"Naya's POV"
"Saffron!" sigaw ko nang makitang bumagsak ang aking kaibigan dahil sa pagkabaril ng gagong kasamahan nila sa underworld.
Napatingin sa akin ang bumaril at akmang babarilin sana ako nang naunhan na ito ni Kuya Spencer. Kaagad namang nilapitan ni Kuya si Saffron na duguan at wala nang malay na nakahiga sa simento.
Biglang may mga pulis at ambulance na dumating. Dinala kami nila sa hospital kung saan naka-confine ngayon si Wyatt na gising na kung saan namang nanganganib ang buhay ni Saffron.
Flashback
Nagtaka kami nang dali-daling umalis si Saffron. Akmang susundan ko siya ngunit pinigilan ako ni Quest.
"Hayaan muna natin siyang mapag-isa dahil sa problemang pinagdadaanan niya ngayon," saad nito.
Napatango na lang kami dahil tama ang kaniyang sinabi. Naghari ang katahimik sa amin dito sa loob ng silid ng walang kung anu-ano ay may nagsalita.
"Babe?"
Napatingin ako sa kama ni Wyatt nang mapagtantong siya pala 'yon. Lahat kami ay napatayo at lumapit sa kaniya.
"Nasaan si Saffron?" hanap nito sa kasintahan.
"Nasaan siya?" ulit nito.
"May pinuntahan lang siya saglit," nakangiting saad ko. May naisip akong ideya. "Susundan ko na lang siya at sasabihing gising ka na."
Tumango ito, lumakad naman ako papalabas nang maramdaman kong pinigilan ako ni Quest.
"Do you want me to come with you?" malambing na saad nito.
"H'wag na. Samahan mo na lang muna dyan ang mga kaibigan mo para makapag-usap din kayo," tanggi ko.
"Okay. Take care." Hinalikan ako nito sa noo bago binitawan.
Nagmamadali akong lumabas dala ang masayang balita para kay Saffron. Sasakay na sana ako nang elevator ng biglang may humila sa akin at tinakpan ako nang panyo kaya nawalan ako nang malay. Nagising na lang ako na hawak na ako ni Kraken.
End Of Flashback.
"Hey, are you okay?" nag-aalalang tanomg ni Quest. "May ginawa ba sila sa'yo? Tell me."
"Wala silang ginawa sa akin," saad ko naman sa kaniya. "Pero si Saffron, nabaril siya."
"I know," saad lang nito at iginaya ako.
"Alam na ba ni Wyatt?"
"Yeah. Nagbasag ito ng mga gamit kanina nang malamang napahamak ang girlfriend niya," saad lang nito.
"Kawawa naman."
Hindi ako nito sinagot at inaya papunta sa isang kwarto kung saan ipapa-check yata niya ako.
"Wyatt's POV"
Parang nandilim ang paningin ko nang malaman ang nangyari kay Saffron. Kung kailan namang gising na ako saka naman siya ino-operahan.
Nasa labas kami ngayon ng operating room para hintayin ang resulta ng kaniyang operasyon.
Hindi nagtagal, lumabas ang doktor mula sa operating room. Hirap na hirap akong tinulak ang wheelchair ko para lamang marinig ang kaniyang sasabihin.
"Mr. and Misis. Underson, stable na po ang pasyente," nakangiting saad ng doktor na nagbigay sa akin ng maluwag na hininga. "Hintayin na lang po natin siyang magising."
"Thank you, Doc," anang ina ni Saffron.
"Thank god!" bulalas ko.
"Wyatt?" rinig ko ang boses ni Mommy na mukhang takot na tamot at kinakabahan. "Anak, are you okay? Is Saffron okay?"
Nilingon ko siya at binigyan ng magandang ngiti. Kaagad ko siyang inamba ng yakap nang makalapit na ito sa akin.
Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng aking luha habng yumayakap sa kaniya.
"Thank God she's fine, Mom," punong puno ng damdamin kong saad. "He answered my prayers. He made my love back to me."
Pinatahan ako ni Mommy. I looked like a crying baby but I don't care. I love my Saffron so much. I don't know what I'm going to do if something bad happens to her just because of me.
"Anak, you rest first," malambing na sambit ni Mama. "You need to gain strenght para kapag nagising na si Saffron, matutuwa siyang gising ka na."
"No," pagmamatigas ko. "Gusto kong ako ang una niyang makita kapag nagising siya. Gusto ko siyang bantayan."
"But, anak, you need rest. Hindi pa kay ng katawan mo," nag-aalalang sambit ni Mommy.
"Your Mom's right, hijo," segunda naman ni Tita Sandra, mommy ni Saffron. "Don't worry, we'll make sure that when my saffron wakes up, you're the first one she will see."
Bigla naman akong nabuo ng sobrang galak sa dahil sa sinabi niya. Para akong nanalo sa lotto. I really miss my Saffron so much. All I want now is to hug her tight.
"Tara na po sa kwarto ko, Mom," mahinang saad ko.
Nakita kong ngumiti si Mommy at naramdaman ko na lang ang mahinang paghaplos nito sa aking mga balikat.
"Take a sleep, anak," nakangiting saad ni Mama. "Bukas kapag okay na ang sugat mo, you can walk na."
Nginitian ko lang siya at ipinikit na ang aking mga mata. Sobrang saya ko ngayon dahil alam kong hindi na nasapanganib ang buhay ng aking pinakamamahal.
Sabik na sabik akong makitang muli abg maganda niyang mukha, ang ngiti niya na nakakapag-ayos ng aking araw. Ang mga tawa niya na sobrang sarap pakinggan.
My Saffron. I will cherish you everyday.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Legendary Gangster (Completed)
RandomPaano kung ang tahimik mong buhay ay bigla na lang na magbago? Magbago dahil sa isang sekretong magpapakilala sa'yo sa totoo mong pagkatao? Kakayanin mo ba? Magiging masaya ka ba? O, patuloy ka pa ring mamumuhay ayon sa iyong nakasanayan?