Chapter 30

49 1 0
                                    

Tat.


I was putting make up on my face when Tita Cely, Celes' Mom shouted, pinagmamadali kami dahil baka raw ay mahuli na kami sa exhibit kahit na maaga pa naman. Maging ang mga pinsan ko ay natataranta at hindi na alam ang sunod na gagawin.

I glanced at myself in the mirror. Tapos na akong mag ayos. I was wearing a white tube top, black flare pants and I put on a beige blazer to cover up. I put on my baguette bag and left the room.

Habang hinihintay ang pamilya ko na matapos mag-ayos, I texted Rust. Sinabi ko sa kaniya na sa museum na lang kami magkita. He didn't reply because he's driving. Ang kulit, ang sabi ko ay mag train o kaya naman sumakay na lang ng eroplano ngunit pinilit niya na magmaneho na lang patungo rito, ilang oras pa man din ang magiging biyahe niya.

Bumuntong-hininga ako nang lumabas si Papa mula sa kwarto kung saan sila natutulog. Sobra akong kinakabahan ngunit tuwing naaalala ang sinabi ni Celestine ay pinipilit ko ang sarili na kumalma.

Tatlong sasakyan ang ginamit namin dahil marami kami. Sila Lolo at Lola ay ang naiwan sa apartment dahil mabilis na silang mapagod. Nagpaiwan rin si Tita Gloria at Tito Luis, Isabella's Mom and Dad (my cousin) para magluto ng aming Media Noche at para na rin mayroong magbantay kay Lolo at Lola.

Our car stopped in the parking lot, mabilis akong lumabas ng sasakyan. I marveled at the every detail and the complex designs of the museum where the art exhibit is being held.

Maraming kilala at importanteng tao ang nakikita ko na lumalabas mula sa kani-kanilang sasakyan. I even saw celebrities and singers. Ngunit hindi ko na kailangang magulat na bigatin ang mga imbitado sa art exhibit na ito. Margaux Sierra is a very famous painter.

But my lips parted when I saw a leader of a very famous boy band. Oo nga pala, I am following him on ig, his feed consists mostly about paintings and museums. I looked at him again, I not a fan but he's really handsome.

Media also flooded the entrance of the museum. My brows furrowed when I saw how they're tamed. Tahimik lang na kumukuha ng mga litrato.

Pinauna ko sila na pumasok sa museum. I just reasoned out that I needed to go to the bathroom. Mama understood it immediately. Ngumiti siya sa akin at hinila na si Papa sa loob.

I took my phone from my bag and texted Rust. He's probably here in Paris by now. Gabi siya umalis kahapon at magiging tama lang sana ang dating niya ngayon, iyon ay kung nandito na siya.

"Miss, are you single?" A heard a voice from behind me.

Lumingon ako, "No, I have a boyfrie—Love!"

Tumakbo ako palapit sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. Damn, Rust smells so good. I let go of the hug and gazed at him from head to toe. He's wearing a white turtleneck shirt, black trousers and a brown blazer, the same as the fit that I am wearing.

Parang nagmukha tuloy na napagusapan namin na parehas ang isusuot na damit kahit hindi naman. Rust smirked when he looked at my clothes.

"I'm so nervous and excited at the same time," he whispered near my ear.

"Me too. But Mama said she'll help us. Kamusta ang biyahe mo? I told you to just ride the train or the plane para hindi ka mahirapan." I said while caressing his face. I pouted when I noticed that he shaved his stubble, "Your stubble's gone."

"I didn't know that you like it. I was worried that you'll get hurt if I am kissing you," he said huskily. Umiling ako, "It'll grow back, love."

The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon