Chapter 29

28 1 0
                                    

I Love To Love You.


Noong Pasko ay kumain lang kami at nag karaoke. Lolo also gave each of us money. Napuyat dahil noong gabi ay nanood din kami ng movie. Pinayagan kaming uminom ngunit light beer lang ang sa amin nila Celestine. Rialla's drink was just banana milk.

Sumasakit ang ulo ko nang magising ako hapon na kinabukasan. Tumingin ako sa paligid at ako na lamang ang naiwan sa kwarto, maging si Rialla ay wala na sa tabi ko. Bumangon ako at agad dumiretso sa banyo, I blow dry my hair after taking a shower. Bumuntong-hininga ako nang matapos mapatuyo ang mahabang buhok. I'll probably go to the salon today, wala rin naman akong gagawin.

"Good afternoon, madam!" Salubong na bati ni Kuya Calec sa akin pagpasok ko sa kusina. Umismid ako at naupo sa tabi niya. Lumapit siya sa akin para bumulong, "Kumain ka raw sabi ng boyfriend mo. Isumbong daw kita sa kaniya pag hindi ka kumain. Corny niyo, cringe."

"Pinaglihi ka ba ni Tita Maria sa amplaya? Kasalanan ko ba na sa lahat ng niligawan mo ay walang sumagot sa'yo kahit isa? It's not my fault that I am happy with my healthy relationship and you're miserable being a single. Why don't you go out and date someone? Para naman kamay ng babae ang hawak mo at hindi puro semento," Sabi ko sa kaniya.

Umagang-umaga, I mean, umaga para sa akin ay nang iinis siya. Ngumisi si Kuya Calec. I almost rolled my eyes on him. Tinusok ko ang pancake gamit ang tinidor, sa aking isip ay ang pagmumukha ni Kuya iyon.

"Magiging masaya ka pa kaya kung isumbong kita kay Tito Rafael?" Hamon niya. Natigilan ako sa pagkain at mabilis na lumingon sa kaniya. I pouted, "Joke lang."

Hindi ko na siya pinansin. Sa halip ay tumingin ako ay Mama.

"Mama, can I go to the salon? I want my hair trimmed. Ayos lang po ba kung gagalawin ko ng kaunti ang buhok ko?" I asked her permission.

"Of course, anak. It's your hair. Go and do whatever you want," Mama said. Napangiti ako. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa kaniyang palapulsuhan. Napangiti ako nang makita na suot niya ang regalo ni Rust para sa kaniya. Even Mama smiled when she saw where I was looking, "Your Papa asked who gave this. I ignored him, kunwari galit ako."

Natawa ako. Mabuti na lang talaga at wala sa kusina si Papa at kaming tatlo lang ang nandito. Ang iba kong pinsan ay nasa living room, nagkakaraoke pa rin.

"You're going to the salon, Lys? Sumabay ka na sa'min, ihahatid ko si Celestine sa school," si Kuya Calec pagkababa ko sa hagdan nang kuhain ang bag sa itaas.

"Oh, okay." Susungitan ko sana siya kaso 'wag na lang pala. Lumingon ako kay Celestine, "May pasok kayo?"

"Wala, just getting ready for the exhibit," she answered.

Tumango ako. Hinatid nga namin siya sa school bago kami dumiretso ni Kuya Calec sa isang sikat na salon dito sa Paris.

"Balikan mo ako rito, Kuya, pagkatapos ko. Hindi ko alam kung paano ako uuwi," sabi ko kay Kuya. Mabait ako sa kaniya ngayon dahil may kailangan ako. Joke.

"I'll wait for you. Wala rin naman akong ibang pupuntahan," he said.

"Are you sure? I'll just text you when I'm done," sabi ko.

Umiling si Kuya at naupo sa couch na nandoon. Tinignan niya ang mga magazine na nasa lamesa at binuklat ang isa. Inabala niya ang sarili sa pagbabasa. Seryosong-seryoso pa nga siya at ang buong atensiyon ay nandoon.

Hinayaan ko ang hairdresser na gupitin ang buhok ko hanggang baywang. Hindi ko pa talaga kaya na higit doon ang paputulan. Pakiramdam ko ay hindi ako maganda pag maikli ang buhok. Last night, I decided that I want to color my hair too. Para new year, new me. I showed the hairdresser my desired color.

The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon