Chapter 43

25 0 0
                                    

And that is where it hits me.


"Iyon din pala 'yung isang bagay na gusto kong sabihin sa'yo, Daneliyah. Your family is in Spain. Inoperahan na si Rialla."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang mga salita na iyon. Ibinuka ko ang bibig ngunit walang salitang lumalabas.

"No, no. You're kidding me," tanging nasabi ko.

Gusto ni Rialla na operahan siya pagkatapos ng graduation niya. Iba't-ibang doctor na ang nagsabi sa amin na hindi sigurado kung magiging successful ang operation ni Rialla, fifty-fifty kumabaga, kalahati ang tsansiya na mabubuhay siya pagkatapos ng operation at fifty percent din ang hindi kaya naman mas gusto niya na muna na tapusin ang pag-aaral. She wants to achieve her dream first.

Pinagbigyan naming siya dahil hindi namin alam kung iyon na ang huling hiling niya. Masakit man isipin pero posibleng mangyari.

Kilala ko si Rialla, she commits to promise so much. Masyadong importante para sa kaniya ang salitang pangako kaya naman palagi ko na sinasabi sa kaniya na mangako sa akin na magpagaling siya. Para naman may kakapitan ako. Doon din nabuo ang pangako ko na lilibutin namin ang buong mundo.

"Bakit sa Spain, Rust? Nasa France ang doctor ni Rialla!" I panicked.

"Her doctor scammed your family. Doon namin siya unang dinala pero wala doon ang putanginang doctor na 'yon. He fucking ran away with your money. Mama's sister is a doctor and her husband is a surgeon. Dinala na namin siya sa Spain para maoperahan kaagad."

"You went with them?" Tanong ko sa mahinang boses.

Maraming talagang tanong ang nabuo sa isip ko. Nangako pa man din ako na sasamahan ko siya sa operasiyon niya at hindi ko iiwan.

"I want to make sure your sister is fine. Your Papa and Mama are panicking too that time, they can't think straight kaya alam ko na kailangan nila ng tulong."

"How is Rialla now?" Natatakot ako sa magiging sagot niya.

My heart is pounding so much. I am pinching my hand while waiting for his answer. His eyes went down to my hands. Hinawakan niya iyon para patigilin ako.

"She's fine. She resting now," he answered.

"What do you mean by resting?! Rust, ayusin mo naman 'yang sagot mo!" Galit na sabi ko.

Nagulat siya sa pagtaas ko ng boses. Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili. He kissed my hand and caressed it.

"I'm sorry. Calm down, love. Tita said that Rialla's heartbeat went flat twice, but she's fighting. Successful ang operation ni Rialla, my love. Nagpapahinga siya ngayon para makabawi siya ng lakas," mahinahon na aniya.

Nakahinga ako ng maluwag. Tumango ako at natahimik na.

Inilabas ko lahat ng damit at maayos na tiniklop ang mga iyon. Kinuha ko ang maleta sa ilalim ng kama at pinagkasya doon ang mga damit. Kaunti lang din naman ang damit ko kaya kasyang-kasya silang lahat.

I made my decision. I will swallow my pride and go to Spain. I want to see Rialla. I want to see my family. Kahit na wala pa akong nararating. Kahit na kung ano pa ang sabihin ni Papa sa akin, I will accept it. I don't really care about that anymore.

Binuksan ko ang laptop na hiniram kay Nyx. I borrowed it earlier, but didn't tell her the reason. I made my resignation letter. Gustong-gusto ko ang trabaho ko sa coffee shop kaso nga lang ay hindi ko alam kung kalian ako makakabalik. I will stay there until Rialla will get better, I am so sure. Kaya mas mabuti nang magpaalam na ako. At para na rin magaroon ang iba ng tsansa na makapag trabaho sa coffee shop kasi alam ko maraming naga-apply.

The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon