Chapter 44

31 1 0
                                    

Closure.


"Love, mauna ka nang maligo so you can rest na. Ako na ang mag aayos ng gamit mo."

Binuksan ni Rust ang maleta ko at maayos niyang inilalagay iyon sa cabinet. Naupo ako sa kama at pinanood siya. Natawa ako nang biglang namula ang mukha ni Rust nang iyong mga underwear ko na ang inaayos niya.

"You know what, Rust, a rustic wedding by the beach is a good idea. Dried flowers, sunset..." I opened the topic.

Nagulat siya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya sa panty ko na hawak niya. Kung bibitawan niya ba iyon, kung ilalagay sa cabinet, o baka naman maisuot niya. Sa huli ay nahulog na lang iyon sa kamay niya.

Tumakbo si Rust papunta sa akin. Tumalon-talon siya at biglang lumuhod sa harap ko, sa sahig. He held my hand. Hinalikan niya ang likod ng aking palad.

"What did you say?" Pumiyok siya sa huling salita. Kumintab ang kaniyang mga mata, kung hindi ako nagkakamali ay luha iyon.

"Kailan tayo magsisimulang mag plano para sa kasal natin?" Iniba ko ang mga salita ngunit pareho lamang ang ibig sabihin.

"Fuck. Damn. Ngayon, amor, we can start now. Kung gusto mo nga ngayon na tayo ikasal. Do you, Rust, take Daneliyah to be your lawfully wedded wife? I do, father. I do! I do! I do!" Excited na sabi niya at parang nag-i imagine na ang mukha.

"I love you, Rust," malambing na sabi ko.

"Holy..." Tumayo siya at siniil ako ng halik, "I love you. I love you so much."

Bumagsak kaming tuluyan sa kama. He went on top of me. Mabilis niyang tinanggal ang pagkakasara ng aking polo. He groaned when I tried to pull his shirt up. Siya na mismo ang naghubad. His kisses went to my neck, then to my chest. Nag-iiwan siya ng mga marka doon. My mind is too cloudy to stop him.

Rust skillfully removed my pants. I bit my lips when his hand went there. Nakatitig lang siya sa akin habang ako ay hindi na malaman ang gagawin. I closed my eyes and let go a soft moan.

"No, open your eyes, my love. Look at me."

Binuksan ko ang aking mga mata at agad kaming nagkatinginan. My body shook because of the strong sensation. Rust kissed me while whispering his I love you's to me.

Pagod na pagod akong nahiga sa kama. Bumagsak din si Rust sa aking tabi nang matapos kaming dalawa. Mabilis niyang ipinalupot ang braso sa akin.

"Come closer, my love." Hinila ako palapit ni Rust sa kaniya.

Ginawa kong unan ang kaniyang braso. Rust showered me with kisses on my forehead. Ipinikit ko ang mga mata. Inaantok na ako ngunit hindi ko kayang matulog dahil nararamdaman ko ang lagkit ng katawan. Pawis na pawis kaming dalawa.

"Let us sleep, mahal. Para makapagpahinga ka na talaga. Masyado yata kitang napagod. Hmm?" Medyo natatawa na sabi ni Rust.

"We did it three times. Hindi siguro, Rust." Tumawa siya. Dumilat ako at tumingala sa kaniya. Lumambot ang ekspresyon ng kaniyang mga mata, "Let's take a shower. Hindi ako makakatulog nang hindi naliligo."

"Sabay tayo?" Nangingiti na tanong niya.

"Ayaw mo ba?"

Mabilis siyang tumayo. Hindi muna kami tuluyang naligo. He opened the tub spout while I am the one who put the bath bomb. Siya ang nanunang nagpunta sa bathtub at inalalayan niya ako paupo. Niyakap niya ako sa likod.

The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon