Chapter 11

69 1 0
                                    

In Japanese.


Nakita ko kung paano biglang nanlaki ang mga mata niya. Kasabay nito ang kaniyang malawak na pag-ngiti. I tilted my head when I even saw the few tears in the corner of his eyes. Tumingala siya upang pigilan na tumulo ang luha. The moonlight made his tears twinkle. He's so beautiful.

"Tangina, totoo ba?! Sigurado ka?! Daneliyah, hindi joke iyan, diba?! Hindi makapaniwala na tanong niya. Ang pinipigilang luha ay nagsimula ng tumulo ng sunod-sunod. Naibuka ko ang bibig dahil sa gulat.

"Yes, Rust, you can court me," pag-ulit ko.

"Oh gosh! Thank you, Lord!" Tumalon-talon siya. Pinatahimik ko pa dahil sa naging sigaw, "Salamat, Daneliyah. Puta, sorry sa mga naging mura, hindi mo alam kung gaano ako ka-saya. Sobrang saya ko. I don't know that I can be this fucking happy again. Thank you for making me the happiest, Daneliyah."

"You deserve to be happy, Rust."

"And you deserve the best, Daneliyah. And I know that I am not the best for you, but I can't bear to see you with someone else. So, I promise that I will do everything I can to give you the best of me and that is what you deserve. And that will make me deserve you.

Mabilis akong tumakbo papunta sa aking kama nang tumunog iyon. Mayroon pa akong toothbrush sa bibig. Napangiti ako nang mabasa ang pangalan ni Rust sa aking cellphone.

Rust: Nakauwi na.

Ako: Sabihin mo nga sa akin kung paano mo nakuha ang number ko.

Pinatay ko ang cellphone at bumalik sa banyo upang tapusin ang pagsi-sipilyo. Para akong tanga na mag-isang ngumingiti habang nagpapahid ng rose serum sa mukha. Umiling-iling ako sa sarili, lagot, delikado na. Pinigilan ko pa ang sarili na huwag tumakbo nang muling marinig ang notification sa cellphone. After putting the moisturizer for my lips, I tried my best to walk slowly towards my phone.

Rust: Ikaw ang nag-sabi. Ang hinihingi ko lang naman noon ay number, hindi ko naman sinabi na gusto ko ng text mate. Pero kung ikaw, shweurrre.

Umirap ako, naalala ko na. Iyong nasamid siya sa tubig at humihingi siya ng number. Dapat pala ay eleven ang sinabi ko para sa Kalsyta o kaya naman ay four dahil sa Daneliyah naman niya ako madalas na tinatawag.

Nahahawa na ako sa pagiging corny niya.

Pinatay ko ang ilaw bago nahiga sa kama. I opened my Instagram because I have so many photo dumps and I want to post them for memories that I can look back. Ngunit nagulat ako nang makita muli ang pangalan ni Rust sa notification sa aking cellphone.

He started following me on Instagram.

Kumunot ang aking noo dahil ang alam ko ay wala siyang Instagram account noon. I tried to find him before to direct message him about our business activity but I didn't find any. Tinanong ko pa nga si Xanth at ang sagot niya ay wala siyang account.

Hindi mahilig si Rust sa social media. Naalala ko rin ang reklamo ni Nathan noon nang hindi pa binibigay ni Rust ang kaniyang numbero sa kaniya at kinakailangan pa ni Nathan na sa gmail account nito mag-send ng mensahe.

I clicked his profile to stalk him. My brows furrowed when I saw that I am the only one in his following. I refreshed his feed and people are started following him. I sent him a direct message.

daneliyahkm: You made an Instagram account!

Hindi tumagal ay nag-reply siya.

rustaustin: I noticed that you love posting random pictures throughout your day so I made an account and followed you so that I can know what happened with your day.

The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon