Tahanan.
I was playing Taylor Swift's song while making my bed and doing my morning rituals. Sobrang aga ng gising ko dahil ngayong araw ang laban namin sa cheerleading competition. I just wore a plain gray sweatshirt and black leggings. Inilagay ko ang costume sa bag, ang sabi ni coach ay sa school na lang kami magpapalit. Iniwan ko rin na blangko ang mukha at hindi naglagay ng kolorete, tanging sunscreen lang dahil mayroon kaming make-up artist para sa competition.
Bumaba ako ng hagdan at sobra ang aking gulat nang makita si Papa na nakaupo sa aming couch sa living room. Ang alam ko ay bukas pa ang uwi niya. He usually go home early Saturday and will also leave Monday morning.
"Papa..." I uttered.
Nawala ang atensiyon niya sa laptop. Bigla akong kinabahan dahil sa tingin ni Papa. Biglang pumasok sa aking isip si Rust. Hindi pa alam ni Papa ang tungkol sa panliligaw sa akin ni Rust. O kahit nga iyong mayroong nang nanliligaw sa akin. Hindi ko alam kung kaya ko ba na sabihin. Ilang beses na sinabi sa akin ni Papa noon na hindi pa siya sang-ayon kung mayroon man na lalaking manliligaw sa akin. Bawal pa. Kailangan ko munang makapagtapos ng pag-aaral at malaman ang lahat ng tungkol sa aming food company.
"Ngayon ang laban niyo sa cheerleading, tama ba?" seryosong tanong ni Papa.
Tumango ako, "O-opo. Bakit po pala kayo nandito? I mean, hindi po ba bukas pa ang uwi ninyo? Nagulat lang po ako."
Lumabas si Mama mula sa kusina. Ibinaba niya ang hawak na kape sa lamesa kung saan nagta-trabaho si Papa. Kumunot ang aking noo, hindi ko alam kung ayos na ba sila. Basta ang alam ko, madaling magpatawad ang aking ina. Hindi siya marunong magalit. Isinara ni Papa ang kaniyang laptop at nagpasalamat kay Mama.
"I'll watch your competition. Hindi ko alam na mayroon palang livestreaming. Umuwi ako dahil akala ko ay sa school niyo pa kailangang manood. I guess, I'll just watch here in the house and join your Mom. Ang alam ko ay manonood din sila Manang at Manong Gregoryo."
Hindi ko napigilan ang pag-ngiti ng sobrang lawak. Ang malaman na papanoorin ako ni Papa sa aking hilig ay nag dulot nang kaba sa akin ngunit mas lamang pa rin ang saya.
"Kailangan kong galingan," bulong ko sa sarili habang naglalakad papunta sa room kung nasaan ang mga kasamahan sa cheerleading.
"Ngiting-ngiti tayo riyan, ah? Wala pang laban, panalo na agad?" bati sa akin ni Mia pagpasok ko. Mas lalo lang tuloy lumawak ang ngiti sa aking labi. Pabiro akong inirapan ni Mia. Nang makapagpalit na sa aming costume, pinaupo ako ng baklang make-up artist at sinimulan niya ang pag-aayos sa akin. Ang kaniyang kasama ay ang buhok naman ang inaayos.
"Ang ganda naman ng batang ito," the make-up artist commented.
Nahihiya akong napangiti, "S-salamat po."
"May pinsan akong single, dito rin nag-aaral. Ipakilala kita," aniya. I awkwardly smile then shook my head. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang pumasok sa isip ko si Rust. My cheeks started heating.
"Hindi na po siya available. Taken na po," sumingit nanaman ang madaldal na Mia. I rolled my eyes on her.
"Ay! Ganoon ba? Pasensiya na. Pero pakiramdam ko kilala mo iyon."
Nang matapos akong ayusan, lumapit ako sa bag at kinuha ang aking compact mirror doon. My lips parted when I saw my face. Sobrang simple lang ng ayos. May kaunting kulay gold na glitter sa mata, manipis din ang eyeliner, ngunit ang aming lipstick ay kulay maroon. Our hair was styled in a pigtail and tied it using a gold ribbon.
BINABASA MO ANG
The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)
RomanceKalsyta Daneliyah, she is the most beautiful rose. Aphrodite really took her time on her. Sobrang ganda. Sobrang perpekto. Kung tatanungin kung anong depinisyon ng maganda para sa akin, siya ang lalabas sa bibig ko. Kung tatanungin kung ano ang kahu...