Chapter 28

33 1 0
                                    

26 June 2000.


"Love, look here," Rust uttered then showed me his camera.

My dress swayed when I suddenly looked at him. I smile widely. Tumakbo ako palapit sa kaniya at tumalon-talon. Naibaba niya tuloy ang hawak na camera. Sinundan niya ng tingin ang aking pagtalon. His brows furrowed as he tilted his head. Iniisip kung ano ang ginagawa ko at kung ayos pa ba ang isip ko.

"You're calling me 'love' again, huh? Bati na tayo?" I puppy eyes.

"What do you want me to call you, Kalsyta?" He teased. Ngumiwi ako. I cringed so hard. Tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan. I'm not used to him calling me by my first name, "Look at the camera, my love. I want to take pictures of you."

I fixed my hair. I looked back at the Eiffel tower to see if I am at the right angle then I smiled at the camera after. Rust's lips parted. Nakita ko ang pag galaw ng kaniyang lalamunan, sunod-sunod na lumunok si Rust.


"Do I look pretty?" I asked him.

Mabuti na lang talaga at nag-ayos ako kaninang umaga. I put a minimal make up on my face then I curled my long hair. I am wearing the strawberry midi dress partnered with the Dior dway slides in burgundy color.

"Palagi ka namang maganda," aniya.

Mas lalo tuloy akong napangiti, kasabay nito ang sunod sunod na pagkuha niya sa akin ng mga pictures. He gave me instructions on how to pose. I went near him to check the photos after and I am amazed when all of the shots are beautiful. Pinuri ko siya.

Maging iyon palang paglingon ko nang tawagain niya ako kanina ay nakuhanan. I was smiling there, my hair followed my sudden turn.

Sinundan ko ng tingin si Rust nang lumapit siya sa isang lalaki. Ipinakita niya ang camera at itinuro ako.

"Excuse me, can you spare a moment to take pictures of us. That's my wife and we're celebrating our first anniversary together as husband and wife," Rust said.

Nanlaki ang aking mga mata. Tumango ang lalaki at kinuha ang camera kay Rust. The guy congratulated us, even his boyfriend too. Malaki ang ngisi habang naglalakad palapit sa akin si Rust, ang kaniyang kamay ay nakapamulsa sa pantalon niya.

"What did you tell them, Rust?" Bahagya kong kinurot ang mga braso niya.

Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. Rust hugged me from the back. Ipinatong niya ang baba sa aking balikat at ngumiti sa camera. I smiled at the camera too.

"You heard it. I told them we're married. Just daydreaming, Daneliyah," he whispered near my ear. He started sniffing my neck. I unconsciously tilted my head for his access, my body stilled when I felt his lips kissing my neck, "Damn, you smell so good."

Then he walked away like he didn't do anything. Inosente siyang ngumiti at nagpasalamat sa lalaking kumuha ng litrato.

Umiling-iling ako, maginoong medyo bastos. Char.

"I made a reservation at Le Fouquet's. I know it's too early for dinner but I want us to eat together before I'll go back to Barcelona. Wanna have a date with me, my love?" He asked.

"Of course, Rust. Paano ka nga pala babalik sa Spain?" Tanong ko sa kaniya.

He held my hand. Binulsa niya ang magkahawak naming kamay sa kaniyang pantalon.

"I'll ride the plane, para mas mabilis. Kailangan nasa bahay na ako bago ang alas dose dahil kung hindi ako aabot sa Nochebuena ay siguradong papatayin ako ni Mamá," sagot niya.

The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon