Corrode.
"Please, Gel?" Pamimilit ko kay Angel dahil ayaw niya na magpunta kami sa Sabang beach. Ngumuso ako nang tumanggi ulit siya, sumakay na siya sa motor at sinuot ang helmet.
"Bahala ka, maiwan ka riyan," banta niya at pinaandar na ang motor.
Lalong humaba ang aking ngumuso at sinuot na rin ang helmet. Wala nang nagawa, lalo pa nang maalala na pupunta pa si Angel sa Maria at babalik din ng Baler, gabi na rin.
"Mag-ingat ka," paalala ko kay Angel nang nasa tapat na kami ng bahay.
"Yeah, pumasok ka na," she said in her usual bored tone. Tumango ako. Kumaway at pumasok na sa aming gate. Pagkasara ng gate, rinig ko ang papalayong tunog ng motor ni Angel.
Madilim na ang bahay. Pagpasok nang pinto, nagulat ako nang makita si Papa na nasa couch namin. Mayroon siyang ginagawa sa laptop ngunit nawala ang atensiyon niya doon nang maramdaman ang presensiya ko.
Tinanggal ni Papa ang salamin, "Saan ka galing? Anong oras na, ha? Tingin mo uwi ba 'yan ng matinong dalaga?"
Muntikan pa akong mapapikit nang marinig ang galit sa boses ng aking ama. Yumuko ako.
"Kumain lang po, Pa. Kasama ko po si Angel," I explained myself. Lumabas si Mama mula sa kusina. Nang makita ako ay ngumiti siya. Ibinaba niya ang hawak na kape sa lamesa kung saan gumagawa si Papa.
"Nandiyan ka na pala, anak. Kumain ka na ba?" Mama asked in her soft voice.
Nawala ang takot ko dahil sa sigaw ni Papa nang marinig ang kalmado na boses ng aking ina.
"Opo, Mama. Ginabi na po umuwi dahil kumain kami ni Angel sa labas. Hapon na rin po kasi natapos ang practice namin para sa cheerleading," paliwanag ko kay Mama. Tumango siya na may ngiti sa labi kaya nahawa ako doon ngunit hindi pa tumatagal ang ngiti sa akin, nawala agad nang marinig ko ang singhal ni Papa.
"Kasali ka pa pala sa walang katuturan na iyan?! Hindi ba sinabi ko na sa'yo na tigilan mo?" Natikom ko ang bibig. Ayaw talaga ni Papa na sumali ako sa cheerleading, sa dance troupe, ngunit ito lang ang unang beses na sinuway ko siya dahil gustong-gusto ko talaga ang pagsasayaw.
Ayaw ko rin naman na baliwin ang sarili sa puro aral lang.
Hindi ko naman pinapabayaan. Gusto ko lang na mayroong mapaglilibangan na talagang gusto ko.
Ang turo sa akin ni Papa, walang magagawa ang talento kung hindi ko ginagamit ang isip. Wala raw na magandang maidudulot sa akin ang talento, hindi ako yayaman doon. Sa madaling salita, hindi ako magtatagumpay sa puro talento na hindi gagamitan ng isip.
"Ayos lang naman po ang grade ko, Papa. Talagang gusto ko lang po ang pagsasayaw," muntikan pa akong ngumiti nang sinabi ko iyon.
"Oh, dapat pala akong magpasalamat saiyo na maayos ang grado mo? Salamat, ha!" Papa's voice thundered, I even closed my eyes.
"Hayaan mo na ang anak mo, Ralp. Umakyat ka na sa itaas, Kalsyta, at magpahinga," pumagitna sa amin si Mama. Peke akong ngumiti at tumango.
Lumapit ako kay Mama para halikan ang kaniyang pisngi.
"Good night po," paalam ko at umakyat na.
Ngunit bago ko pa maisara ang pinto ng kwarto. Rinig ko ang sigawan ng mga magulang, nag-aaway dahil sa akin.
"Anak mo iyon, Ralp, ipinapaalala ko lang sa'yo at baka nakakalimutan mo! Kung makapagsalita ka ay parang hindi mo kadugo, parang hindi galing sa'yo!" My mom's soft voice tried to defend me.
BINABASA MO ANG
The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)
RomanceKalsyta Daneliyah, she is the most beautiful rose. Aphrodite really took her time on her. Sobrang ganda. Sobrang perpekto. Kung tatanungin kung anong depinisyon ng maganda para sa akin, siya ang lalabas sa bibig ko. Kung tatanungin kung ano ang kahu...