Chapter 16

54 1 0
                                    

Ursa Major.


Mantén tus tacones, cabeza y estándares altos. Melendez, La Familia.

Kumunot ang aking noo nang mabasa iyon sa isang malaki at kahoy na gate. The gate opened on its own. Nang pumasok kami, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa paligid dahil sa sobrang ganda. Sobrang daming halaman at sa gitna ng garden ay mayroong fountain. Sa hindi kalayuan ay mayroong garden house na ang pangunahing materyales ay kahoy. Ngayon ko lang napansin na ang pader ng gate ay ginagapangan ng halaman ngunit mukha pa rin na malinis iyon.

"Nasaan tayo?" Tanong ko kay Rust. Nauna siyang bumaba ng sakyan. Sumunod ako at naiwan ang tatlo sa sasakyan.

"Our house," sagot ni Rust.

Nagulat ako at tumango-tango. Sumulyap ako sa disenyo ng bahay at namangha dahil sa ganda nito. The architectural design of the mansion is surely Spanish Mediterranean. Ang pintura ay malinis na puti at ang nagpapakulay lang ang mga halaman.

"We'll go now, balik na lang kami mamaya," paalam ni Ethan. Ngumiti ako at tumango. Hinila ako ni Rust paatras nang bumusina ang sasakyan dahil aandar na pala ito.

"Doon na lang tayo sa backyard gumawa, nandoon kasi iyong stall. Papatayin din tayo ni Mamá kung masisira 'yung mga halaman dito. Okay lang ba?" Tanong muli ni Rust sa akin nang wala na sa aming paningin ang sasakyan.

Lumingon ako sa kaniya, "Oo naman."

"This way, amor," aniya at itinuro ang daan.

Sumunod ako sa kaniya. I was amazed when the automatic front door opened. It revealed the grand imperial staircase. Hindi ko mapigilan na hindi mamangha. I parted my lips as my eyes roamed around the living room. The theme color scheme was mainly black and gold. Maingat ang aking galaw habang sinusundan si Rust. Nakakatakot dahil sobrang daming babasagin sa palagid. Halatang mamahalin ang mga prorera. I can recognized that the flower inside the vase was juliet rose.

Kumunot ang aking noo nang mayroong mapansin.

"Bakit walang tao, Rust?" I asked him. Kahit ang echo ay tunog mamahalin.

Binuksan niya ang pinto papunta sa sinasabing backyard. Unang mapapansin doon ang malaki na swimming pool, sa gilid ay mayroong jacuzzi. Hinila ni Rust ang upuan at sinenyasan ako na umupo doon. Inilapag niya ang aking bag sa lamesa. Naupo si Rust sa tabi ko at humarap sa akin.

"This is actually Papá's house, pero sa Espanya nakatira si Mama at hindi maiwan ni Papa. Walang magbabantay at sakto na uuwi naman ako sa Pilipinas. He just gave this house to me. Walang tao dahil nasa Espanya silang lahat. Iyong mga kasambahay naman, pumupunta lang dito para maglinis. May mga gwardya pero minsan ko lang nakikita dahil paikot-ikot sa buong bahay," he answered my question.

Parang saglit na nawala ang aking pandinig dahil sa sagot niya. I know they're rich, but I never knew that this rich. Inikot ko muli ang mga mata sa paligid. Sobrang tahimik, ang tanging maririnig lang ay ang fountain sa swimming pool. Sa tapat ng aming inuupuan ay may fireplace.

"You live here alone? You don't feel lonely sometimes?" Tanong ko sa kaniya dahil sobrang laki ng bahay.

"I feel lonely sometimes, yes. Kaya nga laging nandito sila Riley. Lalo na si Nathan, dito na nakatira iyong lalaki na 'yon kung hindi niya kasama si Angel." Nailang ako nang hindi inaalis ni Rust sa akin ang tingin habang pinapanood ako na inilalabas ang mga gamit sa pagpipinta.

"Speaking of Angel, magkaibigan kayo? You knew her before me?" Tanong ko.

Hinawakan ni Rust ang canvas at tinitigan iyon. Ang pangalan ng aming stall ay isinulat ko sa gitna. Ang paligid ay nilagyan ko ng disenyo na medyo hawig sa field ng school ngunit hindi pa tapos. Ang menu ay hindi doon nakalagay, nagdesisyon kami na printed na lang at si Rust ang bahala doon.

The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon