(Warning: Inappropriate words.)
Tears.
Nakasunod sa amin sila Rust habang papunta sa Dalla's. Kasama niya si Xanth, ang sabi ni Ethan ay mayroon daw siyang pupuntahan.
Nagulat ako nang makita si Mia at Leona pagpasok sa Dalla's.
Mia smiled and just raised both of her eyebrows when she saw me because she's on the stage singing. Si Leona naman ay naupo sa tabi ni Apollo.
"Hindi kayo sumama sa Kubli Bistro?" tanong ko sa kaniya. She drank on her beer first before answering me.
"May gig si Mia," she answered. Tumango ako.
"Iyon 'yung girlfriend ni Travis. The one who's wearing his jacket," mahinang sabi ni Apollo at mayroong itinuro. Sabay kaming lumingon ni Leona. Kumunot ang aking noo habang pinapanood ang babae na itinuro niya. Travis' girlfriend was taking a video of him.
"Oo nga, lagi ko siyang nakikita na kasama iyan 'pag may gig si Mia dito," sabi ni Leona.
Binatukan ni Apollo si Leona.
"Gaga! E, bakit hindi mo sinabi sa akin na may girlfriend pala si Travis?" I quickly turned to Apollo as my brows furrowed when I heard the anger in their voice.
"Bakit? Akala ko ba happy crush mo lang 'yan?!" Leona fighted back. Namilog ang aking mga mata.
[Kahit ano ang bulong ng hangin
Mga salitang ito ang laging isipin
Na hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ang lalakbayin makapiling ka lang]
Travis winked at her girl. Nagsigawan ang mga ka-banda niya. Tumawa si Mia.
"Akala ko rin, Leona..." Apollo's voice broked. Nagtinginan kaming dalawa ni Leona. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagtulo ng luha ni Apollo.
"Uy! Gago, ba't ka umiiyak?" nag-aalala na tanong ni Leona.
Napatigil ako. Hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi ako marunong magtahanan. Ano? Iiyak din ba ako? Paano ba 'to?
"Alak, haha. Inuman tayo." Inagaw ni Apollo ang beer mula sa kamay ni Leona at ininom niya iyon. Pinanood ko siya na tuloy-tuloy na nilagok ang alak hanggang maubos. Muntikan pa akong tumayo at pigilan siya dahil sa pag-aalala.
"Apollo..." I don't know what to say. I'm out of words
"What? Let's order more beer please. Ngayon lang ako iinom ng madami," pinilit ni Apollo na ngumiti ngunit peke ang kinalabasan. Sunod-sunod na tumulo ang luha niya. Mabuti na lang at malayo sa mga mata ang lamesa namin, "I need something to numb me. Fuck, this is so painful."
Mabagal akong tumango at tinawag ang waiter para sa alak.
"I thought, this is just something like your past crushes that you've lost interest because they've liked you back," si Leona.
"Laro lang ang mga iyon noon, Leona. Tangina, this is fucking... love," Apollo paused for a bit, "Tinatawanan ko iyong mga tao na nalululong sa pag-ibig noon. Iyong parang nagiging adiksyon. Ngayon, naiintindihan ko na sila. Naiintindihan ko na kami. Nainintindihan ko na kung bakit nagiging bobo ang mga taong umiibig. Wala bang paaralan para rito? E, sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Wala bang gamot?"
Tumawa si Apollo at uminom sa beer ngunit ang mga luha ay hindi tumitigil sa pagtulo. Iyong parang tubig sa Ditumabo Mother falls, tuloy-tuloy lang ang pagbuhos, walang tigil ang daloy.
BINABASA MO ANG
The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)
RomanceKalsyta Daneliyah, she is the most beautiful rose. Aphrodite really took her time on her. Sobrang ganda. Sobrang perpekto. Kung tatanungin kung anong depinisyon ng maganda para sa akin, siya ang lalabas sa bibig ko. Kung tatanungin kung ano ang kahu...