Chapter 08

69 1 0
                                    

Hidden Wild Mariposas.


Tumakbo ako papalayo doon. Narinig ko ang sigaw ni Mia ngunit hindi ako lumingon. Unang lugar na pumasok sa isip ko ay ang garden ng school kaya doon ako nagpunta. Walang tao dahil wala nga naming pasok ngayon.

Pinilit ko na pakalmahin ang sarili. Kaibigan ang turing ko sa kanila at kaibigan lang. Kahit kailan ay hindi ako nakaramdam ng inggit sa kung ano man ang mayroon sila. Matutuwa pa nga ako para sa kanila. I'm not angry with what they said, disappointed, yes, because they are my friends then they were able to say such things to me.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang sariling luha. Inilabas ko ang sketchbook at nagsimulang gumuhit. Drawing calms me for some reason.

"What are you feeling now, Daneliyah? Are you okay? Gusto mo ng kausap o gusto mo lang ng katahimikan?"

Nagulat ako nang biglang naupo Rust sa aking tabi. Ibinaba niya ang packed lunch sa lamesa rito sa kubo at itinulak iyon palapit sa akin. Sinulyapan niya ang ginagawa ko at nang magtama ang mga mata namin ay ako ang unang umiwas. Ipinagpatuloy ko ang pag guhit.

Itinagilid ko ang sketchbook upang tignan kung ano ang kulang. I added details like darker shades and the rays of the sun that I am sketching.

"Bakit ka nga pala nandito, Rust?" tanong ko dahil naiingayan ako sa sobrang tahimik naming dalawa.

"To check on you. Narinig ko lahat ng nangyari kanina sa gym. Ayos ka lang ba?" marahan na tanong niya.

Ngumuso ako at binitawan ang lapis. Lumingon ako kay Rust. Mapupungay ang kaniyang mga mata. Hindi ko maintindihan pero bakit parang sa kaniya ay hindi ko kayang magsinungaling.

"Hindi," sagot ko at ngumiti. Tumango si Rust.

"I'm not pressuring you, hindi ka naman force per unit area, pero kung gusto mong mag-kwento, makikinig ako. You can be the radio and I will listen to you, nonstop." Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil hindi ko rin alam kung joke ba ang sinabi ni Rust ngunit hindi ko napigilan ang sarili na ngumiti.

"Ang corny mo talaga. Pinaglihi ka ba sa mais?" I joked too. Humalakhak si Rust.

"Ikaw din naman. Kaya para sa'kin bagay tayong dalawa, eh," aniya.

"Tao tayo, Rust."

"Baka makalusot ulit, ganoon. Ito naman, nagbibiruan nga tayong dalawa rito, Daneliyah, ganoon kasi ang bonding," biro ni Rust. Ngumuso ako upang pigilan ang sarili na ngumiti. Hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang guminhawa ang aking pakiramdam sa biro ni Rust, "Pero seryoso, Daneliyah, you can share what you're feeling to me, I will listen."

Huminga ako ng malalim. Sinimulan ko na ikwento sa kaniya lahat ng nangyari at kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Nakikinig lang si Rust at kung minsan ay tumatango rin. I felt comfortable and safe with being vulnerable while sharing my emotions to him, which I don't understand why.

"Your feelings are valid, Daneliyah, they're you're friends so it is fine to feel disappointed. It's very normal to not feel okay sometimes," he said softly.

Something heavy in me lifted.

"Thank you for listening to me, Rust," I smiled.

"You're welcome," he smiled back, "By the way, how's your sister?"

"She's fine now. Maagang nagpunta kanina sa bahay si Tyler," pagkwento ko at itinuloy ang ginuguhit. Tumango si Rust sa akin at pinanood ako sa ginagawa.

"I noticed that you love the sun so much," aniya.

"Paano mo naman nasabi?" Hinawakan ko ang aking kwintas nang tignan iyon ni Rust. Rialla gave this to me so I will never take it off.

The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon