"Wyatt's POV"
"Babe!" malakas na sigaw ng aking asawa.
Mabilis akong tumakbo mula sa kusina papuntang sala. Naabutan ko si Saffron na nakangiwi habang hawak-hawak ang parang bola nitong tyan.
"Ah!" punong puno ng sakit na sigaw nito. "Babe, don't just stare at me! Bring me to the god damn hospital! My water bag just broke!"
Nanlaki naman ang mga mata ko at natatarantang lumapit sa kaniya at binuhat siya papuntang kotse. Binilisan ko ang pagmamaneho at hindi ko na magawang i-comfort siya dahil sa taranta at kabang nararamdaman ko. Ang mindset ko lang ngayon ay makarating kaagad sa hospital.
Nakahinga ako ng maluwag nang makarating na kami sa hospital. Mariin itong nakahawak sa aking kamay habang umiingos dahil sa sakit na nararamdaman niya.
"I'm sorry, love," paulit-ulit kong usal dahil sa nakikita ko.
Alam kong labis siyang nasasaktan kaya nakaramdam ako ng matinding guilt. Nanghihina akong napapatingin sa kaniya. Pakiramdam ko ay napaka-laki ng kasalanan ko kaya siya nag-su-suffer sa pain ng ganito.
"Ah! Sobrang sakit!" halinghing pa niya.
"Doc, the patient is ready for labor," saad ng nurse.
Nang lingunin ko ang doctor ay tumango ito at dinala na si Saffron kung saan siyang manganganak.
"Love, please, don't leave me," pagmamaka-awa nito habang dumadaing.
"I promise I won't leave you," pag-che-cheer up ko sa kaniya.
"Misis, when I say push, push with all your might, okay?" pag-i-instruc ng doctor.
Tumango lang ang asawa ko at nakahawak sa kamay ko. Ang halikan at bulungan siya ng matatamis na salita lang ang tanging magagawa ko sa mga panahong ito.
Lumipas ang mga minuto at narinig ko na ang iyak ng anak ko.
"Congratulations its a bouncing baby boy."
Inihiga ng doctor ang anak ko sa tyan ng asawa kong punong puno ng pawis.
Parang musika sa aking tenga ang tinig ng anak ko. Parang tumigil ang ikot ng mundo ko nang makita ko na ang kabuuan ng anak ko.
"He's beautiful," naibulalas ko na lang dahil pakiramdam ko ay napako na ang paningin ko sa aking anak. "Hey, young man, welcome to mine and your mom's world."
Hinalikan ko ang noo ng aking asawang naluluhang tumititig din sa aming anak.
"Thank you, love, for giving him to me," nakangiting saad ko. "I love you so much. He's the wonderful gift I've ever recieved."
Nginitian lang ako nito at kitang kita ko ang pagod sa kaniyang mukha.
"Can I take a rest, babe?" mahinang saad nito.
Nginitian ko lang siya at tinanguan. Dahan-dahan nitong pinikit ang kaniyang mga mata.
Sawakas tatay na talaga ako!
"Saffron's POV"
Nagising ako dahil sa sigawan ng aking mga kaibigan.
"Gising na si Saffron, oh!" saad ni Fulton nang makitang bumukas ang aking mga mata. "Congrats, men, ang gwapong bata ng anak mo."
"Thank you," mahinang sambit ko dahil pakiramdam ko ay nanghihina pa rin ang aking katawan.
"Babe, where's our son?" tanong ko kay Wyatt.
Ngumiti siyang karga-karga ang anak namin sa kaniyang bisig na gumagawa ng maliliit na galaw. Inabot niya sa akin ang anak namin.
"Hi, baby. I'm your mom. I'm so happy that you're here with me and your Daddy. We promise to take care and love you unconditionally," nakangiti at titig na titig kong sabi sa kaniya.
"I love you, mahal ko. Salamat ulit sa pagdadala kay Baby Danyon Ice sa atin," sabi ni Wyatt.
Finally, my own little family is now complete. I'm Saffron Ice Underson, ready to surrender from being the Nerd turns into a Legendary Gangster and I'm proud to say that I'll be a Legendary Wife and Mother to the man I love, my son, and future kids...
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Legendary Gangster (Completed)
LosowePaano kung ang tahimik mong buhay ay bigla na lang na magbago? Magbago dahil sa isang sekretong magpapakilala sa'yo sa totoo mong pagkatao? Kakayanin mo ba? Magiging masaya ka ba? O, patuloy ka pa ring mamumuhay ayon sa iyong nakasanayan?