Chapter 18

48 1 0
                                    

Girlfriend.


"Si Kuya Rust iyon diba, Ate? Sino iyong kasama niyang babae?"

My brows furrowed while watching Rust as he laugh with the beautiful girl he is with. I looked away when I felt a hollow pit inside my stomach.

Tinignan ko ang cellphone at ang huling mensahe niya pa ay iyong bago ako makatulog. Ngayon ay pumasok sa isip ko kung tama ba na nagalit ako sa kaniya kanina. Pinagsisisihan ko tuloy iyon dahil pakiramdam ko ay naging mababaw ako masyado.

Muli ko silang sinulyapan. Pinagmasdan ko kung paano pilit na hinihila ni Rust ang babae palayo dahil mayroong mga lalaki malapit sa kanila. Nakipag-away pa ang babae ngunit pumayag din. Hindi ko inaalis ang mga mata sa kanila hanggang wala na sila sa aking paningin.

"Kilala mo iyon, Ate?" Tanong muli sa akin ni Rialla.

Umiling lang ako dahil pakiramdam ko ay nawalan ako ng gana at hindi ko naman talaga kilala ang babae na iyon.

Matalim ang aking tingin sa labas ng bintana habang pauwi kami. Habang nasa daan ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone. Halos umirap ako nang mabasa ang pangalan ni Rust. Mr. Jackson texted.

O, tapos na siya sa babae niya kaya ako naman ngayon? Or maybe I am just overthinking, baka hindi naman niya babae. E, paano kung babae niya nga? Pero kung babae niya, bakit siya manliligaw sa akin? Damn it!

Corrode (Rust): Nandito sila Riley sa bahay at nag aaya na uminom. Can I drink, mi amor?

Ako: Yep.

Corrode (Rust): Galit ka pa ba? Can I call?

I didn't reply. Matapos ang ilang minuto ay tumawag nga si Rust. I ignored it. Hanggang sa makarating sa bahay ay tumatawag siya ngunit ang lahat ng iyon ay hindi ko sinagot.

Hindi naman ako galit. Hindi ko naman kayang magalit sa kaniya.

Maybe I am just a little upset. Naiintindihan ko naman ang galit niya kay Papa at siguro ay naging mababaw lang talaga ako sa parte na iyon. Mayroon din naman siyang punto sa mga argumento niya kanina. Pero iyong mayroon siyang kasama na babae kanina... I felt a little upset about it and something's off about me.

Nanlaki ang mga mata ko nang mayroong pumasok sa isip. Umiling-iling ako sa sarili.

Hindi ako nagseselos!

Pangako, hindi talaga ako nagseselos. Ano lang, uhm... Hindi ko lang gusto iyong nakita ko na mayroon siyang kasama na babae at mukhang close silang dalawa. E, bakit hindi mo gusto? Ilang beses kong minura ang sarili. Pakiramdam ko ay nababaliw na ako dahil kinakausap ko ang sarili kanina pa.

Itinapon ko ang unan sa sahig dahil sa gulat nang malakas na tumunog ang cellphone. Inis akong tumayo at binasa ang text ni Jackson.

Corrode (Rust): Can I call now? Busy ka pa ba? I want us to talk.

He called again and I was hesitant to answer. I just stared at the screen of my phone until the call stopped.

Corrode (Rust): Amor, please. Sagutin mo naman. Kahit saglit lang, Daneliyah. I just want to know if you're fine. Gusto ko lang siguraduhin kung ayos lang ba tayo.

Tumawag muli si Rust at sa pagkakataon na ito ay sinagot ko na. Pinahinaan ko ang volume ng t.v. bago itapat ang cellphone sa tainga. Narinig ko ang malakas niyang pag buntong-hininga. Napagaya tuloy ako.

The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon