Chapter 04

67 1 0
                                    

Next Time.


Makalipas ang ilang minuto, dumating na rin ang aming driver.

"Can you walk now?" Rust asked when I was about to got off the chair. I tried to take a step. I can still the pain, but not that much. Tumango ako kay Rust.

"Yep, salamat," ako.

Sandali siyang tumingin sa aking damit bago tumango rin, may ngisi sa labi.

"Gel, una na ako," paalam ko sa kaibigan. Lumingon siya sa akin mula sa pakikipag-away 'kay Nathan. Kumunot ang noo ko sa kanilang dalawa.

"Sige, pangalawa ako," si Angel. Hindi ko alam kung tatawa ba ako dahil hindi ko rin alam kung joke ba iyon. Ang pangit ng mga joke niya, buti na lang talaga at maganda siya.

Kumaway ako sa kanila paalis. Binuksan ko ang pinto ng kotse namin at naupo sa backseat.

"Sunduin muna natin si Rialla sa bahay nila Tyler, boss," bungad sa akin si Mang gregoryo.

"Sige po."

Nakatingin ako sa labas ng bintana habang papasok kami sa gate ng bahay nila Tyler. Naabutan ko ang kapatid sa upuan malapit sa pool ng kaibigan. Inaayos niya ang mga gamit. Lumingon siya pagpasok namin at ngumiti.

Sabay silang naglakad papunta sa pinto ng aming sasakyan. Hindi ako sigurado ngunit parang nagpapaalam si Rialla sa kaibigan niya. Pinanliitan ko sila ng mata.

Pinagbuksan ni Tyler ng pintuan ang aking kapatid. Nakita ko kung paano nagulat si Rialla nang makita ako rito sa likod ng kotse.

"Ate! Ngayon ka lang din uuwi?" tanong ni Rialla nang makaupo na siya. Kinuha niya ang bag sa kaibigan. Sandali na tinignan ni Tyler ang aking suot bago ngumisi din.

"Ingat po," ani Tyler sa aming driver. Nailipat ko kay Rialla ang tingin nang mapansin na titig na titig siya sa akin.

"Sige, Tyler Royce," sabi pabalik ng aming driver.

Umatras ng kaunti ang kaibigan ng aking kapatid nang umandar na ang aming sasakyan.

"Ate, mayroon din na ganiyan si Ty pero may nakasulat na captain iyong sa kaniya, iyan wala. Kanina po iyan?" Tanong ni Rialla at itinuro ang aking damit. Nanlaki ang mga mata ko, ngayon ko lang napansin na hanggang ngayon ay suot ko pa ang jacket ni Rust at hindi iyon naisauli.

Kaya pala malaki ang ngisi ni Tyler... at ni Rust! Bakit hindi niya sinabi at binawi sa akin?! Iyong t-shirt niya ay naiwan sa upuan ng kubo.

"Ano, uhm..." Cat got my tongue.

Hindi ko napigilan ang kapatid nang hinawakan niya ang jacket ni Rust upang mawala ang lukot at malinaw niyang mabasa ang maliit na burda ng apelyido ni Rust.

"Jackson..." She whispered. "Jackson, kay Kuya Rust!" malakas na sigaw niya at ngumiti ng sobrang laki. Tumingin ako kay Mang Gregoryo para tinan kung narinig niya ba iyon, baka isumbong niya ako kay Papa.

"Let me explain, bab-"

"Diba may crush si Kuya Rust sa'yo, Ate? Kayo na ba?" she asked excitedly. Mabilis naman akong umiling para tumanggi.

"No! I'll explain, baby," I said, a little frustrated. Nawala ang ngiti ni Rialla at ngumuso bago tumango, "Nadulas ako sa tubig tapos nabasa ang aking mga damit kaya pinahiram niya ako nito, gets?"

"Gets, Ate. Pero hindi pa kayo ni Kuya Rust?" Umiling ako sa kaniya, "Kailan magiging kayo? Aaang tagal naman!"

"H-hindi ko alam, baby." Mas lalo siyang ngumuso.

The Epitome of Sunset (Aurora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon