sinagot ni wyatt. Biglang may nagpaputok at natamaan ang sasakyan namin pero buti nalang at walang masamang nangyari sa sasakyan na ikakapahamak namin ganon din walang may natamaan ni isa man saamin. Nagsunod sunod na ang putukan gumanti din si wyatt fulton at arrow. Ganon nadin si quest.
*BLACK*
"Wyatt's POV"
Biglang nahimatay si saffron kaya naman sinalo ko siya I still can't believe it saffron and the girl I'm bullying is one. Sobrang nagsisisi ako sa pinaggagawa ko sakanya noon. Naiinis ako sa sarili ko. Pero hindi ito ang time na pagsisisihan ko dahil may nambabaril pa saamin. Mas lalong binilisan ni spencer ang pagpapatakbo ng sasakyan saka lumiko sa isang liblib na lugar.
"We're safe now magiiba lang tayo ng daan para hindi nila malaman ang bahay namin" seryosong ani nito.
Nagdrive na si spencer pero kami ito nagbabantay padin sa mga pwedeng mangyari. Sising sisi ako sa pinaggagawa ko sayo saffron I'm really really sorry.
End of chapter 24
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Legendary Gangster (Completed)
AcakPaano kung ang tahimik mong buhay ay bigla na lang na magbago? Magbago dahil sa isang sekretong magpapakilala sa'yo sa totoo mong pagkatao? Kakayanin mo ba? Magiging masaya ka ba? O, patuloy ka pa ring mamumuhay ayon sa iyong nakasanayan?