Nagising ako dahil naramdaman ko ang ko ang dalawang mga matang nakatitig sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nagulat ako sa mukhang nasilayan ko. Malapit ito sa akin at sa maliit ko lamang na galaw ay mahahalikan ko na siya.
"Wa..wyatt?" nauutal kong sabi. "A..ano-a..anong gi..gin..gina..ganagawa mo rito?"
Bumilis ang tibok ng aking puso. Parang nagdiwang ang aking dibdib dahil sumilay ang napaka-gandang ngiti mula sa kaniyang labi.
"Good morning, baby ko," nakangiting aniya. "Bagon ka na, papasok na tayo sa school."
"Umalis ka muna d'yan," mahinang sambit ko. Umalis siya sa pagkakalapit ng mukha niya sa akin. "Ano nga ang ginagawa mo rito?"
"I'm picking up my girl," nakangisi naman niyang sagot at inilahad ang dalawang kamay niya. "From now on, I will court you. Sa ayaw man o sa gusto mo."
Hanep!
"Ang galing mo namang manliligaw," nakasimangot kong sabi. "Sige na, baba ka na muna maliligo lang ako at mag-aayos."
"Sige na nga!" Nagmamaktol pa nitong sambit. "I love you!"
"Labas na!" sigaw ko dahil hindi ko mapigilang mamula at kiligin dahil sa sinabi niyang 'yon.
Pagkalabas niya ay agad akong nagsisigaw. Ngiti ang gumuhit sa aking labi at pumasok na sa cr dahil nagagalak na rin akong makapag-ayos at makasama siyang kumain ng almusal.
"Wow. You look gorgeous, baby," nakangiting saad ni Wyatt.
Narinig ko ang tikhim ni Kuya na ikinatawa naman ni Mommy at Daddy.
"Maupo na kayo rito at kumain," natatawang sambit ni Mommy. "Good morning, love."
Niyakap ako ni Mommy, gumanti rin ako. "Good morning too, Mommy." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. "Kanina pa po kayo rito?" tanong ko.
"Uhm, medyo. Tara kain na tayo?" aya naman nito.
Tumango lang ako sa kaniya at sumunod na. Natapos kaming kumain at ngayon ay nagliligpit na ako para maka-alis na kami.
"Tito, Tita, Bro, aalis na kami," paalam ni Wyatt. "Thank you sa food."
"You're welcome, hijo," sagot naman ni Daddy. "Ingatan mo 'tong anak ko, ha?"
"Opo."
"Mom, Dad, alis na po kami," sabi ko naman at hinalikan silang dalawa saka niyakap. Lumapit ako kay Kuya at ganoon din ang ginawa ko. "Alis na kami, Kuya. Ingat po kayo!"
"Kayo rin!"
Lumabas na kami ni Wyatt, siya ang may hawak sa bag ko ngayon. Habang nag-da-drive siya ay tahimik lang kami. Medyo awkward ang sitwasyon ngayon.
"U-h, Ice." pagtawag nito na agad ko rin namang nilingon.
"Bakit?"
"Thank you."
Nagtatakang ibinaling ko ang aking paningin sa kaniya.
"Thank you para saan?" tanong ko.
"Thank you, kasi pinatawad mo ako sa kabila ng ginawa ko sa'yo," sincere niyang sagot. "I'm happy."
"Wala 'yon, saka masaya na rin naman ako at nakilala kita," sambit ko na ikinangiti niya.
"Mabuti naman kung gano'n. I'm glad that you're here with me," nakangiti niyang sabi. "Sobrang saya ko nang nagconfess ka rin sa akin. Nang nalaman kong may gusto ka rin pala sa akin. I love you so much, baby."
Enebe, Wyatt, kinikilig ako eh!
Nanatili akong tahimik, ayoko siyang sagotin hindi dahil sa hindi ko siya mahal. Ayoko siyang sagotin dahil gusto ko na kapag sinagot ko ang I love you niya magiging kahulugan na 'yon na mahal ko siya.
Alam kong napansin niyang tahimik ako kaya naman muli siyang nagsalita.
"I understand."
Nag-aalala ko siyang tiningnan.
"S..sorry, Wyatt," sincere kong sabi.
Nakangiti na niya akong nilingon. "It's okay, baby, I understand na hindi ka pa ready. I'm always willing to wait."
"Thank you."
Nakarating kami sa school ng wala nang nagsalita pa. Bumaba siya para pagbuksan ako ng pintuan.
"Thank you," nakangiti kong pasasalamat.
"You're welcome, let's go?"
"Tara," nakangiti kong sambit.
Mayamaya pa ay nakarinig na ako ng mga bulong-bulongan, katulad na lamang ng sino 'yang kasama ni Prince Wyatt?, New student ba 'yan dito? Ngunit hindi na lamang namin pinansin 'yon ni Wyatt at patuloy lang kami sa paglalakad.
Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang aking mga kamay. Nagtataka ko siyang tiningnan ngunit nginitian niya lamang ako. Bigla kong naalala na may regalo pala akong dala para sa kaniya na nasa bag ko.
"Wow, ano 'yan, ha!" kaagad na bati ni Fulton ng makita niya kami. "Bakit may pa-holding hands na nagaganap?"
Napayakap na lang ako kay Wyatt upang takpan ang aking mukha dahil sa kahihiyang natatamasa. Narinig ko naman ang ungot ni Wyatt.
"Uy, bro, narito ka na pal—Woah!" manghang singit naman ni Arrow. "Ayu—este, Saffron?"
Dahan-dahan akong kumalas mula sa pagkakayakap kay Wyatt. Nahihiya ko silang tiningnan.
"Bakit kayo magkasama?" muling tanong pa ni Fulton.
"Malamang, sinundo ko siya. Obvious ba?" sarkastiko namang sagot ni Wyatt.
Lumukot ang mukha ni Fulton. "Grabe ka naman, Bro, na-approved ka lang, eh."
"Pumasok na lang tayo." Singit ko.
Isa-isa naman silang tumango kaya magkakasama kaming naglakad papasok sa classroom. Hindi nawala ang bulongan ngunit hindi namin ito pinansin. Nakarating kami sa classroom at gumuhit ang gulat sa mga mukha ng aming kaklase.
Hinila ako ni Wyatt na maupo sa tabi niya ng tangkain kong bumalik sa dati kong puwesto.
"Starting from now, dito ka na sa tabi ko uupo," seryoso nitong sambit. "Hindi na ikaw si Ayumi Perez na dati rati ay binu-bully, ikaw na ngayon si Saffron Ice Underson na titingalain ng lahat."
Namula ako dahil sa mga salitang binitawan niya. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay nagsitaasan. Nahihiya akong tumago.
"Tha..thank you, Wyatt," utal kong sambit. "Ano, kilala pa ba nila ako bilang Ayumi? I-bu-bully pa kaya nila ako?"
"Hindi na, baby," sincere naman niyang sagot. "As long as I'm here by your side, no one will ever hurt you."
Hindi ko alam ngunit nagsituluan ang aking mga luha. Sobrang saya ko dahil ganito na lang kung magpahalaga siya ng tao. Masaya ako sapagkat ang kilalang Wyatt Smith na bully at kinakatakotan ng lahat ay may ganito palang side.
"I'm so happy," banggit ko. "I'm so lucky to have you, to met you."
"I am too, baby."
Hindi na kami nakapagkwentohan dahil dumating ang prof. Ngiti ang isinalubong nito sa amin saka inilagay ang mga libro niya sa mesa.
"I would like you'll to know that we have a transferre student and you will met your old classmate but in new persona," mahabang lintaya ng prof. "Met, Saffron Ice Underson, ang noon ay nerd na si Ayumi Perez."
Bigla na lang umusbong ang bulong-bulongan ngunit katulad kanina ay hindi ko rin ito pinansin. Pumunta ako sa gitna at nahihiyang nagpakilala.
"Hi, I'm Saffron Ice Underson, also known as the famous Ayumi Nerd Perez who bumped up with the famous gang," pagpapakilala ko.
Isang napakalakas na sigaw ang aking narinig na ikina-bilis ng tibok ng aking puso at ikinapula ng aking mukha.
"BABY KO 'YAN!"
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Legendary Gangster (Completed)
AcakPaano kung ang tahimik mong buhay ay bigla na lang na magbago? Magbago dahil sa isang sekretong magpapakilala sa'yo sa totoo mong pagkatao? Kakayanin mo ba? Magiging masaya ka ba? O, patuloy ka pa ring mamumuhay ayon sa iyong nakasanayan?