Chapter 01

132 1 0
                                    

Safe.


Hinahabol ko ang hininga nang aking kuhanin ang tumbler mula sa bag. Mabilis akong naupo sa field at agad uminom ng tubig. Naubos ko iyon dahil sa uhaw at pagod. Kakatapos lang ng practice namin para sa cheerleading. Palapit na rin kasi ang intrams.

Isinara ko ang tumbler at tumingin sa itaas. Nag aagaw dilim at liwanang na ang kalangitan. Sobrang ganda ng langit dahil iba't iba ang kulay. It looks like a painting. The color blue, orange, red, and violet are blended with each other so well. Iyon nga lang, medyo masakit sa mata ang sinag ng araw.

Staring at the sun hurts a little.

"Lys, uuwi ka na?" Tanong ni Mia at naupo sa tabi ko.

Kinuha ko ang bag at inilagay sa gilid ang aking tumbler.

"Yes, why?" Tanong ko sa kaniya pabalik nang hindi inaalis sa kalangitan ang mga mata.

I don't know why I am always fascinated with the heavenly bodies. Especially the Sol. I am captivated about the story about how the Sun loved the Moon that it died every night just to let Luna breathe and shine in its own darkness.

But I want to know how the Moon feels when it found out about what the Sun did. Did it get mad, that's why blood moon happens?

Is the Moon bleeding?

I am just happy that eclipse happen. Kahit hindi pwedeng maging sila, they can still have their closure, kahit sandali lang, maalala nila ang kanilang naging storya. I wonder if the sun is asking for forgiveness when solar eclipse is happening. Knowing Sol, the answer is yes.

Huminga ako nang malalim at ngumiti nang tuluyan nang nilamon ng dilim ang nagbabagang araw. Hindi ko namalayan na tumagal na pala ang panonood ko sa araw.

"Kasi dadaan kami nila Leona sa Jollibee bago umuwi. We'll have dinner there. Baka gusto mong sumama?" Mia asked again after a long silence, she joined me on watching the burning Sol.

"Hmm..."

I was about to answer her when I saw Rialla, my sister, walking towards where I am. Tumayo ako at pinagpag ang damit. Tumingin ako kay Mia. She's watching me too.

"Next time na lang siguro, Mia. My sister is here," sabi ko kay Mia.

Tumango siya at nilingon din ang kapatid ko.

"Ate, are you done with your practice na? Can you sama me sa gym?" Rialla asked.

"Bakit?" Tanong ko kahit papayag naman ako kaagad.

Isinukbit ko na ang bag. Pagdating talaga sa kapatid ko ay hindi ko kayang tumanggi, ayaw ko rin naman.

Pinanood ako ni Rialla sa ginagawa. "Kasi Ty and I will study at their house. Hindi pa sila tapos sa training nila kaya doon ko na lang hihintayin sa gym. Okay lang, Ate? Wala kasi akong kasama, my friends went to a coffee shop. Sabi ko hindi ako sasama kasi nga pupunta ako sa bahay nila Tyler."

Tumango ako at hindi pa nakaka-pagpaalam sa mga kasama, hinila na agad ako ng kapatid. Kumaway na lang tuloy ako sa kanila. Ngumiti si Yvette at may kasama pang flying kiss. Ngumiti lang ako at sumunod na sa kapatid.

Doon kami sa maliit na gate sa gilid ng field dumaan papasok ng school.

"Rialla, slow down, your heart!" I reminded her, but she just laughed at me and still continued running.

Madilim na ngunit medyo marami pa rin ang tao sa school, halos lahat ay players dahil nalalapit na ang Intramurals. May mga klase rin ng gabi ang iba.

Pagpasok namin sa school gymnasium, medyo maraming tao na nanonood ng training ng basketball team. Halos lahat ay babae, napuno ng sigawan at tilian ang buong gym. May mga sumisigaw, pumapalakpak, at isinisigaw ang pangalan ng mga players.

The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon