(the universities/schools mentioned are all fictional)
Invite.
Nagulat ako sa kaniyang inamin. Nakita ko ang kaunting luha sa gilid ng mga mata ni Iris. Hindi ako makapaniwala dahil hindi ko iyon napapansin kahit halos araw-araw kaming magkakasama.
"Dahil lang sa lalaki, Iris?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Pinunasan ni Iris ang kaniyang tumutulong luha na ngayon. Lumapit ako para patahanin siya ngunit mas lalo lang siyang umiyak. Kumunot ang aking noo.
"I know, Lys, pero parang ang unfair kasi. Naiinggit ako sa'yo dahil kahit wala kang ginagawa, ang dali para sa mga tao na magustuhan ka," umiiyak na sabi ni Iris. Hindi kayang i-proseso ng aking isip ang kaniyang sinabi.
"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, Iris," ako.
She wiped her own tears but tears formed in her eyes after a second.
"Kalsyta, hindi mo ba napapansin na kahit maglakad ka lang naman, lahat ng tao napapatingin sa'yo. Na kahit wala kang gawin, lahat ng tao sa paligid mo, nasayo ang atensiyon. Maganda ka, sobra. Mabait ka, hindi marunong magalit. Tangina, naiinggit ako sa'yo. I also want to hear from my parents that they are proud of me. Ngunit kahit anong gawin ko na pag-aaral, kahit anong basahin ko na libro, kahit anong oras pa akong matapos sa pagre-review, nananatili pa rin akong bobo."
"Iris! Huwag mong sabihin 'yan!"
She broked down. I can hear the pain in her voice that it gave chills all over my body.
"Iyon ang totoo! Kaya nga siguro nagustuhan ko si Warren dahil lahat ng gusto kong marinig mula sa aking mga magulang ay sa kaniya sinasabi ng mga ito. I've always admired him for being the person that my parents want. Gusto ko lang naman na marinig na proud sila sa akin. Gusto ko lang naman na maramdaman na anak nila ako. Na 'pag may sakit ako, gusto ko nandiyan sila para alagaan ako. Iyon lang naman. Putangina, anong gagawin ko sa mga mamahaling damit at bag?!"
Naiintindihan ko si Iris, sobra. Tulad niya na ikinukumpara ang sarili sa akin, hindi ko rin mapigilan na ikumpara ang ang sarili sa aking kapatid. Tuwing birthday niya ay nandiyan sila Mama at Papa para i-celebrate namin ngunit sa aking kaarawan ay lagi silang busy. They always check on my sister, but they never ask how I am. Ilang beses na akong sumali sa mga singing contest at karamihan ay nanalo naman ngunit ang napapansin pa rin ni Papa ay ang aking pagkatalo. Sumasali rin ang dance troupe sa mga contest dito sa probinsiya ngunit hindi natutuwa si Papa, aniya ay abala lamang daw iyon sa aking pag-aaral.
Ang hirap maging panganay dahil nasaiyo ang pressure. Kung hindi natupad ng mga magulang ang kanilang pangarap ay sa'yo ipapasa at wala kang karapatan na mamili ng sariling pangrap. And if they are successful, then you need to surpass their success.
I hugged Irs so tight. I know exactly what she is feeling right now.
I just hope that the mindset of some parents that sees their child as an investment and never their child will change. It pressures the child, then they will blame them for having a mental health issue. Mayroon pa nga akong nakikita sa social media na isinusumbat sa anak na pinapakain at pinag-aaral ito ngunit hindi ba ay responsibilidad naman iyon ng magulang? Pinili nila na maging magulang ngunit kahit kalian ay hindi pinili ng kanilang anak na isilang.
"Sorry talaga, Kalsyta. I'm really sorry," bulong ni Iris.
"Okay lang, Iris, naiintindihan ko ang nararamdaman mo," I tried to sound a bit cheerful.
"Pero iyong napatid ka sa akin kanina, hindi ko talaga sinasadya iyon. Pangako! Akala ko kasi ay nakatakbo ka na kaya pupunta na rin sana ako sa aking susunod na pwesto. Hindi ko nakita na nandoon ka pa pala," paliwanag ni Iris.
BINABASA MO ANG
The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)
RomanceKalsyta Daneliyah, she is the most beautiful rose. Aphrodite really took her time on her. Sobrang ganda. Sobrang perpekto. Kung tatanungin kung anong depinisyon ng maganda para sa akin, siya ang lalabas sa bibig ko. Kung tatanungin kung ano ang kahu...