You'll Be Safe Here.
"Pwede po akong sumali sa laro niyo, Kuya Rade?" Inosenteng tanong ni Gabriel.
Nagulat ako doon. Humalakhak si Rust at mabilis na umiling. Binuhat niya ang bata at hinalikan iyon sa pisngi. Ipinagpatuloy ko ang paghuhugas ng plato habang si Rust ay ipinapaliwanag kay Gabriel na hindi siya pwedeng sumali sa mga 'laro' na ganoon.
Tumango naman ang bata na tila naiintindihan ang sinabi ni Rust.
"But we'll play basketball later. Bago kami umuwi," si Rust.
"Uuwi na kayo mamaya, Kuya Rade? Pwede ba 'wag po muna kayo umuwi?" Malungkot na tanong ni Gabriel at tumingin sa akin. Nagmamaka-awa ang kaniyang mga mata. Hindi ko sinalubong ang kaniyang tingin dahil hindi ko kaya, "Kailan kayo ulit babalik dito?"
"Hindi ko lang sigurado, baby. Magiging busy na kami sa school ulit ni Ate Kalsyta. Pero pangako, pag may oras ako, dadalaw ulit ako rito. Maglalaro tayo ng mas matagal," marahan na sabi ni Rust.
"Sasama ka po ulit, Ate Kalsyta?" Gabriel asked, his voice was hopeful.
"Magpapaalam ako, Gabriel. Pag pinayagan ulit, sasama ako pabalik. Pangako," nakangiti na sabi ko.
Kagat-kagat ang daliri na tumango si Gabriel, sumandal siya sa dibdib ni Rust. Sa gilid ng kaniyang mga mata ay mayroong luha.
Rust's plan was for us to go to his relative's house on his father's side. Pumayag ako na sasama para suportahan din siya. Ramdam ko na kinakabahan si Rust nang huminto ang kotse sa tapat ng isang malaking gate. Bumusina siya at mayroong lumabas na guwardiya. Ibinaba ni Rust ang bintana ng kotse.
"Kuya Alejandro, kamusta?" Rust asked the guard.
"Rust! Ikaw ba 'yan? Ang laki mo na. Buti at nakapunta ka ulit dito," gulat na gulat na sabi ng guwardiya, "Ayos lang ako. Maayos naman ang buhay. Hala! Hindi talaga ako makapaniwala na makikita ulit kita. Ang bata mo pa noong huling punta mo rito."
Sumandal si Rust sa kotse.
"Si Kalsyta, girlfriend ko nga pala, Kuya Alejandro," Rust introduced me to the guard. Ngumiti ako nang tumingin siya sa akin.
"Oh? May girlfriend ka na pala, Rust. Hello, Kalysta," magiliw na kumaway sa akin ang guwardiya.
"Hello po!"
"Nandiyan po ba si Frederick sa loob, Kuya Alejandro?" Tanong ni Rust.
"Ah, oo. Nandito si Sir. Madalang na nga lang na lumabas ng bahay si Sir Frederick, eh. Pasok kayo! Pasok kayo! Baka nandoon iyon sa swimming pool. Mahilig tumambay roon si Sir lalo na tuwing umaga o hapon, doon umiinom ng kape."
"Salamat po, Kuya."
Kuya Alejandro nodded. The gate opened when the guard pressed a remote. Namangha ako nang bumukas ang gate at tumambad sa akin malaking mansion sa gitna ng malawak na garden. Sa gilid lang ng mansion ang malawak na swimming pool. Tumitig ako sa may katandaan na lalaki. Nakaupo ito sa upuan na nasa ilalim ng malaking puno ng acacia.
My lips parted when I recognized the old man. He's Frederick Suarez. He was the vocalist of a famous rock band then. Puti na ang kaniyang mga buhok. Noong huling kita ko sa kaniya sa t.v. ay malakas pa ito ngunit ngayon ay mayroon ng dalawang nurse na umaalalay.
Malakas na bumuntong-hininga si Rust. Alam ko na kanina pa siya kinakabahan. I hold his hand and caressed it. Hinalikan niya ang likod ng aking palad.
BINABASA MO ANG
The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)
RomanceKalsyta Daneliyah, she is the most beautiful rose. Aphrodite really took her time on her. Sobrang ganda. Sobrang perpekto. Kung tatanungin kung anong depinisyon ng maganda para sa akin, siya ang lalabas sa bibig ko. Kung tatanungin kung ano ang kahu...