Chapter 37

176 13 0
                                    

Nakatulala lang ako ngayon na nakatingin sa kaniya. Hindi ko mahanap ang aking boses upang sumagot sa kaniya. Kumikinang ngayon ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Hindi mo muna sasagotin 'yan, Saffron," biglang singit naman ni Fulton kaya nabaling ang paningin ko sa kaniya. "Mamaya na kapag ikaw turn mo na. Spin na ulit ng bottle. By the way, nice confession, bro!"

"Thanks!"

"Hoy, bess. Ano 'yon, ha?" nanunuksong tanong ni Naya sa akin. "Ikaw, ha! Lu-ma-love life ka, ah!"

"Wag ka nga, bes!" utal kong sabi dahil nahihiya ako.

Natatawang hinampas niya ang balikat ko. "Kinikilig ka lang, eh!"

Sinimangotan ko siya na ikinatawa niya.

"Ulit na ulit," excited namang sabi ni Ice, hinawakan niya ang aking kamay at ipinagsalikop ito na ikinagulat ko. "Sorry kung hindi ma-effort ang confession ko."

Nginitian ko na lang siya at ibinalik ulit ang paningin sa gitna.

Enebe, Wyatt. Kinilig naman ako ng malala eh.

"Ako na ang mag-si-spin diba?" muling tanong ng katabi ko.

Pinaikot na niya ang bottle at saktong tumapat sa akin at kay Arrow.

"Oh. Saffron!" natatawang sambit niya sa pangalan ko. "Truth or dare?"

"Hindi mo muna sasagotin 'yan, Saffron." "Mamaya na kapag ikaw turn mo na."

Biglang nag-flash back sa akin ang sinabi ni Fulton.

Hala! Anong pipiliin ko? Bahala na nga!

"Dare."

"Nice pick, baby," biglang singit ni Wyatt na ikinapula ng pisngi ko.

"Mag-confess ka sa taong gusto o mahal mo na nandito ngayon," nakangising sabi naman ni Fulton. "Or kung wala man, sagotin mo na lang ang confession ni Wyatt."

Naiilang ko silang tiningnan. Sumibol ang matinding kaba sa aking dibdib dahil sa isiping mag-co-confess ako ngayon sa lalaking mahal ko. Nanginginig man ngunit tumayo ako na inalalayan naman kaagad ni Wyatt.

"Okay. Since, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Wyatt," sabi ko na nakapagpabitin sa kanila. "Mag-co-confess na lang ako sa lalaking hindi ko inaasahang mamahalin ko."

Naramdaman ko ang higpit ng pagkakahawak ni Wyatt sa kamay ko na para bang pinaparating nito na masasaktan siya sa gagawin ko. Panatag ko siyang tiningnan at nginitian.

Tumayo na ako at hinawakan din ang kamay niya para patayoin siya. Narinig ko ang pagsinghap ng lahat dahil sa ginawa ko. Maging si Wyatt ay nagulat.

"Hindi ko alam kung saan nagsimula pero isang araw nagising ako na kapag nakikita kita, nakakasama, nahahawakan ay bigla-bigla na lang titibok ng mabilis ang puso ko na para bang tumatalon ito sa tuwa," direktang sabi ko. Nakita ko ang maliit na butil ng luha na tumulo mula sa mga mata niya na agad ko namang pinunasan. "Kanina na-confirm kong mahal na talaga kita ng nakita kita at pakiramdam ko ay tayong dalawa lang, parang wala lang tao sa paligid natin. Wyatt, My enemy in school, I'm going to tell you three words that I'm sure can answer your confession earlier. I love you."

Natahimik ang lahat dahil sa sinabi kong 'yon. Si Wyatt ay nakatulala lang. Walang kung ano-ano ay niyakap niya ako ng mahigpit at pinagsigawan ang salitang YES. Marahil ay nagulat ang mga magulang namin dahil sa sigaw niyang 'yon kung kaya't dali-dali ang mga itong lumapit sa amin.

"Anong nangyari?" aligagang tanong ng matandang babaeng kamukha ni Wyatt. Siguro ay Mommy niya. "Bakit ka umiiyak, Wyatt? Ang bakla mo naman?"

Tumawa ang lahat dahil sa biro ng mommy niya patungkol sa pagiging bakla niya KUNO.

"H'wag ka nga, Mom," inis na asik naman ni Wyatt sa Nany niya. "I have a good news!"

"I think it is indeed ang good news, Hijo, huh?" natatawang tanong ni Dad. "Spill it, Hijo."

"Guess what," may galak sa tinig na pambibitin ni Ice sa mga magulang namin. "Saffron's in love with me."

Gumuhit ang gulat sa mga mukha ng magulang namin ngunit agad din naman itong napalitan ng tuwa.

"Dalaga na talaga ang Anak ko," bulalas naman ni Dad saka lumapit sa akin. "I'm so happy for you, Princess. Wyatt, I'm giving my permission to you if you'll court my daugther."

"Thank you, Tito."

"I'm happy for you, Anak," sambit naman ni Mommy. "Basta, nandito lang kami parati nila Dad at Kuya mo kapag may problema ka about love, alright?"

"Yes, Mom," nakangiting kong sambit. "Thank you."

"I'm happy for you, Princess," singit naman ni Kuya.

"Thank you, Kuya."

Niyakap nila ako na nauwi na rin sa group hug. Tinapos na namin ang laro at napagdesisyonan na lang na mag bonding. Lahat kami ay nasa garden ngayon. May kanya-kanyang istorya. Katabi ko si Wyatt na nakasandal ngayon sa balikat ko habang pinagsasalikop ang mga kamay namin.

"Ice."

Nakangiti akong tumitingin sa ganda ng langit. "Hmm?"

"I'm so happy," sambit nito at umayos ng pagkakaupo saka ako niyakap mula sa aking likuran. "Masaya akong malaman na ang babaeng mahal ko ay mahal din pala ako."

Nagulat ako ng tumayo ito at hinila na  rin niya ako patayo. Lumuhod ito sa harapan ko dahilan ng pagsinghap ko.

"Ice, we both knew about our feelings towards each other," panimula nito. "I want you to be mine, Can I court you?"

Nangingilid ang mga luha ko dahil sa sobrang tuwa na aking nararamdaman. Hindi ko inakalang aabot sa ganito ang pinagsamahan namin. Alam kong masyadong mabilis ngunit anong magagawa ko—namin kung puso na talaga ang tumibok.

"Okay lang kung hindi ka pa handa," sabi naman nito kaagad. "Alam kong masyado akong naging mabilis."

Umiling-iling ako at inakay siya patayo.

"Yes," umiiyak kong saad. Namilog ang mga mata nito. "Yes, I'm willing to be court by you."

"Ta..talaga," utal naman nitong tanong. Tumago-tango ako. "YES! YES!"

Narinig ko na lang ang palakpakan ng mga tao para sa amin. Hinalikan ako ni Wyatt sa noo at muling niyakap.

Hindi ko inasahan na ang lalaking kinaiinisan ko, ang lalaking ginawa ang lahat para lang maging miserable ang buhay ko ay liligawan ako. Hindi ko inakalang magiging masaya ako sa pagmamahal niya sa akin.

I promise to love you, Wyatt! I'm looking forward to our own little love story. I love you.

Chapter 37 is done!
#WyaRon #LookingForward!

Thank you for reading, Don't forget to vote if you enjoy, comment your reactions, and share!

That Nerd Is A Legendary Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon