Kiss the Bride. (Rust's pov)
"Ma, Pa, hello po. Kamusta? Pasenisya na po at ngayon lang ulit nakadalaw. Masyado po na naging busy." Naupo ako sa tabi ng puntod ng aking mga magulang at tinanggal ang mga tuyong dahon na nakakalat doon.
Daneliyah sat beside me too. Sinindihan niya ang dalawang kandila.
"Mama, Papa, kasal na po kami ni Rust." Hinawakan ng aking asawa ang kamay ko at ipinakita ang aming singsing.
Ngumiti ako. I snaked my arm around his waist. Lumapit pa ako lalo sa kaniya.
"Sunshine Hiraya, come here, anak. Put the flowers here," I called our sweet little angel.
"H-here po ba, daddy?" Medyo nahihirapan pa na sabi niya at itinuro ang itinuro ko rin kanina.
Tumango ako at kinandong siya. Hindi ko mapigilan na ngumiti habang pinapanood ang dalawang babae na pinakamamahal ko sa buhay. Tinutulungan ni Daneliyah ang aming munting prinsesa na ilagay ang dalawang basket ng bulaklak sa puntod nila Mama at Papa.
"Hello, Lolo and Lola!" Magiliw na sabi ng anak namin at mabagal na binasa ang pangalan ng aking mga magulang.
"Ma, Pa, dalawin niyo raw po si Sunshine mamaya," biro ko at tumawa.
Mabilis na umiling-iling ang aming anak. Lumingon siya sa akin at mahinang kinurot ang pisngi ko.
"No, I am scared! Mommy, si Daddy, oh!" Pagsusumbong niya kay Daneliyah.
"Rust, 'wag, isa," saway ng aking asawa at pinanlakihan ako ng mata.
Itinikom ko ang bibig at hindi na nagsalita pa. Pagdating sa kaniya, tiklop ako, e. Nawawala ang angas ko.
Hanggang ngayon mga ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala kung paano naging sa akin ang sobrang ganda na babae na katabi ko ngayon, at hindi lang iyon, ikakasal pa siya sa akin, papakasalan niya pa ako. Sobrang swerte ko naman. At mayroon na rin kaming munting anghel.
"May problema ba? Ayaw mo pang umuwi, amor? Pwede naman tayong magtagal ng ilang minuto pa," sabi ko nang binuksan ko ang sasakyan ngunit hindi siya pumasok. Nangingiti lang si Daneliyah habang nakatingin sa akin.
"Hindi... Anong araw ngayon, Rust?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko.
"November one. Today's Halloween, Daneliyah. We're literally wearing a costume," sagot ko. Puro dugo ang damit namin, galing kami sa Halloween party, tapos itatanong niya kung anong araw ngayon. Hindi naman siya uminom pero parang may tama.
"You want this day to be our anniversary, love?" She asked in her sweet voice.
November one, before the clock strikes twelve, naging girlfriend ko ang pinakamagandang babae sa mundo.
Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung bakit.
At ngayon, hindi ko na lang siya girlfriend, magiging asawa ko pa, magiging asawa ko na.
Today is my birthday. Ngayong araw din ang kasal namin ni Daneliyah. Grabe, ito na siguro ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko, ang ikasal sa kaniya.
Ang sabi niya ay ito ang pinili niya na araw ng aming kasal para raw ay mapalitan ang memorya ng masakit na pagkawala ng aking mga magulang. Gusto niya na sa tuwing naalala ko ang birthday ko ay hindi na ako nasasaktan, bagkus ay ang kasal naming dalawa ang naalala ko.
Hindi naman gusto niyang tanggalin ang aking mga magulang sa ala-ala ko, she just want to change that very painful memory of mine.
And I know that she respects my parents very much, she requested the organizer to put two vacant seats for my parents.
BINABASA MO ANG
The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)
RomanceKalsyta Daneliyah, she is the most beautiful rose. Aphrodite really took her time on her. Sobrang ganda. Sobrang perpekto. Kung tatanungin kung anong depinisyon ng maganda para sa akin, siya ang lalabas sa bibig ko. Kung tatanungin kung ano ang kahu...