Urgent.
Kumaway ako kay Angel bago pumasok sa gate ng aming bahay. Nawala ang aking ngiti at agad nakaramdam ng kaba nang makita ang kotse ni Papa sa garahe. Akala ko ay nasa Maynila siya ngayon, tuwing weekend ang uwi niya.
Hinawakan ko ang buhok at huminga ng malalim bago pumasok.
Naabutan ko sa sala si Mama at ang aking kapatid. They are watching Tangle, my sister's favorite Disney movie. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang hindi makita si Papa na nandoon. Sabay ang dalawa na lumingon sa akin. Nanlaki ang mga mata ni Rialla habang malawak naman ang ngiti ni Mama.
"Ang ganda mo, ate!" aniya at tumakbo papalapit sa akin.
"S-salamat," nahihirapan na sabi ko dahil pinaglalaruan ni Rialla ang aking buhok habang mangha na tinitignan iyon.
"Bagay na bagay sa'yo, anak," sabi ni Mama nang makalapit din sa akin. Napangiti ako nang sabay nila na pinupuri ang naging ayos ng aking buhok.
Ngunit ginapangan ulit ako ng kaba nang marinig ang yapak ni Papa pababa sa hagdan. Huminto siya sa huling baitang at tinitigan ako. I swallowed so hard. Papa fixed his eyeglasses.
"Bagay sa'yo," he said seriously, "Let's eat. Manang! Nakahanda na ba ang hapunan?"
Nakangiti ako habang nagda-drawing sa iPad na regalo ni Lolo. Ang saya pala ng pakiramdam na gumagawa ng sariling desisyon.
My smile suddenly disappeared when I realized that I can listen for their advice and then decide on my own decisions after without needing their approval anymore.
I woke up early the next day. I quickly did my morning rituals. I was wearing a green sweatshirt and white pleated high waist skirt. I tied my hair in a high ponytail and also wore a white cap.
Sinadya ko na maagang gumising dahil narinig ko na mayroong bagong bukas na coffee shop malapit lang sa school. Mabuti at gising na rin si Manong Gregoryo at agad akong nagpahatid sa sinasabi na coffee shop. Tried and True, that's the name of the coffee shop.
"Ingat po," sabi ko bago bumaba ng sasakyan.
Pagbukas ng glass door ng coffee shop, agad kong naamoy ang bango ng kape, napangiti ako dahil doon. Medyo mahaba ang pila at madaming tao, siguro ay dahil kakabukas lang at curious ang mga tao.
"I'll get a iced chai latte and garlic flavored bagel. That's all, thank you," I said and handed my payment.
"Pangalan po?" tanong ng lalaki.
"Uhm... Kalytsa," I answered. Tumango siya at isinulat iyon sa plastic cup.
"Nummer po?" natatawa na tanong niya, "Joke lang, ma'am. Tatawagin ko na lang po kayo mamaya."
Nakakunot ang aking noo na tumango at naghanap ng lamesa. Naupo ako malayo sa pintuan. I took my iPad out of my bag and continued my drawing last night. Makalipas ang ilang minuto, tinawag na ako.
"Ma'am Kalysta po!"
Tumayo ako at lumapit ulit sa counter. Bubuhatin ko na sana ang tray nang magsalita muli ang lalaki na kumuha ng order ko kanina.
"Ma'am, hinahanap po kayo ng boyfriend niyo," aniya at mayroong itinuro. Napalingon ako sa pintuan at nagtaka dahil hindi ko naman kilala ang lalaki na pumasok.
Mas lalong wala akong boyfriend!
Ibinalik ko ang tingin sa lalaki, "Ha? I don't have a boyfriend."
"Ay, ganun po ba, ma'am? Nagkamali po ako," nakangisi na sabi ng lalaki.
BINABASA MO ANG
The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)
RomanceKalsyta Daneliyah, she is the most beautiful rose. Aphrodite really took her time on her. Sobrang ganda. Sobrang perpekto. Kung tatanungin kung anong depinisyon ng maganda para sa akin, siya ang lalabas sa bibig ko. Kung tatanungin kung ano ang kahu...