Downfall.
"You will never lose me, Rust. What are you talking about?"
Patagilid ako na lumingon sa kaniya sa kunot na noo. Tinitigan niya ako hanggang sa mabagal na bumaba ang kaniyang mga mata sa aking labi. I unconsciously licked my lips. His Adams apple moved. Nag-iwas siya ng tingin. Marahan niyang hinawakan ang baba ko at iniharap ako sa dagat.
"I am so damn scared of the future. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari," paliwanag niya. Mas lalo akong napuno ng pagtataka.
"But still, we won't lose each other. Don't even think about it." Pinaglaruan ko ang mabalahibo niyang binti. He complained about the pain. Mabilis akong tumigil.
"Stop that. Napakahilig mong gawin 'yan. Kaunti na lang ay mauubos na ang balahibo ko riyan. Daig ko pa ang nagpa wax."
Mahina akong natawa. He chuckled near my ear too. Biglang lumamig ang malakas na simoy ng hangin. Rust's hug went tighter. Napatingala ako sa kalangitan nang maagaw ng maliwanag na kung ano ang aking atensiyon.
Nanlaki ang mga mata ko. I have never seen one before, but I think that is what it looks like. Ganoon ang itsura ng nakikita ko sa internet. At kasama ko si Rust, there's always first times when I am with him. Kinalabit ko siya ngunit hindi siya gumalaw. I pulled the hair on his leg again. He grunted, mas lalo niyang ibinaon ang leeg sa aking mukha.
"Love, there's a shooting star. Let's make a wish," I said.
Tumingala rin siya. Mayroon ulit dumaan at sa pagkakataon na ito ay ipinikit ko na ang mga mata. I made my wish. Dumilat ako nang matapos at ngumiti.
"What did you wish?" Tanong niya sa akin?
"If I will tell it, there's a possibility that it won't happen." Ganoon ang alam ko, e. Kung sasabihin mo ito sa iba, baka hindi mangyari.
"It will come true, trust me. Kung ano ang gusto mo, Daneliyah, iyon dapat ang masusunod," aniya.
"Paano kung hiniling ko na tigilan mo ang pagyakap sa'kin?" I tested him.
"No way! Except for that. Iyong seryoso kasi, love. What did you wish for? I'll make it come true. Or at least try my best to make it happen."
"You can't, you're not a doctor nor a surgeon," I stopped him from being corny. I wished for something serious.
"What? Ano ba hiling mo?"
"I wished for Rialla's successful heart surgery. We'll travel the world together once she's finally and fully healed. She likes tulips, our first destination is probably Amsterdam. Then we'll go to Plant City in Florida since she loves strawberry so much. It's the Winter Strawberry Capital of The World. At sa Disney World din para hanapin si Rapaunzel at mapuntahan ang tower niya. Then we'll go to Norway for the aurora borealis, we both like it," seryosong sabi ko.
I was painting when Rialla knocked on my door. Sumigaw ako para marinig niya na pinapapasok ko siya. Mabilis na bumukas ang pinto.
"Ate, are you busy? I have written all my dream destinations, do you want to see it? These are the places that I want to visit after my surgery," excited na sabi ni Rialla pagpasok sa aking kwarto. May dala siyang notebook at ballpen.
Mabilis ko na binitawan ang paint brush at itinuon ang atensiyon sa kaniya.
"I am not busy if it's you. Let me see, baby."
BINABASA MO ANG
The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)
RomanceKalsyta Daneliyah, she is the most beautiful rose. Aphrodite really took her time on her. Sobrang ganda. Sobrang perpekto. Kung tatanungin kung anong depinisyon ng maganda para sa akin, siya ang lalabas sa bibig ko. Kung tatanungin kung ano ang kahu...