Chapter 40

35 2 0
                                    

Sa'yo.


"Let go, Rust," madiin na sabi ko.

Saglit akong sumulyap sa kamay niya sa aking palapulsuhan. It made me shivers. I missed his touch. Naalala ko kung paano niya ako bakuran noon. His arms are always around my waist before. His love language's physical touch.

Tumingin ako sa kaniyang mata. Pinantayan ko ang talim ng kaniyang tingin.

"Ayoko, Daneliyah. Humiling ka ng iba, 'wag lang ang pakalawan ka."

He shook his head. Ang hawak niya sa aking palapulsuhan ay lumipat sa kamay ko. He held my hand. Sobrang higpit.

"Ang lalim mo naman. Bitawan mo ang kamay ko kasi may trabaho pa ako. Mapapagalitan ako dito pag nagtagal pa ako rito. Maraming customer." Umirap ako.

"Can we talk after your work then? Please, Daneliyah. Let us fix the problem."

"Fix yourself then."

Kinuha ko ang tray at tumalikod na. Bahala na siya sa natapon na kape. Kasalanan naman niya 'yon. Pero mabuti na lang at malamig ang kape dahil kung mainit iyon, baka mag-alala ako dahil natapon sa kaniya ang kaunti. I will let my guards down again.

Magiging marupok nanaman ako. Palagi na lang akong marupok. Sawa na akong maging marupok.

Kanina pa ako naiinis dahil hindi ko mapigilan ang paulit-ulit na pagtingin sa hagdan. Pansin ko lang na hindi siya bumababa. Not that I am waiting for him to go down. Duh, hindi ba pwede na ina appreciate ko lang ang disenyo ng hagdan namin? Tama. Tama.

I am being a clown!

Anong pake ko sa disenyo ng hagdan? Hindi naman ako ang gumawa no'n! I am not the damn architect of the coffee shop. Of course, I am waiting for him to go down. That's the truth. I got really happy and excited to see him after a month.

Why do I need a space anyway? I am not a keyboard.

Umiling-iling ako sa sarili. Kakasabi ko lang na hindi ako marupok. I am now being a marupok again.

Rust ordered again using the app. Ako ang gumawa ng kape pero si Janice na ang pinaakyat ko.

Nang dumating ang hapon ay dumami ang tao. I got very busy that I forgot Rust was here. Naalala ko lang nang makita siya nang umakyat ako para magdala ng order sa taas. He's now sitting on the chair facing the stairs. Hindi niya likod niya ang sumasalubong sa akin. Umirap ako nang magtama ang mga mata namin.

Pinipigilan ko ang sarili na lumingon sa kaniya. Mabilis ang aking kilos para makababa kaagad. I was about to leave, but he asked for a waitress. I looked around and I was the only waitress here. Bumuntong-hininga ako at mabagal na naglakad sa kaniya.

I am cursing him in my mind while rolling my eyes.

"Yes, sir?" I made my voice sexier.

Ngumisi ako. His jaw moved aggressively. Mas lalong ngumiti ang ngiti ko nang ilang beses siyang lumunok.

"Stop that, love," he said.

Umayos ako ng tayo. I even crossed my arm to intimidate him, but his eyes are just smiling at me. He smirked. Does he think that I am being cute? Mas lalo akong na bwisit. The turns have tabled. Ako naman ang naiinis ngayon at siya ang ngumisi.

"Love mo, mukha mo. Ano ba kailangan mo, Radcliffe?"

Hindi ko na maitago ang inis sa kaniya. I plan on pretending that I am not affected by his presence, but I am failing, big time.

The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon