Payment.
"Ikaw? Saan ka uuwi?" Tanong ko.
"Sa'yo."
"What do you mean?"
"Sa'yo ako uuwi. Sa'yo palagi uuwi. Ikaw? Kailan ka uuwi sa'kin?"
Pansin ko ang pag galaw ng kaniyang lalamunan. Napahawak ako sa aking palasingsingan. Hindi ko ba alam, pero tuwing nalilito, nagagalit, nalulungkot, masaya, o sobra na ang nararamdaman ko na emosyon, palagi ko na iyong ginagawa. It calms me for some reason.
Napatingin din si Rust sa aking kamay. He sighed. He held my hand. Hindi ko siya pinigilan. I really missed his touch. I miss him very close to me. Pinaglaruan niya ang palasingsingan ko.
"Hindi ko alam. I am confused by my emotions. Masaya ako na nakita kita ulit pero mas lamang iyong takot ko. At hindi ko rin alam kung bakit ako natatakot."
"Naiintindihan ko. Kaya nga ako nandito para suyuin ka. Para kuhanin ulit yung tiwala mo. Kasi ayoko na ganiyan ka, natatakot. Dati, hindi ka naman natatakot sa'kin. Dati, mahal na mahal mo ako."
"Mahal pa rin naman kita," sabi ko sa aking isip.
Tulala ako habang nararamdaman ang pagtulo ng tubig sa aking katawan. I feel so empty. Pinunasan ko ang tumulong luha mula sa aking mga mata. I feel so lonely. Sa sobrang dami kong kaibigan, pakiramdam ko ay mag-isa pa rin ako.
I miss my family too. I wanna go home. Gustong-gusto ko nang umuwi. Hindi ako sanay na lumayo sa kanila ng matagal.
Ayokong sisihin ang sarili pero ako naman iyong umalis, diba?
Bumuntong-hininga ako bago lumabas ng banyo. I went to my cabinet. Ngayon ko lang napansin na kaunti na lang pala ang damit ko. I need to buy new ones. Sa thrift store na lang para mas mura. Or... naalala ko na may mga damit pa ako sa condo ni Rust. Hmm, hindi ko alam. Pag-iisipan ko pa.
Kaya iyon ang laman ng isip ko pagpasok sa coffee shop kinabukasan. Ibinaba ko ang cream puffs at iced espresso sa lamesa ni Rust. He's here again. Hindi na nakakagulat. Parang kaunti na nga lang ay gagawin na niyang opisina ang coffee shop.
"Thank you. Kumain ka na?" He asked.
He is sipping on the coffee while directly looking at me. I noticed how his eyes went to the polo that I am wearing. It's his.
Tumango ako, "Yep."
Tumango rin siya. He went back to his laptop. Hindi pa rin ako umaalis sa aking kinatatayuan. I faked cough. Mabilis na umangat ang tingin niya sa akin.
"Yes, love?" He asked softly.
Kumunot ang noo ko. I rolled my eyes on him. Naupo ako sa harap niya. He quickly closed his laptop. Iginilid niya iyon at itinuon ang buong atensiyon sa akin.
"Uhm... Can I go to your condo? Kukuh—"
Natigil ako nang magsalita rin siya.
"Sure. Kailan? I am waiting for you to go home. To go home to me, my Daneliyah."
"I don't know. Maybe later, after work. Mabilis lang naman ako. Hindi ako magtatagal at hindi ako uuwi doon. Kukuha lang ako ng damit. Wala na kasi akong maisuot."
Ang lahat ng emosyon sa kaniyang mukha ay tuluyang nawala. Lumunok siya. Lumambot ang kaniyang mga mata. He let go a loud sigh before drinking on his coffee. He opened his laptop again. His brows furrowed while typing on his laptop. Napansin ko ang paghaba ng nguso niya. Ilang minuto siya na nagtitipa doon bago muling ibinalik ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)
RomanceKalsyta Daneliyah, she is the most beautiful rose. Aphrodite really took her time on her. Sobrang ganda. Sobrang perpekto. Kung tatanungin kung anong depinisyon ng maganda para sa akin, siya ang lalabas sa bibig ko. Kung tatanungin kung ano ang kahu...