Chapter 50

154 7 0
                                    

"Saffron's POV"

Naalimpungatan ako dahil sa mabigat na kamay na nakadagan sa aking bewang. Bumungad sa aking mukha ang mala-anghel na mukha ng aking boyfriend.

Sobrang saya na pagkagising ko ay mukha kaagad niya ang bubungad sa akin. Nakangiting hinaplos ko ang malalaki at maputing mga braso nito. Dahan-dahan akong umalis mula sa pagkakayakap niya at mahinang inabot ang kaniyang noo upang siya ay mahalikan.

Seing your face every morning when I wake up is making my day special, my love.

Nakangiting tinitigan ko ang gwapo nitong mukha. Nang hindi maging komportable sa aking posisyon, mahinang gumalaw ako. Mukhang naramdaman ito no Wyatt dahil gumalaw din ito.

Bigla namang umusbong ang matinding kaba sa aking dibdib dahil nahihiya ako sa nangyari kagabi. Pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap sa kaniya.

Awtomatiko akong napapikit nang makitang dahan-dahan nitong binuksan ang kaniyang mga mata. Isa lang ang iniisip ko ngayon, 'yon ay ang magkunwaring tulog. 'Yon lang ang tanging paraan na alam ko upang maiwasan siya.

Naramdaman ko ang mabigat na titig nito ngunit pinilit ko pa rin ang aking sariling panatilihing mukhang natutulog. Naramdaman ko na lang ang halik niya sa aking noo, bumaba sa aking pisngo hanggang sa umabot sa aking mga labi.

"Good morning, babe," saad niya.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata na parang kakagising lang. Nakatitig ito sa akin nang may ngiti sa labi.

"I love you," kaagad kong sambit.

Nakita ko ang panandaliang gulat sa mga mata nito. Mukhang hindi niya inaasahang iyon agad ang sasabihin ko.

"I love you too," sagot naman nito at muli akong hinalikan sa labi.

Lumalim ang halikan namin hanggang sa gumala na ang mga kamay nito sa buong katawan ko. Ang simpleng halik lang sa aking labi ay nauwi sa mainit na umaga.

"Wyatt, kumain na tayo!" sigaw ko sa boyfriend ko.

Pagkatapos naming maligo ng sabay kanina ay nagluto na ako agad dahil nagugutom na rin ako. Muli akong sumigaw para tawagin si Wyatt. Mayamaya pa ay bumaba na ito.

"Ang bango, ah?" nakangiting saad nito at umupo na.

Tumayo ako para pagsilbihan siya. Nilagyan ko ng kanin at ulam ang plato niya. Nang akmang aalis na ako para bumalik sa aking upuan ay mabilis ako nitong hinila saka pinaupo sa kaniyang kandungan.

"Can I eat like this?" paawa nitong sambit.

Natatawang umuling ako sa kaniya. "No. Let me go, Wyatt. Nasa harap tayo ng hapag."

Hindi niya ako pinakawalan bagkus ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa aking bewang. Kahit kailan talaga ito napaka-pilyo.

"Love, please," pagmamaka-awa niya. "I want you to feed me. Please."

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa kakulitan niya. At wala nang nagawa kung hindi ang tumango na lang. Hinalik-halikan nito ang aking leeg na dahilan upang hampasin ko ang kaniyang dibdib.

"Stop it, babe. Kumakain tayo behave," I warned him. He just let out a sexy chuckle. "Here kumain ka na."

Sinubuan ko na lang siya hanggang sa matapos kaming kumain dahil hindi niya ako hinayaang makatayo. Buong magdamag lang kaming nag-cuddle na parang hindi nagsasawa sa isa't-isa.

Nandito kami ngayon sa living room nanonood ng drama. Pareho kaming nakahiga ngunit siya ay nakahiga sa sofa habang ako ay yakap yakap niya na nakahiga sa katawan niya.

That Nerd Is A Legendary Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon