Chapter 23

31 1 0
                                    

We're Playing.


"Promise ring lang muna. Baka patayin ako ni Rafael pag umuwi ka sa inyo na mayroong engagement ring," paglilinaw ni Rust, "Pero syempre, pag ayos na at pwede na, papakasalan kita."

Hinalikan niya ang kamay ko pagkatapos isuot ang singsing. Tinitigan ko ang singsing. Simple lang iyon. Kulay rose gold at disenyo sa gitna ay hugis puso na hula ko ay gawa sa totoong diyamante.

Muling hinawakan ni Rust ang kamay ko at itinutok ang cellphone. Itinapat niya ang magkahawak naming kamay sa puntod ng kaniyang mga magulang. Kumuha siya ng ilang pictures, magkakaibang anggulo.

"Mama, Papa... Diba, pag natupad ko na iyong mga pangarap nating tatlo, papayagan niyo naman akong pakasalan ang babaeng mahal ko."

Ngumuso ako para pigilan ang sarili na ngumiti. Akala ko ay ako lang ang ang nakakaisip ng kasal sa aming dalawa pero naalala ko na noon niya pa binabanggit ang tungkol doon. Nagulat ako nang biglang tumayo si Rust at nagpapaalam na aalis lang sandali. Nagtataka ako na tumango. Tinanaw ko siya nang maglakad palayo.

"Mahal na mahal ko po si Rust," Bulong ko.

Pumangalumbaba ako at hindi inaalis ang titig sa puntod ng mga magulang ni Rust. Inayos ko ang bulaklak na tinatakpan ang pangalan ng mga ito. Ang kandila ay kalahati na ang natunaw.

"Kahit minsan po, sobrang corny niya. Siguro po ay pinaglihi niyo si Rust sa mais noong pinagbubuntis niyo pa," medyo natatawa na sabi ko, "Pero sa tingin ko po, iyon ang isa sa dahilan kung bakit ako nahulog sa kaniya. Na-scam po ako ng anak niyo sa mga pick-up lines niya."

"He makes me the happiest, especially when I am at my lowest," I whispered.

"And because of that, I want to make him happy too. Kasi kahit hindi niya po sinasabi sa akin, alam ko na kahit ilang taon na ang lumipas, masakit pa rin sa kaniya ang pagkawala ninyo. Ako naman po ang mangangako ngayon, ipapangako ko pa sa inyo na aalagaan ko siya gaya ng miss niya na pag-aalaga ninyo."

Pinanood ko si Rust nang bumalik sa akin. Nagulat ako nang may buhat siya na gitara. Naalala ko na nakita ko iyon sa likod ng kotse kanina. Muling naupo si Rust sa pwesto niya kanina.

"Haharanahin kita sa harap nila Mama at Papa," Ngumiti siya sa akin, "Sabi sa akin ni Papa noon, kapag manliligaw daw ako, mahalaga ang panghaharana para mas maiparamdam sa babae na gusto mo siya at seryoso ka sa kaniya."

Kumunot ang aking noo. Rust started strumming the guitar.

"Pero sinagot na kita, Rust. I am your girlfriend now."

Biglang lumaki ang ngiti ni Rust dahil sa sinabi ko. Nag-iwas siya ng tingin. Napansin ko ang pamumula ng kaniyang pisngi na umabot pa sa tainga at batok.

"Damn... Sa'kin ka na nga pala..." he smirked, "Araw-araw pa rin kitang liligawan kahit tayo na, Daneliyah. Kahit matanda na tayo at kulot na ang ating mga balat, kahit puti na ang ating mga buhok, haharanahin pa rin kita. Hindi ako magsasawa na iparamdam sa'yo kung gaano kita ka mahal."

Pagkasabi niya nito ay kasunod ang kaniyang pagkanta.

[Ipagpatawad mo aking kapangahasan

Binibini ko sana'y maintindihan]

Hindi ko alam kung gaano kalalim ang pagmamahal ni Rust para sa akin pero nagugulat na lang ako na araw-araw pa rin akong nahuhulog.

[Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo

Ngunit parang sa'yo ayaw nang lumayo

Ipagtawad mo ako ma'y naguguluhan]

The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon