Chapter 46

132 7 0
                                    

"Saffron's POV"

Nagising ako dahil sa hindi maipaliwanag na ingay. Nang idilat ko ang aking mga mata, bumungad sa akin ang kaibigan ko't mga kaibigan ni Wyatt na nag-uusap.

"Kailan kaya gigising ang gagong 'to mula sa matagal-tagal na niyang paghihimbing?" parang tangang tanong ni Fulton sa kawalan.

"Aba malay namin," sagot naman ng pilosopong si Arrow. "Nurse ba kami? Doctor?"

"May sinabi ako, may sinabi?" pikong saad naman ni Fulton.

"Tama na nga 'yan!" sabat naman ng kaibigan ko. "Mamaya magising pa ang bestfriend ko dahil sa ingay niyo!"

"Anong mamaya, eh gising na nga, oh!" bulalas ni Fulton. Sabay-sabay silang lumingon sa akin. "Charan!"

"Magic," sabay na saad ni Fulton at Arrow kay Naya na animo'y clown ang mga ito.

Alam kong nakakatawa sila ngunit kahit anong pilit ko sa aking sarili, hindi pa rin ako makasabay sa sayang mayroon sila. Kahit anong gawin ko, ang hirap pa rin na iahon ang aking sarili sa kalungkutang bumabalot ngayon sa akin.

"Malungkot ka na naman," saad sa akin ni Naya na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin.

Maliit na nginitian ko lang siya at tinanaw ang kinahihigaan ng lalaking mahal na mahal ko.

"Hindi ko maiwasang hindi maging malungkot, Bes," naiiyak kong saad. "Parang ang daya naman ng mundo, iilang araw pa nga lang akong masaya sa piling ng opisyal kong kasintahan tapos ngayon walang labis ang kalungkutang nararamdaman ko dahil nakikita ko siyang nakahilata at tulog na tulog sa hospital bed na 'yan."

"H'wag ka nang malungkot, bes, magiging okay din si Wyatt. 'Yan pa, eh, malakas 'yan, eh," pagpapagaan nito sa aking loob. "Mga pagsubok lang 'yan sainyo. Magiging okay din ang lahat."

"Sana nga," malungkot kong saad.

Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa kama ni Wyatt.

Sobra akong naaawa dahil sa sitwasyon niya ngayon. Tama nga ang sabi nila, sa kabila ng saya may kaakibat na lungkot.

Love, when will you wake up? Nami-miss na kita. Miss na miss ko na ang yakap at halik mo. Ang mga pangungulit mo sa akin ay hinahanap-hanap ko na. Bumalik ka na sa akin, please.

Biglang nagsituluan ang mga luha ko. Sobrang nasasaktan ako dahil sa sitwasyon ko ngayon. Masakit na makitang ang taong mahal mo ay nakahilata na parang walang buhay.

Naramdaman ko na nag-vibrate ang aking cellphone. Tiningnan ko kung sino ang nag-text ngunit number lang ang naka-lagay. Agad kong binasa ang mensahe.

+63********
Hawak ko ang pamilya ng boyfriend mo. Pumunta ka ngayon dito sa *** kung gusto mo pa silang maligtas. Wala kang ibang dadalhin kung hindi ang sarili mo lamang.
-KM.

Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Dali-dali akong tumayo at walang paalam na dumiretso sa parking upang ihanda ang aking sarili sa laban na kahaharapin ko.

Km? Sino naman ang km na ito?

Sa pagkakatanda ko, wala akong kilalang KM na nakalaban ko. Wala rin akong atraso sa underworld na pangalan ay KM. Well, except kay Kraken.

Nanlamig ako habang nagmamaneho nang mapagtantong ang taong nilugmok ko, hindi lang ng pamilya ko. Kung hindi pati pamilya ni Wyatt. Si Kraken Minx, ang mahigpit na kalaban namin at alam kong matagal nang may nais na mapabagsak kami dahil nais niyang kuhanin ang posisyon ko sa pagiging legendary.

Hindi na ako nag-abala pang magpasama dahil baka kung ano pa ang mangyari sa pamilya ng taong mahal ko kung lalabagin ko ang utos ng punyateng kumuha da pamilya ni Wyatt.

Dahan-dahan akong tahimik na pumasok sa loob nang abandonadong hotel. Siniguro kong walang may makakaramdam sa aking pagpasok. Nilagyan ko rin ng silenser ang aking baril upang hindi maka-agaw ng atensyon.

Kaagad kong pinatumba ang mga bantay na narito sa harap. Malinis at walang iniwang bakas kong pinatay ang nga alagad ni Kraken. Nang masigurong naubos ko na lahat ng bantay na narito sa labas, kaagad kong hinanap ang kinaroroonan ng pamilya ni Wyatt.

Hindi nagtagal sa paghahanap, nakita ko ang pamilya ni Wyatt na nakagapos sa isang malaking poste. Kaagad ko silang nilapitan para sana ay tanggalan ng tali ngunit, biglang bumukas ang ilaw at nagulat ako nang makitang halos sobra pa yata sa sampu ang mga tauhan ni Kraken.

Rinig na rinig ang malakas na palakpak nito sa apat na sulok ng lugar. Mabilis akong gumalaw upang kalasin ang tali ni Tito Wright ngunit hindi pa man ako nangalahati ay sumigaw na si Kraken na nakapagpa-tigil sa akin.

"Subukan mong makalas ang tali niyang si Wright, Saffron, sisiguradohin kong mamamatay itong kaibigan mo," malakas na saad ni Kraken.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang hawak-hawak niya ang kaibigan kong si Naya. Labis na pagtataka ang bumalot sa akin dahil magkakasama lang sina Fulton at Quest sa hospital tapos ngayon, narito si Naya at hawak-hawak nila.

"Bitawan mo ang kaibigan ko!" sigaw ko sa kaniya.

Mala-demonyo itong tumawa. "Hindi ako gago para pakawalan lang ang babaeng magiging susi sa nais ko, Saffron."

"Ano ba ang nais mo?" galit kong saad.

Kunwari ay nag-iisip itong napapatingin pa sa kisame. "Simple lang naman, maging akin ang posisyon mo sa undeground, makuha ang kayaman ng pamilya mo, at, maninilbihan kayo sa akin bilang mga alagad ko."

"Nababaliw ka na, Kraken!" sigaw ko.

"Oo!"

"AH!"

Sabay na sumigaw si Kraken at Naya. Naalarma ako nang makitang mas idiniin niya ang pagkakatutok ng kaniyang baril kay Naya.

"Bitawan mo si Naya, Kraken!" muli kong sigaw.

"Bibitawan ko lang siya kung papayag ka sa nais ko at kung bibitawan mo rin ang baril mo," pagbibigay kondisyon nito.

Wala na akong iba pang pamimilian kung hindi ang pumayag sa gusto niya. Ayokong ipahamak ang aking kaibigan para lang hindi maisakripisyo ang titulong mayroon ako.

Dahan-dahan kong inilapag ang baril sa sahig.

"Bitawan mo na si Naya," saad ko sa kaniya.

Dahan-dahan din itong lumapit sa akin at nang makalapit, tinulak niya si Naya at ako naman ang mahigpit niyang hinawakan at tinutukan ng baril sa gilid.

"Sumama ka sa akin, pupunta tayo ngayon sa undeground para sabihin mo na sa kanila ang nais ko," bulong nito.

Hindi ako nagpakita ng emosyon bagkus ay sumama na lang ako. Narinig ko ang malalakas na sigaw ni Naya at ng pamilya ni Wyatt. Nang makarating kaming dalawa sa kung saan nag-pa-park ang kotse niya, siniguro ko muna na wala siyang tauhan. Pinasok niya ako sa kotse niya.

Ang tanga naman ng taong 'to. Mangunguha na lang ng tao hindi pa nagsama ng mga alagad. Hindi pa tinali ang kinidnape niya. Ang bobo.

Sinara niya na ang kotse at umikot sa kabila upang makapasok. Sobrang swerte ko rin yata ngayon dahil nakakita ako ng baril. Nang tiningnan ko ito ay may dalawang bala na lang ito. Kailangang maging matalino ako sa pagbaril sa kaniya.

Plano kong barilin siya sa dibdib kapag pumasok na siya sa loob ng kotse ngunit mukhang alam niya nang may baril ako kaya kaagad itong naka-ilag. Dali-dali naman akong lumabas sa kotse at minatyagan ang kaniyang galaw.

Nang makatyempo ako ay binaril ko ito sa bandang dibdib. At dahil wala na akong bala, kaagad akong tumakbo papasok sa loob upang tingnan ang lagay nina Naya ngunit bigla akong nakarinig ng putok ng baril at nakaramdam na parang may tumama sa aking likuran.

Hindi na ako nakatakbo dahil naramdaman ko na lang ang sarili kong bumagsak sa lupa.

That Nerd Is A Legendary Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon