Chapter 25

33 1 0
                                    

Love, Listen. 


Nagulat ako nang ma realize na nasa Dinadiawan beach kami. Kaya naman pala matagal ang byahe. Mangha ako habang mabagal na naglalakad sa mga petals ng rosas sa puting-puti na buhangin. Sa gilid ng mga ito ay mga kandila na nagsisilbing ilaw. Sa dulo ng mahaba naming nilalakaran ay mayroong kulay puti na canopy.

Hindi ko alam kung nababagay ba ang suot ko na cropped tee at joggers sa magandang lugar. Hindi ko napaghandaan. Kung alam ko lang na ganito ang plano ni Rust, I'll probably wear a white and flowy dress.

Rust was wearing a white polo and black trousers. Masyadong pormal at bagay na bagay sa okasyon. Masyado niyang napaghandaan. Hula ko ay nagpalit lang siya dahil hindi naman iyon ang suot niya kanina.

Naupo si Rust sa tabi ko at tinatanaw namin ang kalmadong dagat sa aming harapan. Hinawakan niya ang kamay ko, hinahaplos niya ang singsing na ibinigay.

"Ang sabi mo, Rust, kakain lang tayo." I looked around, still appreciating his efforts. Ninanamnam ko pa rin ang ganda ng paligid. It looks so magical. Sa libro ko lang nababasa ang ganito. Kahit kalian ay hindi ko naisip na mararanasan ko rin. I can't believe he had such a surprise prepared.

"Kakain naman talaga tayo. Hindi ko lang sinabi kung saan, mi amor. Did you like my surprise, Daneliyah?" He asked in a cute voice. His eyes are hopeful. Hinaplos ko ang pisngi ni Rust.

"Yes! Very much. I really do appreciate your efforts, love," I said softly. Ngumiti si Rust, iyong ngiting tagumpay. Naramdaman ko ang pagpalupot ng braso ni Rust sa aking baywang. I moved closer to him when he slightly pulled me.

I tilted my head while looking at him.

"Sobrang ganda mo talaga," bulong niya habang titig na titig sa akin.

I rolled my eyes and tried my best to not smile. Sumandal ako sa balikat niya. Sumenyas siya at mayroong lumapit sa amin na mga waiters. Isa-isa nilang inilapag ang mga pagkain sa lamesa. Umayos ako ng upo. Bigla kong naramdaman ang gutom nang makita ang sinigang na baboy. Naalala ko na paborito nga pala namin iyong dalawa ni Rust. Mayroon din na chicken sisig, binagoongang baboy, at kare-kare. Lahat iyon ay paborito ko. There is also a heart-shaped cake. Kulay pula at pink iyon at ang cherry lang ang tanging nagsisilbing disenyo. Cherry is one of my favorite fruits too.

"Enjoy your food, Mr. and Mrs. Jackson," one of the waiter said then slightly bowed before leaving.

Nanlaki ang mga mata ko dahil doon. Tumingin ako kay Rust at pinangliitan siya ng mga mata. Hindi na ako magtatanong kung mayroon ba siyang kinalaman doon. Sa laki pa lang ng ngisi ng loko, alam ko na siya ang may pakana.

"All of these are my favorites. Do you know that?" I asked him.

"Yes, amor. Pinaluto ko iyang mga paborito mo para wala kang dahilan para hindi kumain ng marami. Napakahilig mo pa man din na gutumin ang sarili." He rolled his eyes.

"Hindi ko ginugutom ang sarili. I need to diet because I don't work out. Kailangan iyon sa pagsasayaw," I explained.

"Hindi mo ginugutom ang sarili kasi nalilipasan ka na ng gutom. Dancing requires enough food so that you do not feel hungry and dizzy. Plus dancing is a whole body workout so technically you work out." May punto naman siya. Ang hirap naman nitong awayin. Iniisip ko pa lang iyong mga future away namin ay nai-stress agad ako. Kailangan ko nang mag-isip ngayon pa lang ng mga rebut.

Rebut, iyong nilalagyan ng battery para umandar. Eww, ang corny! Nahahawa na talaga ako kay Rust.

"Pero—"

The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon