Betrayal.
Tuwing malapit na talaga ang pasko rito sa Pilipinas ay napupuno na ng palamuti ang bawat bahay. Mula sa makukulay na Christmas lights at iba't-ibang itsura ng parol, kahit nga Setyembre pa lamang ay ramdam na ramdam na talaga ang kapaskuhan. Kaya nga Pilipinas ang bansa na mayroong pinakamahabang pasko.
"Mama, pwede po akong tumulong sa pagbabalot ng mga regalo para sa mga bata sa foundation?" nakangiti na tanong ko kay Mama habang pinapanood sila ni Manang sa pagbabalot ng mga regalo. Sobrang dami kaya umaga pa lang ay sinimulan na nila.
Hinawakan ni Mama at pinaupo niya ako sa kaniyang kandungan.
"Sige, anak, pero kailangan kitang tulungan para maging maayos ang pagbabalot mo."
Tuwing ika-labinlima ng Disyembre ay pumupunta kami sa isang children's foundation sa Nueva Ecija upang maranasan ng mga bata na nandoon ang pasko.
"Bumalik ka, hihintayin kita..."
Nagising ako dahil sa malakas na tilaok ng manok mula sa kapit-bahay. Ang Christmas lights ng kapitbahay ay bigla nang namatay. Kahit mayroong kurtina sa aking kwarto, tanaw ko sa labas ang liwanag ng araw.
Tumingin ako sa aking tabi at nagulat nang makita na wala na si Mama.
Mabilis akong bumangon at inayos ang aking higaan. I went to my bathroom and quickly did my usual morning routine. I was wearing a plain white crop top and beige wide-leg pants. I put my hair in a bun and tied it using a hair clamp.
Isinukbit ko ang bag at lumabas ng kwarto upang hanapin si Mama. Natagpuan ko siya sa aming foyer. Gaya ng madalas niyang ginagawa, pinapalitan niya muli ang mga bulaklak sa plorera na nandoon. Lumingon siya nang maramdaman ang aking presensiya. Mama smiled, ngunit hindi iyong ngiti niya na umabot sa tenga.
"Good morning, anak. Did you had a goodnight sleep?" she asked then continued arranging the flowers.
"Did you, Mama?" I asked back. Napatigil siya sa ginagawa at mabagal an lumingon sa akin. Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong-hininga.
"Do you want me to lie or you want to know the truth, anak?" she asked while smiling but I can hear the sadness in her voice.
"The truth, Mama. What are you feeling now?" Seryosong sagot ko.
Nawala ang pekeng ngiti sa mukha ni Mama. Sinasabi ko na nga ba. Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap ng mahigpit. I started stroking Mama's hair.
"You know, anak, you're Papa is a great husband, ngunit hindi para sa akin." Kumunot ang aking noo sa sinabi ni Mama dahil hindi ko maintindihan.
"Anong ibig ninyong sabihin, Mama?" I asked her. Bumitaw siya pagkakayakap mula sa akin at umiling-iling.
"I am feeling a little better now than last night. Thank you for being here comforting me, anak. I appreciate it so much. Pero 'wag mong sasabihin sa kapatid mo ang mga nangyari at narinig mo kagabi, ha?" Tumango ako. Ngumiti si Mama ngunit hindi ko binili iyon.
"Duh! Kung kahapon nasasaktan ako, ngayon hindi na," ani Apollo nang mabanggit ko ang sobrang kalasingan niya kagabi. Ang lakas ng kaniyang tawa nang masabi ko kung paano siya umiyak habang paulit-ulit na sinasabi kung paano siya nasaktan nang malaman na mayroon ng girlfriend si Travis, "Imagine, I cried because of a man. Just because of a man. I mean, really, just because of a man? I can't believe it! A man?!"
Mula sa pagkatulala ay walang gana at emosyon ko na tinignan si Apollo pagkatapos ng mahaba niyang litanya. Malakas ang tawa niya. Wala pa ang aming professor at kanina niya pa ako dinadaldal. Mahina niya akong binatukan kaya muli akong tumingin sa kaniya at itinaas ang isang kilay.
BINABASA MO ANG
The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)
RomanceKalsyta Daneliyah, she is the most beautiful rose. Aphrodite really took her time on her. Sobrang ganda. Sobrang perpekto. Kung tatanungin kung anong depinisyon ng maganda para sa akin, siya ang lalabas sa bibig ko. Kung tatanungin kung ano ang kahu...