Wyatt's POV
"Sahara, love?" nagtatakang tanong ko sa aking girlfriend. Nakangiting tumango ito sa akin nang nakababad pa rin ang paningin sa cellphone. "Who is she? Is she, a she or a he?"
Hindi pa niya ako sinagot at isininyas ang kamay niyang nagpapahag ya sandali lang daw. Naghintay-hintay muna ako ngunit parang hindi ko na matiis.
"Love, nagsiselos na ako," nakasimangot kong maktol na nakapag-paangat ng kaniyang paningin sa akin.
Nang makita niya ako, agad na binuo ng halakhak ang buong kotse dahil sa tawa nito. Nagtatakang paningin ang aking ibinigay sa kaniya. Hay. Kahit saang anggulo, sobrang ganda talaga nitong babaeng ito.
"Aray!" daing ko ng kurutin niya ang pisngi ko.
"Ang cute cute talaga nang mahal ko," nakangiting usal niya. "Sarap mo talagang titigan, mahal ko."
"Love, unang-una sa lahat, hindi ako tuta para sabihan mo ng cute sus! Sa gwapo kong 'to?," masungit kong sambit, akmang magsasalita siya ng pinigilan ko siya. "Una sa pangalawa, are you pregnant already?"
Dahil sa tanong kong 'yon, agad na bumilog ang mga mata niya dahil sa gulat na ikinatawa ko naman.
"Stop laughing, mahal! Hindi magandang biro 'yon!" ramdam ko ang pagkapikon sa kaniyang boses ngunit ngumisi lang ako sa kaniya. "H'wag mo nga akong biruin ng ganoon! Mahal, I said stop laughing, stop smirking!"
Nais kong tumawa dahil sa ka-cute-an ng mukha niya ngunit ayokong magalit pa ng husto ang aking mahal para na ring maiiyak na siya, eh. "Okay, okay. I'm sorry, love."
"Sorry na, mahal," nakita kong tinalikuran niya ako at lumabas ng kotse.
Aish!!! Kakasagot pa nga lang LQ na kaagad. Kainis naman, oh!
Lumabas din ako ng kotse at tumatakbong sinundan siya.
"Mahal, I'm sorry please!" sigaw ko habang hinahabol siya.
"Che! Tumawa ka lang doon!" balik niya ring sigaw.
"Sorry na nga, mahal ko. Please! It's just that you're cute, and adorable."
Natigilan siya sa pagtakbo dahil sa narinig mula sa akin. Nilingon niya akong may ngiti sa labi. Hayst! Ang bilis talagang magbago ng mood ang bababeng 'to. Tinakbo ko na ang distansyang pumapagitan sa amin. Nang makalapit na ako ay wala na akong ginawa pa kundi ang yakapin at halikan siya sa noo.
"I'm sorry, okay?" medyo natatawang sambit ko pa ngunit pinipigilan kong mahimigan niya 'yon. "It's just that, I love seing you when you're mad."
"Ewan ko sa'yo," pasigaw niyang sambit ngunit agad ding yumakap sa akin at inamoy ang aking leeg. "Pumasok na tayo sa loob."
"Let's go."
Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng bahay nila. Bumungad sa amin ang malinis na sala ngunit walang tao.
"Ah, Ma'am, ang Mommy niyo po nasa kitchen," biglang sulpot ng katulong nila. "Kakain na po sila, dumiretso na lang po kayo roon."
"Sige, Manang, thank you!" sagot naman ng girlfriend ko.
Bago umalis si Manang ay napatingin ito sa kamay namin ni Ice na magkahawak. Agad na sumilay ang ngiti sa mga labi nitong umalis sa aming harapan. Napangiti na lang din ako dahil sa inasal niyang 'yon.
Nagsimula na kaming maglakad muli papasok sa kitchen nila Ice. Nakita namin doon si Tito at Tita gayon na rin si Spencer na naka-upo at handa nang kumain. Noong makita nila kami ay agad sila napatayo.
Dumako ang paningin ng tatlo sa kamay namin ni Ice na magkahawak at magkadikit na katawa. Sumilay ang ngiti sa mga labi ng Mom at Dad ni Ice habang ang mukha naman ni Spencer ay biglang nandilim at sumeryoso.
"What's the meaning of this?" magalak na tanong ni Tita.
Nahihiyang yumuko naman ang girlfriend ko dahilan upang humigpit ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay upang ipabatid sa kaniya na narito lang ako.
"M...mom, ka..kami na p..po n..ni Wa..Wyatt," naroon ang hiya sa boses ng aking mahal. Naiintindihan ko 'yon dahil babae siya at ito ang unang beses niyang magpakilala sa kaniyang mga magulang ng isang lalaki at boyfriend pa niya. "I..I hope yo..you're not mad at me?"
"Of course, we aren't, Princess," sagot naman ni Tito. Hinimas-himas ko ang likod ni Ice. "We also have an announcement to make, but, we have to talk first, young man."
Napalunok na lang ako ng dumapo sa akin ang mga maitim na mata ni Tito. "Ye...yes, Si..sir."
"Let's talk at the library," seryosong sambit ni Spencer at lumapit sa amin para halikan ang kapatid niya sa noo. "We'll talk later, Princess."
Nauna nang maglakad si Spencer sumunod naman si Tito kaya nilingon ko si Ice na nakatingin pala sa akin ng may pag-aalala. Nginitian ko siya at hinalikan ang mga kamay nila.
"Don't worry, okay? I love you," I sweetly said and for the last time hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya saka umalis.
"Saffron Ice's POV"
Umalis na si Wyatt at ako naman ay yumakap kay Mom na animo ay batang inaway sa kanto.
"Mom, Dad and Kuya won't do anything bad at Wyatt, right?" nag-aalala kong tanong. Knowing my brother? Strict pa 'yan sa Dad ko eh.
Mom gived me a relief smile. "Don't worry, Sweety, Daddy's not going to do anything bad to your boyfriend. Ganoon din ang Kuya mo. They just want to know if Wyatt is really serious with your relationship."
I felt a little relief but, I can't change the fact that nervous is still in my system. Nawala lang ang kabang nararamdaman ko noong may naalala ako.
"Mom?" patanong kong pagtawag ng pansin sa nanay kong umiinom ng tubig. Nilingon naman niya ako ng nagtatanong din. "May nabanggit si Dad kanina, ano ang i-a-announce niyo?"
"Hm, about that?" medyo may nagpipigil pa sa kaniya. "Just let your Dad tell his announcement. For now, pag-usapan muna natin kung paano mo sinagot si Wyatt."
"Mom, naman eh!"
"Bakit?" natatawang tanong niya. Alam kong inaasar lang ako ng baliw kong nanay. "Pero, paano mo siya sinagot, 'nak?"
"Uhm. Cake," nahihiyang sagot ko. Binigyan ako ng confuse look ni Mommy. "Bumili po ako ng cake na may caption. And that caption serves my answer to him."
"Talaga? So, what are his reaction?" Mom asked with glee. Sinimangotan ko lang siya. "Sige na, Anak. Tell Mommy na."
Ikwenento ko sa kaniya ang buong detalye at pagkatapos non ay napatakip ako sa aking taenga dahil sa lakas ng pagsigaw niya.
"Hon, what happened?" Tanong naman ni Daddy na nagmamadaling bumaba sa hagdan.
Agad na nilapitan ni Dad si Mom na nagsisigaw pa rin.
"Princess, what happened to your Mom?" nag-aalalang tanong ni Daddy sa akin.
Nginisihan ko si Daddy at natatawang hinawakan siya sa balikat. "Dad, kinikilig lang po si Mom."
Isang malakas na halakhakan ang narinig ko mula kay Kuya, Wyatt, at sa mga maids.
"FVCK!"
Naramdaman kong may yumakap mula sa aking likuran. Nilingon ko 'yon at nginitian.
"HAHAHAHAHHAHAHA!"

BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Legendary Gangster (Completed)
AltelePaano kung ang tahimik mong buhay ay bigla na lang na magbago? Magbago dahil sa isang sekretong magpapakilala sa'yo sa totoo mong pagkatao? Kakayanin mo ba? Magiging masaya ka ba? O, patuloy ka pa ring mamumuhay ayon sa iyong nakasanayan?