Chapter 19

89 1 0
                                    

Labi.


Nangingiti akong hinampas ang braso ni Rust. Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis niya akong isinandal sa sink ngunit nagtira pa rin ng distansiya sa pagitan naming dalawa. Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay iyon sa kaniyang batok. Pumikit-pikit ako.

"Isang hampas pa, Daneliyah. Hahalikan talaga kita." Bumaba ang tingin ko sa kaniyang labi kaya naman napangisi si Rust.

"Try..." pang-aasar ko at umamba na hahampasin ulit siya. Tumaas ang isang kilay niya na tila hinahamon ako na ituloy at mukhang hindi niya ako pipigilan. Naririnig ko na ang madalas niyang linya na pabor na pabor naman sa kaniya kung gagawin ko.

Ngunit mabilis ko siyang tinulak palayo nang biglang bumukas ang pinto ng kusina.

"Hermano, I'm hungry! I want adobo." Napalingon ako sa babae na pumasok. She's very beautiful and she also looks young. Naupo siya at pumangalumbaba sa lamesa. Tumingin sa akin ang babae at kumunot ang noo.

"Chicken or pork?" Tanong ni Rust sa kapatid at lumapit sa refrigerator. Sumagot ang babae ng chicken. Tumango si Rust at iyon ang kinuha sa ref, "Amor, gusto mo na dito na kumain ng dinner? Ipapaalam kita kay Tita Kalla."

"S-sige, Rust." Kinuha ko ang cellphone sa bag.

"Amor, this is Xandria, my sister..." si Rust, "Xandria, this is Daneliyah but you should call her Ate Kalytsa."

"Your girlfriend, Hermano?" Xandria asked. Lumingon sa akin si Rust at ngumisi. Kinurot ko ang braso niya nang tumango siya sa kapatid bilang sagot, "It's nice to meet you, Ate Daneliyah."

"Xandria, it's Kalsyta," si Rust.

Hindi ko maalis ang tingin kay Rust habang inaayos niya ang mga gagamitin sa pagluluto. Nagsimula siyang maghiwa ng sibuyas at namangha ako dahil ang bilis. Inilagay niya ang kaserola sa stove at kumindat sa akin nang magtama ang mga mata naming dalawa.

"Can I call you Daneliyah, Ate?" Xandria asked me. Ilang segundo pa na nanatili ang tingin ko sa Kuya niya bago lumingon sa kaniya. Lumingon si Rust sa akin at umiling-iling kaya naman natawa ako. Nag puppy eyes pa siya.

Tumango ako sa kapatid niya. Ngumuso si Rust bago nag gisa, "Oo naman."

"Narinig mo 'yon, Kuya? It's fine." A triumphant smile was plastered on Xandria's face. Inabot ko kay Rust ang cellphone ko. Nakanguso na tinanggap niya para sana tawagan si Mama ngunit muling nagsalita si Xandria, "But, Ate Daneliyah. Sigurado ka na ba talaga kay Kuya? I mean, you're really pretty for him. Hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo? Marami akong kilala na lalaki, gusto mo na ipakilala kita sa kanila?"

Mabilis na lumingon si Rust kay Xandria. Sinamaan niya ito ng tingin. Nangingiti ako nang ngumisi si Xandria sa kapatid, nang aasar.

Mukhang pareho naming hilig na asarin ang Kuya niya.

"Xandria..." He warned.

"Bakit, Kuya? Dapat pagsuotin mo ng helmet si Ate Daneliyah dahil baka pag nauntog siya at magising, iwanan ka niya," Xandria laughed. Malakas din ako na tumawa. Lumingon sa akin si Rust at sinamaan ako ng tingin. Tinikom ko ang bibig ngunit natatawa pa rin.

"Doon ka nga muna, tatawagin na lang kita pag kakain ka na!" sabi ni Rust sa kapatid, "At anong sinasabi mo na marami kang kilala na lalaki? I told you before, you are not allowed to have a boyfriend. Subukan mo, Xandria, I will take all your cards."

"Duh! Malamang marami akong kilala na lalaki. Baka pumapasok ako sa school? Ano 'yon? Bawal kong malaman ang mga pangalan ng kaklase ko?"

"Ang galing mong sumagot. Iyan ang nakukuha mo sa kakasama mo sa mga kaibigan ko. Mahuli lang kita na mayroong boyfriend, ipapamigay ko lahat ng mga bags mo riyan." Malaki ang ngisi ko habang pinapanood silang dalawa na mag away. Namilog ang mga mata ni Xandria. Hinawakan ni Rust ang baywang ko nang lumapit sa akin. Saglit na nawala ang atensiyon ko sa away nilang dalawa dahil doon.

The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon